An open letter

4.2K 58 10
                                    

Minsan tinanong ko ang sarili ko, 'may tao bang hindi marunong manghinayang?'. Nakakatawa kasi alam mo kung sino ang biglang pumasok sa isip ko? Ikaw.

Ayaw na ayaw mo sa akin. Alam ko kahit hindi mo sabihin. Ramdam ko kasi hindi ako tanga, kasi hindi ako manhid kahit sobra mo na akong nasaktan at nasasaktan.

Gusto kong makaganti, gusto kong maramdaman na kahit isang beses, alam kong nanghinayang ka sa akin. Kaya naghanap ako ng distraction at nagpanggap akong masaya.

"Sino 'yon kasama mo sa bago mong profile pic?" tanong pa ng mga kaibigan natin sa akin habang magkakasama tayo.

Ngumiti lang ako at nahihiyang nag-iwas ng tingin. Tinukso ako ng mga kaibigan natin dahil namumula raw ang pisngi ko at halatang kinikilig daw ako sa bago kong 'special someone'.

Hindi nila alam, namumula ang pisngi ko sa hiya dahil kaklase ko lang naman ang kasama ko at ikaw pa rin ang gusto ko.

Naging mabait ka sa akin mula no'n. Hindi ka na siguro naiilang dahil baka iniisip mo na wala nang meaning ang mga ginagawa mo para sa akin dahil may iba nang nakakuha ng atensyon ko.

Pero mali ka. Maaaring nalilihis ang atensyon ko sa'yo paminsan-minsan pero sa huli, sa'yo at sa'yo pa rin ang balik nito. Dahil sa'yo lang naman ako, buong-buo. Kahit ayaw mo, kahit paulit-ulit mo na akong inaayawan.

"Natatakot ka ba sa akin?" minsan kong tanong sa'yo.

Hindi ko rin alam kung ano ang tinutukoy kong takot pero tinanong ko pa rin siya.

"May dapat ba akong katakutan?" matapang mo namang sagot.

Sa isip ko, hindi ko alam kung pagtatawanan kita sa sagot mo o tatapangan ko ang loob ko para umasa ulit sa isang ilusyon na binuo ng isipan ko: na sinungaling ka, na talaga namang takot ka sa akin at isa kang duwag.

Alam ko na 'yong tinutukoy kong takot. Takot ka dahil pinipigilan mo ang sarili mong mahalin ako. Takot ka na ipagkatiwala sa akin ang puso mo kaya sa tuwing nagpaparamdam ako, umiiwas ka.

Umiiwas ka dahil alam mong posible kang mahulog, alam mong baka sakaling may pagkakataon para sa atin, na baka pwede tayo.

Takot ka dahil alam mong sa 99.9% ng pagkamuhi mo sa akin, baka traydurin ka ng natitirang 0.1% at lumusot ako sa barrier na iniharang mo sa ideya ng tayo.

Takot ka dahil hindi ako ang 'ideal girl' na maganda, sexy, at bubuo sa mga pantasya mo. Takot ka na baka matibag ko ang mga 'standards' na isinet mo para sa sarili mo.

"Alam mo ba? Ikaw ang pinaka pa-hard to get sa lahat, ikaw ang pinaka maarte," matapang kong sabi pagkatapos kong tamaan sa ilang shots ng vodka'ng ininom ko.

"Oo, pa-hard to get talaga ako, maarte talaga ako," sang-ayon mo naman.

Do'n ko naisip na ang taas pala talaga ng tingin mo sa sarili mo. Ang yabang mo rin, 'no? Palibhasa alam mong kahit anong kapangitan ng ugali mo ang ipakita mo sa akin, babalewalain ko lang.

Na kahit napipikon na ako, naiinis... kahit madalas hindi kita maintindihan, tatanggapin at tatanggapin pa rin kita.

Alam mo kung bakit?

Kasi mahal kita, eh.

Maglilimang taon na pero walang kayang tumapat sa'yo sa puso ko. Nakakasawa na bang pakinggan? Sawa na nga rin akong sabihin pero matigas ang ulo ko, eh. Ayaw magsawa.

Para bang kamping-kampi sa'yo ang hypothalamus at amygdala ko kahit na ako naman ang may-ari sa kanila at hindi ikaw. Ang daya!

"Iba siya, eh. Ayokong ma-offend ka pero siguro wala talagang kayo. Hindi meant to be," minsang sabi sa akin ng best friend ko.

"Alam ko," tinawanan ko lang siya.

Pero tang ina, ang sakit pa rin after all these years sa tuwing may nagpapamukha sa akin na wala talaga tayo, na ang labong magkaro'n ng 'tayo'.

Kahit pa concern lang sila, kahit pa naaawa na lang sila sa akin. Pucha. Ano bang alam nila? Hindi ba sila nagbabasa ng fairytale? Nanunuod ng movies?

Hindi ba nila alam na sa huli pa talaga nire-reciprocate ng leading man ang feelings ng leading lady niya? Hindi ba sila naniniwala sa happily ever after? Sa destiny? Sa soulmates? Sa unrequited love na nasusuklian sa huli?

Sabi sa isang quote, 'change is the only permanent thing in this world'. Naniwala naman ako. Pero ba't gano'n? Hindi ka naman nagbabago? Hindi pa rin ikaw ang leading man ko, wala pa ring happily ever after, wala pa ring destiny, hindi pa rin ikaw ang soulmate ko... wala pa ring sukli ang love ko kaya unrequited pa rin.

Hindi ako ipokrita. Oo, umaasa pa rin ako. Kaya ko naman sana na wala, eh. Tanggap kong wala kang feelings sa akin at kaya ko na wala ka pero ang marupok nga siguro ako.

Kasi kausapin mo lang ako, lapitan mo lang ako, pakitaan mo lang ako ng kabutihan... nawawala ako sa sarili, binibigyan ko na agad ng meaning.

Tipong balik na naman sa umpisa, mahal na naman kita at hindi ko na naman alam kung paano ako aahon. Lunod na lunod ako, and I can't even save myself.

"Hindi worth it ang lalaking ganyan," sabi sa akin ng kuya ko habang pinapayuhan niya ako sa buhay pag-ibig kong non-existent.

Ngumiti lang ako sa pinsan ko at umiling. Galit 'yan sa'yo, eh. Kasi alam niyang madalas mo akong paiyakin kahit na noong high school palang tayo. Pero sino siya para sabihing hindi ka worth it?

Gago ka lang naman dahil minsan alam kong sinasadya mo na lang akong saktan. Siguro ginagawa mo lang 'yon para itigil ko na ang kahibangan ko sa'yo. Pero alam mo? Walang effect 'yon, eh.

Kasi kaya pa rin kitang patawarin kahit wala akong marinig na 'sorry' galing sa'yo. 'Yung tipong okay na lang sa akin kasi ikaw 'yan, eh. Malakas ka kaya sa akin.

"'Wag kang makulit. Tigilan mo na ako," saway mo sa akin nang minsang malasing ako.

Napikon ka, ramdam ko. Hindi ko alam kung dahil sa inasal ko o sa mga nasabi ko, o siguro sa lahat ng ginawa ko. At ako naman si praning, nag-panic deep inside at nasaktan.

Alam mo kung bakit? Kasi kahit gano'n lang ang sinabi mo, ramdam na ramdam ko 'yong rejection na sumasampal sa mukha ko. Ilang salita lang 'yon pero tagos. Natauhan ako bigla.

Na oo nga, tama sila. Malabong magkaro'n ng tayo, na hindi nga worth it. Na applicable rin pala sa'yo 'yong quote na pagbabago lang ang permanente rito sa mundo. Alam mo kung bakit?

Dahil nagbabago ka naman talaga. Parang mas naiinis ka sa akin, parang mas nagiging distant ka. 'Yon ang nagbago. Ayoko lang palang tanggapin kasi nabulag ako sa mga ilusyon ko.

Ayoko kasing tanggapin na hindi mo pa rin ako mahal kahit na alam kong mahal na mahal pa rin kita despite everything. It's so unfair pero... bakit?

Ano ang karapatan kong magreklamo kung may free will naman tayo rito sa mundo, 'di ba? May free will akong mahalin ka at may free will kang 'wag ibalik ang nararamdaman ko para sa'yo. That's how it works and I have to accept that.

Okay lang 'yon, 'di ba? Dapat talaga tanggap ko na pero hindi kasi, eh. Hindi ko na kaya. Para akong rubber band, paulit-ulit na akong naputol at ilang beses kong binuo ang sarili ko para sa'yo pero wala na talaga, sagad na sagad na ako.

Hindi ko na alam kung paano ko bubuuin ang sarili ko dahil masyado na akong damaged. Tipong, I've already reached my breaking point. Pagod na ako para sa wala. Tama na 'to.

Alam kong ako naman ang may kasalanan dahil umasa ako. Ako nga 'yong tanga, 'di ba? And I'm sorry for expecting too much, I'm sorry for being desperate for your attention and love. I'm sorry. I'm sorry for loving you this much kahit na alam kong hindi mo naman 'to hiniling sa akin.

Don't worry, this isn't a goodbye because you know what? There was never a beginning for this to even end.

Pero ang sakit-sakit... ang sakit kasi nakasanayan kita kahit hindi dapat. Ang sakit kasi ni minsan, hindi nasuklian ang nararamdaman ko para sa'yo. Ang sakit kasi alam kong wala lang naman 'to sa'yo.

Alam mo kung bakit ikaw ang naalala ko nung tinanong ko ang sarili ko kung 'may tao bang hindi marunong manghinayang'?

Kasi alam kong kahit mawala ako sa'yo, hindi mo ako hahanapin. At 'yon ang pinaka masakit sa lahat.

OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon