"Hahaha. Trip mo ko?"
"Hindi. Dati, oo. Hahaha. ♥"
"HAHAHAHA ♥"
* * *
Oneshot.
Nagising ako at nakita ko sa tabi ko ang librong binabasa ko kanina, nakatulugan ko na naman. Ang aga ko kasing nagising kanina. Advising kasi namin, college thing, sobrang hassle.
Bumangon ako para i-check ang laptop ko, naiwan ko rin kasing naka-on 'yon kanina. Nakita ko medyo marami akong notifications sa Facebook account ako.
May mga nag-like ng pictures ng barkada namin noong huli kaming umalis. May mga -nag-like ng profile picture ko na kakapalit ko lang kahapon, may mga nag-comment at nag-tag sa kung anu-ano.
Pero may isang pangalan na sa tuwing lumalabas sa notifications ko, hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi pansinin.
Paulo Martin also commented on a post in Barkada ∞.
13 minutes agoPumunta ako sa group namin para tignan kung saan siya nag-comment. Nakita ko na nag-post pala si Bogs, nag-te-thank you dahil sa naging contribution namin para makasama siya sa nakaraang outing ng barkada sa Star City. Sabi niya babayaran niya raw kami sa susunod kaya nag-comment na rin ako.
Paige King EK naman, bogs! Sagot mo na. Walang bayad-bayad. Haha!
1 minute ago · LikePagkatapos kong mag-comment, nag-check na ako ng Twitter ko at nagulat ako ng bumalik ako sa Facebook dahil may bagong notification ako galing kay Paulo. Nag-comment ulit siya ro'n sa post sa group ng barkada.
Paulo Martin Out of town daw, eh. Haha!
2 minutes ago · LikeHindi ko inaasahan na sasagot siya kaya natuwa ako. Syempre, sumagot din ako kaya naging chat box na 'yong comment section na kaming dalawa lang ni Paulo ang magkausap. Hanggang sa asaran na ang nangyari...
Paulo Martin Haha. Trip mo 'ko??? 😜
1 minute ago · LikePaige King Hindi. Dati, oo. Hahaha. ♥
Just now · 10 👍🏻Hindi ko alam kung anong kagagahan na naman ang pumasok sa isip ko pero nakaka-miss din kasing makipagkulitan kay Paulo. Sumasakay na rin naman siya sa mga biro ko ngayon kaya okay lang siguro.
Three years ago, nagkagusto ako sa kanya. Doon nagsimulang magkaro'n ng lamat ang pagkakaibigan namin. Syempre, umasa ako tapos mabait lang pala talaga siya. Masyado kong binigyan ng meaning ang mga ginagawa niya para sa akin kaya nasaktan lang din ako sa huli.
Halos nito lang kami naging okay, mula nang maging college students na kami. Kahit papaano, bumabalik na 'yung friendship namin na nawala. Ang tagal din kasi bago ako naka-move on, akala mo naman naging kami.
Aaminin ko, may feelings pa rin ako para sa kanya pero hindi ko na lang ipinapakita sa lahat. Para rin naman 'to sa ikakabuti namin at para wala nang maging problema sa samahan namin.
Paulo Martin also commented on a post in Barkada ∞.
1 minute agoAnother notification from him. Mukhang nasa mood siya dahil ang bilis niyang mag-reply.
Paulo Martin HAHAHAHA ♥
10 minutes ago · LikeAng landi! Nakiki-heart pa ang loko. Ni-like ko na lang ang comment niya at lumipat na ako sa Twitter para makipag-usap sa iba kong kaibigan.
Ayoko na sanang umasa pero nakakatawa, 'no? Kahit simpleng gesture lang ng isang tao, basta kapag may nararamdaman ka para sa kanya, nabibigyan mo na agad ng meaning. Kulang na lang maging dictionary ka.
Nawala ang iniisip ko nang may nag-pop na chat box sa screen. It's Paulo.
Paulo Martin
a few seconds ago
Paige! Like like na lang, walang sagot? Ganyan ka na, ha! Porke't gumaganda ka. Haha.Parang baliw 'to. Seryoso, ano namang nakain niya? Kung anu-ano sinasabi, para tuloy akong timang dito na napapangiti.
Paige King
Eh paano, tawa na lang naman ang reply mo. Alangan namang sumagot pa ako. Haha. Gago! Wala akong pera ngayon 'wag kang mang-uto.Paulo Martin is typing...
Paulo Martin
Kiss na lang? 😂Paige King
Next time! Haha.Paulo Martin
Pero seryoso Paige, pwede pa ba?Paige King
Tanungin mo nga ulit ako, last na, 'yong tanong mo kanina sa group.Hindi ko alam kung nan-ti-trip siya pero wala naman sigurong masama kung maniniwala ako. Kung niloloko niya lang ako, sasabihin ko na sinakyan ko lang ang trip niya para safe.
Paulo Martin
Trip mo 'ko?Paige King
Dati, oo. Hanggang ngayon. Ako ba, trip mo 'ko?Paulo Martin
Dati hindi. Ngayon oo, sobra. Pwede bang... manligaw?Paige King
Bakit hindi? ☺️