Chapter 23 - Edited
Sino bang kailangan ng prom? Ha? Nakakainis talaga.
"Abby-"
"Ayoko nga sabi! Di ako sasama sa inyo! Kadiri!!" binatukan naman ako ni Sandra.
"Gaga ka talaga."
"Pwede ba? Magpakababae ka naman! Jusko! Bihira ko lang yun makita!" sabi ni Nikki.
"Iiiihhhh!! Nakakairita kaya mag-accessories na mabibigat. Baka maapakan ko pa yung gown. Makati yung makeup! Ayokoooo!!!!!!" sigaw ko kaya napatingin samin yung mga estudyanteng dumadaan sa quadrangle. Ba't ba kasi sila andito? Teritoryo namin to ah.
"Ang ingay mo talagang loko ka." bulong ni Sandra sakin.
"Psh. Ba't ba? Sinong partner niyo?"
"Akin si Drei."
"Ininvite ako ni Ed."
Tumingin naman kaming lahat kay Jam.
"Tsk. Si Christian yung akin."
"Huwaaaattt??!" sigaw namin.
"Ang O-OA niyo." sabi ni Jam.
"Ba't hindi si Cris?" tanong ni Sandra.
"Anong hindi? May kapartner siya si Samantha." tumingin naman kami sa kanya with mischievous look.
"Ano?"
"Selos ka no?" tanong ni Niks.
"Luh? Di ah. Tsk." ngumisi na lang ako.
"Raming alam. Pano ka linigawan ni Christian?"
"Linigawan? Haha! May crush si Christian no. Kasi kami na lang dalawa walang partner eh."
"Anong kayo lang, ako pa no!" tumingin naman sila sakin.
"Anong ikaw? Pipili ka lang sa dalawa!" dalawa?
"Sino?"
"Hay nako Abby." iling nilang sabi tas nauna na papunta sa room.
"Hey!"
Renz' POV
"Renz," napalingon naman ako kay Carl.
"Bakit?"
"Iimbitahin ko sana si Abby sa prom eh." tapos?
"Anong gagawin ko?"
"Tatanungin sana kita kung aayain mo din siya." napangisi naman ako.
"Syempre. Aayain ko siya." ngumisi rin naman siya tas nakipaghand shake sakin.
"May the best man wins."
Abby's POV
"Abby~" napatingin naman ako kay Iñigo.
"Oh? Bakit?" napakamot naman siya sa batok.
"Ano kasi, pwede ba kitang maging date?" nanlaki naman mata ko.
"H-ha? Ano kasi,"
"Marie!" "Hime!"
Napalingon ako sa dalawang tumawag sakin tas tumingin uli kay Iñigo at tumango.
"Bakit hindi?"
"Yes! Salamat Abby," lumapit siya sakin tas binulong, "tinulungan lang rin kita." tas kumindat tsaka umalis. Tinulungan saan?
Liningon ko ulit yung kanina tas tinanong sila, "ba't niyo ko tinawag?"
"Anong pinagusapan niyo?" tanong ni Renz.
BINABASA MO ANG
Infatuation: The Foolish Love [UNDER REVISION]
Ficção AdolescenteUNDER REVISION! PLEASE? THANKIES! ^________________^ SORRY FOR THE INCONVENIENCE! WAG NIYO MUNANG BASAHIN! PERO--- BAHALA KAYO. YUNG MGA MERONG GANITO; '♪' at '♫' or NON-TITLED CHAPTERS PO YUNG MGA EDITED CHAPPIES. ~MS. A ♥♥♥