Je t'aime

3.5K 92 24
                                    

Oneshot.

"Pst! Galit ka na naman sa akin? Ano na naman bang ginawa ko sa'yo?" nagtatakang tanong ko kay Icee habang hinahabol ko siya sa hallway.

"Tseh! Tigilan mo nga ako, Ian!" angil niya sa akin.

Maayos naman ang tanong ko sa kanya pero bakit siya galit? Tinotopak na naman yata ang isang 'to.

"Ang sungit mo," sabi ko pa habang sinusundan ko siyang maglakad. "Mayro'n ka siguro, 'no?"

"Basta! 'Wag mo na akong kausapin," iritado niyang sabi. "Do'n ka na lang sa Yka mo!"

"Selos ka? Halika nga rito," hinila ko siya at inakbayan sabay pisil sa ilong niya. "Ang cute mo 'pag nagseselos ka."

Napansin ko ang pamumula ng pisngi niya pero nawala rin agad 'yon nang sikuhin niya ako sa dibdib.

"Ang kapal, ha? Sino namang siraulo ang nagsabi sa'yong nagseselos ako?" irap niya.

Ang sarap talaga nitong asarin, pikon pero nasanay na rin naman ako. First year high school pa lang, magkaibigan na kami kaya komportable ako sa kanya. Mas naging close pa kami ngayong third year high school.

"What? Why are you blushing, then?" tawa ko at natigilan naman siya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin, siniko na naman niya ako at mabilis siyang naglakad palayo.

"Cheek tint lang 'yon! Nilagyan lang kasi ako ni Je kanina! Nakakainis!" sigaw niya pa sa malayo.

Tumakbo ako at hinigit ko agad siya para hindi siya makatawid sa kalsada.

"Hey, seryoso na kasi," pakiusap ko. "Bakit ka ba nagkakaganyan? Wala naman kaming ginagawang masama," sabi ko pa at umirap na naman siya.

"Bakit? May sinabi ba ako na si Yka ang dahilan kung bakit ako nagagalit, ha? Wala naman, 'di ba?"

"Ah, hindi pala siya ang dahilan. Kaya pala kakasabi mo lang kanina," asar ko sa kanya.

"Hindi nga siya, okay?! Magsama kayo! I-chi-cheer ko pa kayo with matching pompoms," inis niyang sabi.

"Kunwari ka pa, halata naman," iling ko at inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya bago ko siya binulungan. "May gusto ka sa akin, 'no? Kaya ka nagseselos."

"Asa naman!" Itinulak niya ako at naglakad siya palayo pero patuloy ko pa rin siyang sinundan.

"Uy Icee naman! Binibiro lang kita," sabi ko pa. "Sige, kung hindi dahil kay Yka, bakit ka galit sa akin? Hindi ako papayag na umuwi ka hangga't hindi tayo okay."

"Basta! Wag mo na ngang alamin! Hindi na importante 'yon. Sige na, d'yan ka na! Uuwi na ako!"

Nagmamadali siyang tumawid sa kalsada at hahabulin ko sana siya pero lumingon siya sa akin.

"Stay there! You listen, okay?" sigaw niya at tumango ako. "Oo, dahil kay Yka kaya ako galit. Kasi Ian, je t'aime."

Paglingon niya sa kanan niya, nakita ko na may papalapit nang kotse sa kanya. Hinabol ko siya pero huli na ang lahat...

"ICEE!" sigaw ko nang makita kong bumagsak ang duguan niyang katawan sa sahig.

Wala siyang malay at patuloy ang pag-agos ng dugo mula sa mga parte ng katawan niyang nasugatan. Lalapit na sana ako sa van na nakasagasa sa kanya pero bigla itong umandar.

"Tulong! Tulungan niyo kami!" sigaw ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tumakas 'yong driver at duguan sa harap ko ngayon si Icee. Binuhat ko siya at sinubukan kong harangin ang kahit anong sasakyan na dumadaan. May isang taxi driver na tumulong sa amin at dinala niya kami sa pinakamalapit na ospital.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon