Oneshot.
"Hahaha! Julia, diba naging kayo dati?"
Nagsalubong agad ang dalawa kong kilay nang marinig ko ang tanong na 'yon. 'Yan na naman si Kath. Nakita lang na malapit ako kay Julia, tutuksuhin na agad kami. Sabi ko sa kanya, 'wag na niya ipapaalala 'yon, eh.
"Hindi kaya! 'Di ba DJ hindi naman naging tayo dati?" tawa ni Julia.
"Oo nga! Hindi talaga," iling ko at nag-high five pa kaming dalawa ni Julia.
"Kath! Paano 'yan, hindi naman pala naging sila, eh! Pahiya ka," kantyaw sa kanya ni Neil. Tumaas naman ang kilay ni Kath at hinila niya ako palapit sa kanya.
"Anong sinabi mo, DJ? Naging kayo kaya. No'ng first year tayo! Si Julia pa nga nanligaw sa'yo," tawa niya sabay kurot sa braso ko.
"Aray! Masakit!" daing ko kahit hindi naman talaga masakit. Gusto ko lang siyang asarin.
Bumitaw agad siya sa pagkakahawak sa akin. "Ay sorry DJ! Ikaw kasi eh."
"Wag mo na kasing ipaalala 'yon, Kath! Past is past. Isa 'yong malaking pagkakamali." Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni Julia.
* * *
"Pumaparaan ka lang kay DJ, eh! Lupit mo talaga, Kathryn," bulong sa akin ni Neil pagkatapos niyang guluhin ang buhok ko.
"Kinakausap ko lang, pumaraan agad? 'Wag niyo akong itulad sa inyo," tawa ko sabay siko sa tiyan niya.
"Aray Kath! Amazona ka talaga," daing ni Neil habang nakahawak sa sikmura niya.
"Syempre alam kasi naming crush mo si DJ kaya may malisya 'yon sa amin," nakatawang sabi naman ni Diego. "Ikaw, ha? Pasimple ka."
Masanay na kayo. One of the boys talaga ako kaya ganito na lang kami kung mag-asaran.
"Oo na nga lang," pabiro kong sang-ayon sa kanila kaya nagtawanan kami.
Aaminin ko, matagal na akong may gusto kay DJ. Pero sikreto lang 'yon. Barkada lang ang nakakaalam maliban sa kanya. Siguradong iiwasan lang ako nun kapag nalaman niya ang tungkol dito. It will be awkward.
'Yon ang dahilan kung bakit madalas ko silang tuksuhin ni Julia kahit matagal na ang issue nila na 'yon. Nasanay kasi ako sa gano'ng defense mechanism. Ayokong masaktan kaya ipinapakita ko sa lahat na walang lang sa akin 'yon.
Kinabukasan...
Nakatambay kami sa bahay nina Diego dahil nag-out of town ang parents niya at nagka-ayaan kaming magbonding ng barkada. Napansin kong magkatabi sina DJ at Julia kaya sinimulan ko na naman silang asarin.
"Uy, magkasama nanaman kayo, ah? Kayo na ba ulit? 'Di niyo man lang kami sinabihan," kunwari pa akong kinikilig. Para akong tanga. Ako rin naman nanakit sa sarili ko.
* * *
Muli na namang humirit si Kath. Inaasar na naman niya kami ni Julia porke't magkausap kami. Kung alam niya lang na siya ang dahilan kung bakit ako malapit kay Julia nitong mga nakaraang araw.
Oo, walang iba kung hindi dahil nga kay Kath. Siya lang ang gusto ko. Sabi ng barkada sa akin, gusto rin naman daw niya ako. Pero bakit ganito? Pakiramdam ko siya pa ang may gusto na sa ibang babae ako mapunta.
Kaya nga naguguluhan ako kung dapat pa ba akong umamin sa kanya. Hindi ko siya maintindihan. Nalilito na ako dahil 'yong mga pinapakita niya, kabaliktaran ng sinasabi ng barkada.
"Gaga ka talaga, Kath! Hindi nga kami. May pinag-uusapan lang kaming mahalaga kaya tumigil ka r'yan," depensa ni Julia.
"Hindi raw. Nako, kunwari pa. Oh tignan mo si DJ, natahimik. Kinilig na ang loko. Hahaha!" tawa ni Kath.
"Shut up, Kath," saway ko sa kanya.
"Make me," hamon niya.
Inilapit niya sa akin ang mukha niya na para bang mas pino-provoke pa ako. Hinawakan ko siya sa magkabila niyang pisngi at bago pa siya makapag-react, agad ko siyang hinalikan. It's just a smack.
"W—WALANGYA KA DJ! FIRST KISS KO 'YON!" nauutal na sigaw ni Kath habang hawak ang mga labi niya.
"Sana malinaw na sa'yo, Kath. Wala talagang mayro'n sa amin ni Julia o kahit sinong babae pa na i-tukso mo sa akin," dire-diretso kong sabi. "Sana malinaw na sa'yo na ikaw talaga ang gusto ko."
"H—ha? Ang lakas naman ng trip mo," irap niya.
"Umamin na kasi. Mahal din naman niya. Kunwari pa," tukso ni Julia kay Kath.
Nagtawanan tuloy kami dahil si Julia naman ang nagkaroon ng pagkakataon para gumanti sa kanya.
"Hoy, Julia! Gumaganti ka lang sa akin, eh!" depensa naman ni Kath.
"Tagal mong hinintay n'yan, 'di ba Kath? Tama si Julia, umamin ka na kasi," sabi pa ni Neil at tumawa nam. Si Diego.
Nagblush si Kath dahil pang-aasar nung tatlo. "Shut up, guys."
"Sige na nga. Akyat na muna kami sa kwarto ni Diego. Nakaka istorbo na yata kami. Tara na guys," aya ni Julia do'n sa dalawa kaya agad silang pumunta sa kwarto ni Diego.
"Kath..." tawag ko sa kanya kaya muli siyang bumaling sa akin. "Mahal kita."
Muli na namang namula ang pisngi niya. Ang cute-cute niya. "Weh?"
"Totoo," sagot ko naman. "Mahal kita."
"Talaga lang, ha? Walang bawian," sabi niya naman at tumango ako.
Hinawakan ko siya sa magkabila niyang pisngi. "Sinong may sabi sa'yong aatras pa ako? Ngayon pa ba kung kailan nandito na tayo?"
"Naninigurado lang," ngiti niya. "Mahal din kita DJ, mahal na mahal."
Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin sa collar ng polo shirt ko at bumulong.
"Halika nga rito. Bitin 'yong kiss," tawa niya at muli ko siyang hinalikan.