♪ Chapter 21 ♫

155 3 0
                                    

Chapter 21 - Edited

"Ren-ren~" kanta ko tas lumingon sakin si Renz.

"Bakit?" ngumiti naman ako.

"Less than three~"

Nagising naman ako bigla. Luh? Ba't ko tinawag na Ren-ren si Renz? Hahaha! Imposibleng siya yun. Haha.

Aga ko tuloy magising dahil sa bangungot na yun. Pfft-

"Good morning." bungad ko sa baba.

"Oh, kumain ka na, darling." tumango naman ako tas umupo sa pwesto ko.

"Di tayo nakapagusap ng maayos nung umuwi kami dito ah."

"Syempre, may guest tayo, tsaka mas pinili rin nating manood ng movie." sagot ko kay Mommy.

"Sabagay."

"Sumipot pa rin ba yung babaeng yun?" napalingon naman ako kay Daddy.

"Babae?"

"Yung nagtatangkang patayin ka." sabi ni Kuya tas humigop sa kape niya. Ano ba yan. Hihigop na nga lang maingay pa rin. Pfft-

Pero, oo nga, ang tagal na niyang hindi nagpaparamdam. Nakakamiss din. /smirks mentally

"Di na siya sumipot eh." sagot ko.

"Mabuti naman kung ganun." pagkatapos kumain sumabay sakin si Kuya. Nagvolunteer kasi siya na siya na lang maghahatid sakin.

"Magingat ka ah." tumango naman ako tas bumaba ng kotse.

"Abby!" salubong nila Nikki sakin.

"Buti maaga ka ngayon." hingal na hingal na sabi ni Jam.

"Oh?"

"Merong photography chuchu ngayon! Walang photographer." napataas naman yung kilay ko.

"Anong gagawin ko?"

"Ikaw kailangan, dali!" kaya akong maging multitalented eh. /flips hair

"Sir! Andito na po si Abby!" lumingon naman si Sir Richard.

"Buti nandito ka na." napairap naman ako.

"Bakit-" bigla naman niyang inabot yung DSLR.

"Anong-"

"Kukuha ka ng bagong pictures sa buong university para mapost sa website ng school. Last year pa kasi yun eh." aba.

"Anong pake ko?"

"Abby naman eh." siko sakin ni Jam.

"Sige na Abby, kailangan ko na din kasing i-update yung bagong layout ng website eh. Naguupdate na lang ako ng headlines eh." napairap naman ako sa sinabi ni Drei na kakarating lang.

"Oo na. Tsk." lumabas na ako tas pumunta na sa bawat room at pinicturan sila at dahil mga isip bata sila tuwang-tuwa naman sila. Lecheng buhay to oh?

"Hey," sipot ni Renz sa gilid ko.

"Oh?" liningon ko siya tas kumuha ng picure niya.

"Ampanget mo. Hahaha!"

"Pinagtitripan mo nanaman ako." ngumiti naman ako tas binaba ko yung camera.

"Ba't ba?" sinamahan niya ako sa buong univ hanggang sa nalibot ko na yung buong sulok ng school.

"Ano nang gagawin mo?"

"Ibibigay ko na to kay Sir Richard."

"Ah, samahan na kita." tumango naman ako. Pagpunta namin dun nadatnan naming andun si Carl at Drei.

Infatuation: The Foolish Love [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon