♪ Chapter 08 ♫

211 5 0
                                    

Chapter 8 - Edited

Abby's POV

"Iiih~ guys! Ayoko nga mag-two piece!"

"Abby ang Kj mo! Sexy sexy mo di mo linalabas! Ay nako." sabi ni Nikki sakin. Pano ba kasi, nakabihis na sila habang ako naka shorts lang tas white na T-shirt.

"Kung di mo lang talaga kami kaibigan napagkamalan ka na naming tibo." sabi ni Jam.

"Grabe ka naman."

"Arte neto. Ang rami-rami mong swim suit tas di mo sinusuot. What a waste." sabi ni Jam.

"Para namang di siya sanay magsayang. Binabato nga lang niya iPod niya eh." sabi ni Sandra.

"Iba yun!"

"Dali na kasi! Minsan lang to! Promise." sabi ni Jam.

"Pano ako makakasigurong last na to?"

"Basta last na talaga to." aish.

"Oo na nga lang." tas nagtatatalon na sila. Isip bata talaga, parang yun lang eh.

"Oh," sabi ni Sandra sabay hagis ng swim suit ko, "magbihis ka na."

Pumunta ako sa CR tas nagbihis, nung tiningnan ko sarili ko sa salamin napasimangot ako.

"Ahhhh!" sigaw ko tas pumasok si Sandra.

"Huy, bakit? Nadulas ka? Ano nangyari?" nagpapapanic na tanong niya.

"Ang panget ko." binatukan naman niya ako.

"Aray ko!"

"Jusko! Mamatay ako sa nyerbos dahil sayo eh!"

"Sorry naman."

"Meron kang see through na night gown di ba?"

"Yung puti?"

"Ano bang kulay nun? Ay nako Abby. Ang talino mo tapos ganyan ka? Susme."

"Sorry na. Susuotin ko yun?"

"Hindi paglalaruan mo. Abby naman!"

"Oo na. Labas na tayo." lumabas na kami tas malawak na ngiti ang sumalubong sakin.

"Sexy ni Abby~" kanta nung dalawa.

"Che!"

"Ano? Labas na tayo?" lalabas na sana sila pero pinigilan ko muna.

"Wait-"

"Bakit?"

"Hintayin niyo ko." kinuha ko yung night gown tas sinuot yun.

"Tara na?" ngumisi naman sila. Mukhang wrong move to ah?

"Mas lalo ka tuloy sumexy." sabi ni Jam tas umiling.

"E-eh??!"

"Tara na!" sabi nila sabay hatak sakin. Oh no.

Renz' POV

Nagusap-usap muna kami tas narinig naming sigaw ng sigaw si Abby.

"Ingay talaga ng babaeng yun." sabi ni Cris.

"Parehas kayo." sabi ni Ed.

"Gago."

"Sandra-- shems." nagulat kami sa nakita namin kaya napatayo kami. Eto ba talaga yung mga amazonang kilala namin?

"Mga pervert talaga tong mga to." nagising naman kami sa sinabi ni Nikki.

"Hi-hindi ah!" sabi ni Ed.

"Defensive." sabi ni Jam.

"May abs pala kayo." nagulat kaming lahat sa sinabi ni Abby kaya pati siya nanlaki ang mata.

Infatuation: The Foolish Love [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon