Chapter 12 - Edited
Nung uwian na, lumabas na kami tas hinanap ko si Kuya.
"Boo-"
"Nagulat ako grabe." nakasimangot kong putol kay Kuya.
"Ang korni mo talaga."
"Heh. Nagjoke ako?" inirapan naman niya ako. Pumunta lang ng China, nabakla na.
"Bakla."
"Lul." tumawa naman ako, nagsimula na kaming maglakad palabas.
"Di ako susunduin ni Butler Jang?" umiling naman siya.
"Baka may kotse ako."
"Baka meron din ako."
"Baka ginagamit mo."
"Ano bang pake mo?" sumakay na kami sa kotse niya. Kala mo naman ang layo ng bahay namin.
"May manliligaw ka na pala." huh? Napatingin naman ako Kuya Fred.
"Baka meron."
"Meron nga." napairap naman ako.
"Wala!"
"Sus! Pinagpapalit mo na si C-"
"Yah!"
"Sorry na." pinandilatan ko siya tas tinuro.
"Fyi, ba't ko siya ipagpapalit eh wala naman siya para sakin."
"Ang rami mong alam." ngumisi naman ako.
"Maganda ako eh."
"What is beauty if your brain is empty." ngumiti naman na ako this time.
"Kala ko ba marami akong alam?" ngumisi naman siya.
"You got me this time."
"Mommy!" sigaw ko pagpasok ko sa bahay tas yinakap siya.
"How's your day?" ngumiti naman ako.
"Perfectly fine-" hinablot ni Daddy yung braso ko ng mahigpit.
"Aray ko-"
"What is this then?" ba't may pasa?
"Ba't ka merong bruise? Masakit ba?" tanong ni Mom.
"Di po masakit. Yung kapit lang ni Dad yung masakit." bumitaw naman si Daddy.
"Sorry."
"Okay lang Dad. Uhm, ngayon ko lang nakita yan. Nasanggi lang ako sa pinto namin." sumimangot naman si Kuya Fred.
"If I know-" tinadyakan ko naman siya, "Owww."
"Are you sure? Baka si Ms. Z nanaman yan." siya nga po.
"Okay lang po ako, promise." ngumiti ako kaya ngumiti rin sila.
"Okay." sabi ni Dad.
"Nakaready na po yung pagkain." sabi ni Ate Yayo.
"Kain na tayo." tumango naman kami tas pumunta na sa dining room.
"Hello?" tawag ko dun sa tumawag.
"Abby~" napasimangot naman ako kaya nagtaka sila Kuya.
"Sino yan?" he mouthed tas umiling ako.
"Bakit?"
"Punta ka sa bahay."
"Huh? Late na kaya."
"Dali na."
"Bakit?"
"Basta."
"Davi." warning ko.
"Wala, nevermind. Bye."
BINABASA MO ANG
Infatuation: The Foolish Love [UNDER REVISION]
Teen FictionUNDER REVISION! PLEASE? THANKIES! ^________________^ SORRY FOR THE INCONVENIENCE! WAG NIYO MUNANG BASAHIN! PERO--- BAHALA KAYO. YUNG MGA MERONG GANITO; '♪' at '♫' or NON-TITLED CHAPTERS PO YUNG MGA EDITED CHAPPIES. ~MS. A ♥♥♥