42~ Mission Accomplished!

87 1 0
                                    

JUST UPDATED!!! HOHO!!! LABYOWW~~~

3rd Person's POV

Lahat sila gising na maliban lang kay Sleeping Beauty at Sleeping Handsome, aka, Abby at Renz.

Habang lahat sila nakaupo sa sala, nanunuod ng tv, napansin nila ang tagal lumabas ng kwarto ang dalawa.

"Ang tagal atang matulog nila Abby?" Tanong ni Jam

"Oo nga eh, ba't parang kulang na kulang sila ng tulog? Jusko! 11:45 na oh!" Sabi naman ni Nikki

Nagka-tinginan naman yung boys at ngumisi.

"Anong meron sa mukha niyo?" Tanong ni Sandra

"Wag niyo ng alalahanin yung dalawang yun! Baka pagod!" Sabi ni Ed with matching nakakalokong ngiti

"Huh?" Sabi ng mga girls

"Ang ibig naming sabihin, baka naka-score na si Renz kay Abby" sabi ni Cris at binatukan siya ni Jam

"Aray naman!" Sabi ni Cris

"Utak niyo ah! Masyadong GM!" Sabi ni Jam tapos pinag-pipindot yung noo ni Cris

"Eh! Ang tagal kaya nila!" Sabi ni Carl

Nag-isip naman si Sandra ng kung ano ang gagawin at napa-ngiti.

"May susi ba sa kwarto ni Abby?" Tanong ni Sandra at nagka-tinginan lahat kay Cris

"Syempre meron! Wait lang, hingiin ko" sabi ni Cris tapos umalis saglit

"Anong balak mo Sandra?" Tanong ni Ed

"Kung matagal sila, edi, tayo na mismo yung titingin!" Sabi ni Sandra

"Do you mean?" Sabi ni Drei at tumango si Sandra

"Yup! Titingnan natin sila! Whatever they are doing, okie?" Sabi ni Sandra tapos ngumiti

"Sige ba, hahah!" Sabi ni Carl

"Hey! I'm back!" Sigaw ni Cris tapos linapag yung susi sa table

"Ano? Game na?" Tanong ni Sandra tapos kinuha yung susi

"Tara na!" Sigaw nila at nag-paunahan paakyat sa hagdan

Pag-dating sa harap ng pinto ni Abby ay tumigil muna sila at nanahimik

"Shhhh!" sabi ni Sandra at pinasok na yung susi at binuksan ang pinto

Sumilip sila dito at nagulat sa nakita, kaya napa-gasp sila

Pano ba naman, magka-harap si Abby at Renz, magka-yakap pa, na akala mo, ayaw na nilang maghiwalay forever

"Bati na ba sila?" tanong ni Nikki at nag-shrug silang lahat

Tiningnan ulit nila sila Abby na mahimbing na natutulog ng may ngiti sa mukha

"Bagay sila..." sabi ni Carl at tumango silang lahat

May nakita namang bug si Jam kaya napa-tili siya at dahil na sa dulo siya ay natulak niya ang nasa harap niya na kinalabasan ng mala-dominong pagka-tumba

"Aray ko!" sabi ni Sandra dahil siya yung nadaganan nilang lahat

At dahil sa ingay ay nagising ang dalawang love birds sa pagka-tulog

"Hmmmm~" sabi ni Abby at umupo sa higaan niya at kinusot yung mata niya

Umupo na din si Renz at ginawa yung ginagawa ni Abby at nung clear na yung paningin nila napa-tingin sila sa pinto at nanlaki ang mata

"WAHHHH!!!!" sigaw ni Abby at nagtago sa likod ni Renz

"Huy, Rian, sila Sandra lang yan" sabi ni Renz sa natatakot na Abby

Infatuation: The Foolish Love [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon