♪ Chapter 13 ♫

178 2 6
                                    

Chapter 13 - Edited

Abby's POV

As usual, magkahiwalay ang tables namin ng H.O.T at fortunately, wala ding rambulan ang naganap. Thus, this day, ang nagoorder ay si Sandra.

'Di mo siya i-confront?' tanong ko sa kachat ko.

Uhm, let me tell you something. Nakikipag chat ako sa taong di ko kilala. It's a role play account at di naman ako ganun ka tanga para makipag-eye ball sa kanila.

'Sus, okay lang yun. Sanay na ako.

'Ganun naman talaga yun eh.

'Mas gugustuhin mong maging second choice para makausap lang ang taong mahal mo.

'Mas gugustuhin mong masaktan para maging masaya yung mahal mo.

'Mas pipiliin mong lumayo para hindi maging peke ang mga ngiti ng mahal mo.

'Ganyan naman palagi di ba?

'May aasa, may manhid.

'At sa storya ko, ako yung umaasa.'

Ang drama naman neto. Juice colored.

'Kala ko ba close kayo?'

'Close kami pero, hindi ganun ka close.' napatango naman ako.

'Ba't parang pinupunto mong may ibang gusto yung girl?'

'Di naman sa ganun, pero mas close kasi sila nung boy, mas madalas kong napapansin na naka ngiti siya sa company nun.'

'So nagseselos ka nga?'

'Ganun ba yun? Di naman porket sinasabi mong second choice ka lang. Nagseselos ka kaagad di ba?'

'Oo nga naman. Ayt, basta. Manhid yung girl. Yun na yun.'

"Huy Abby, ano yan?" mapatingin naman ako kay Nikki.

"Wala to, may inaadvisan lang ako."

"Sus, baka may boyfriend ka na ah." sabi naman ni Jam.

"Wala ah!"

"Sabi mo eh." nakangising sabi nung dalawa tas nagring yung phone ko kaya chineck ko. Nagreply na si Augustus Waters. (huhu. TFIOS!)

'Anong sabi mo kanina, i-confront ko siya?'

'Yep.'

'Di naman madaling gawin yun. Ni di nga ako makalapit sa kanya ng trip ko lang eh.

'Kaya lagi na lang akong hanggang tingin sa kanya.

'Kumbaga langit siya, lupa ako.'

Ang sarap kutusan ng lalaking kung sino ka man. Leche.

'Grabe ka naman sa sarili mo.'

'Ganun talaga.'

'Sabihin mo na kasi! Na may gusto ka sa kanya! Pabebe pa eh.'

'Kahit wag na. Okay na to.

'Alam ko na rin naman kasing walang pagasa eh.

'Sadyang umaasa lang ako na pwedeng maging kami.

'Kahit sobrang imposible talagang mangyari.

'Sanay naman na ako.

'Lagi naman akong umaasa eh.'

"Hay nako, ewan ko sayo. Badtrip ka." sabi ko tas linapag yung phone sa table.

"Sino yun?" tanong ni Sandra.

"Wala. Just a random person asking for advice." sagot ko tas kinuha yung frap ko.

Infatuation: The Foolish Love [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon