♪ Chapter 06 ♫

238 3 0
                                    

Chapter 6 - Edited

Abby's POV

Alam kong gusto niyong malaman kung bakit parang ayaw na ayaw ni Nikki kay Drei pero kasi papasimplehin ko lang yan.

Si Nikki ay isang cute na transferee na nagkataong napagtripan ng mga boys na matagal ng wala dito. Pero ang natira sakanila ay ang suspect, at yun ay si Drei.

Di naman sa binully nila si Nikki pero kasi nagkaroon ng isang pustahan na kailangan mafall si Nikki kay Drei at nangyari nga yon. Nafall siya.

Pero habang kumakain kaming apat, nagpaalam si Nikki na pupunta siya sa CR kaya pumayag kami. Di naman namin alam na merong rebelasyon ang magaganap dun.

Habang papunta si Nikki sa CR narinig niyang may kausap si Drei sa telepono kaya niya nalaman na pustahan lang to. Tumakbo siya sa CR, nagkulong sa cubicle at dun na umiyak.

At dahil mabait kaming kaibigan, hinanap namin siya. Pumunta kami sa CR tas dun namin nakita si Niks na naghihilamos at manamumugto mata. Actually, si Jam ang nakakita nun.

Simula nun sabi ni Nikki sa sarili niya na di na siya magpapaniwala kay Drei, sabi pa niya sinusumpa niya si Drei at etc. technically, lahat ng sinabi niya tungkol kay Drei ay negative.

Eto namang si Drei, wala kaming kamalay-malay na, habang ginagawa niya yung pusta ay unti-unti na siyang natatalo at ang ibig sabihin nun ay? Nahulog siya kay Nikki.

Ayun, ngayon seryoso siya kay Nikki, ginagawa niya lahat para matuwid pagkakamali niya kaya suportado kami kay Drei kasi nakikita namin yung effort na ginagawa niya para kay Nikki.

Oh well, alam kong para kay Nikki may kasalanan kami para sa kanya pero ang totoo niyan. Papasalamatan kami niyan no! Hahahaha.

If I know, may feelings din si Nikki kay Drei pero pinipilit niyang wag sabihin. Pinipilit niyang sarahin. Di naman niya magawa. Awtsuuu~ Hahahaha

"Ano na kayang nangyayari sa loob?" tanong ni Renz.

"Malay."

"Hala! Naeexcite ako! Dalaga na si Nikki!" sabi ni Jam.

"Pwede ba, lahat tayo naeexcite no." entra ng bruhang si Zelle.

Yes, bff ko siya, DATI. Everything can change no? Tsk. Balita ko nga inaagaw niya yung title kong 'Campus Princess' eh. Pwede ba? Kailangan Grade 9 yung Campus Princess, hindi 4th Year! Tss. Tsaka, si Bea kaya ang Queen Bee. Pfft-

"Ano kayang ginawa ni Nikki dun kay Drei, di kaya binugbog niya yun instead of sagutin niya?" natawa kami sa hula ni Cris pero naputol din yun nung bumukas yung pinto at sumalubong ang mga ngiti ng dalawa.

"So? Any improvements?" tanong ko tas lalong lumawak ngiti nila.

"Mission accomplished." sabi ni Nikki sabay taas ng nakainterlock nilang kamay.

"Ayieee~ kelegmatsss!" sabi ni Bea sabay akbay kay Jam na kanina pa tumitili. Hayst.

"Ano na? Magmemeeting ba tayo dito? O papanoorin natin silang maglampungan?" tanong ni Daniel tas sinamaan siya ng tingin ni Bea.

"Napakabitter mo. Alam mo yun? Maglablyf ka din kasi!" sabi ni Bea.

"Kala naman neto may lablyf siya." sabi ni Daniel kaya ayun, isang malakas na palo ang natanggap ng Campus King sa braso. Haha!

"Tara na, pasok ulit tayo." sabi ni Zelle tas hinila si Renz kasama niya.

Umupo kami sa kanya-kanyang upuan tas nagplay yung slide sa may screen. May projector kami no, can u not? Para kaming nasa isang business meeting. Wushu~

Infatuation: The Foolish Love [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon