Oneshot.
When you smile, everything's in place. I've waited so long, can make no mistake ♪
Naranasan niyo na ba anh tinatawag nila na unrequited love? Ako kasi, oo.
Dalawang taon na akong nagmamahal ng isang taong hindi naman ako mahal. Ang tagal na, 'no? Sabi nga nila, martyr daw ako.
Pero, anong magagawa ko? Hindi ko lang naman siya gusto, mahal ko siya. Siguro, para sa iba, katangahan na 'tong pinagsasasabi ko. Na ang bata ko pa para sabihing nagmamahal na ako. Pero wala namang tamang edad para magmahal, 'di ba? It just hits you.
All I am reaching out to you, I can't be scared, got to make a move ♪
At kung sakaling mag-iba man ang ihip ng hangin, sana ngayon ang araw na 'yon dahil ngayon ko na balak sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
Bahala na kung ma-reject.
Hinanap ko siya sa lunch break namin. Bigla kasing nawala sa room. Kung saan-saan ako nakarating hanggang sa nakita ko siya rito sa gym ng school, naglalaro ng basketball mag-isa.
Tahimik ko siyang pinagmasdan. Ang mapungay niyang mga mata, ang mapula niyang labi, ang makapal niyang kilay... lahat 'yan minahal ko sa kanya. Tinanggap ko ang buong pagkatao niya kahit na may mga bagay akong hindi gusto sa kanya.
Mahal ko nga kasi.
"Vince..."
Huminto siya sa pagshu-shoot ng bola nang marinig niya ako. Humarap siya sa akin at ngumiti. Pero agad rin namang napalitan ng pagtataka ang expression sa mukha niya.
"Uy. Anong ginagawa mo dito?"
"Ah—eh, gusto lang sana kita makausap. Kung okay lang sa'yo?" yumuko ako para itago ang pamumula ng pisngi ko. Nahihiya ako sa pinaggagagawa ko. Buwis buhay, laslas pulso.
"Oo naman," sagot niya.
While we're young, come away with me. Keep me close and don't let go ♪
"Tara," sabi ko naman sabay hila sa kanya palabas ng gym. Ewan ko kung bakit pero hindi siya nagsalita, ni hindi siya umangal. Sumasabay lang siya sa pagtakbo ko.
Nakarating kami sa playground ng school. Tahimik dito at walang tao. Makakapag-usap kami nang maayos.
Napansin kong magkahawak pa rin kami ng kamay. Mukha namang okay lang sa kanya pero bumitiw ako dahil nakakahiya na. Baka nahihiya lang siya magsabi.
"Anong gusto mong sabihin sa akin?" tanong niya sabay ngiti.
"Ahm— a-ano kasi..."
Bigla akong nakaramdam ng kaba. First time ko lang kasing gawin 'to. Tapos babae pa ako. Nakakahiya! Pero itutuloy ko na, nandito na 'to.
"I... I like you. No. I think... I love you."
Nilakasan ko ang loob ko na tignan anh expression niya sa mukha niya. Pero wala, eh. Nahihirapan akong basahin siya.
"Dalawang taon, Vince... dalawang taon na kitang mahal. Sorry kung nabigla ka sa mga sinasabi ko ngayon pero ito na, nasabi ko na. Hindi na ako makaka-atras."
Nanatiling siyang tahimik. Sa totoo lang nakaramdam ako ng kirot sa puso ko, hindi man literal pero masakit. Masakit makita na wala siyang pakialam, na parang wala lang sa kanya lahat ng 'to.
"Uhm, sige na. Aalis na ako. Nasabi ko na naman ang dapat kong sabihin," napapikit ako at tuluyan ko na siyang tinalikuran. Nang tumalikod ako, wala na. Bumagsak na ang mga luhang pinpigilan ko.