Oneshot.
"Ate Denisse, sayang! Hindi mo nakita si LA kanina. Pag-alis mo kasi, tsaka siya lumabas," salubong sa akin ng bunso kong kapatid na si AJ. Galing ako ro'n sa dati naming bahay, nagbayad ako ng load sa kamag-anak namin.
"Sayang talaga. Sana pala hindi muna ako umalis. Eh 'di sana nakita ko siya."
Nanghinayang ako dahil do'n pero nagdesisyon ako na mananatili muna ako rito sa terrace, nagbabakasali ako na baka makita ko siya kahit sulyap lang. Kasama ko pa rin ang kapatid ko at nag-u-usap pa rin kami tungkol kay LA. Kaya nagulat na lang ako nang dumaan sa harap ng bahay namin ang kapatid niyang si CJ.
"Patay! Narinig yata. Nakakahiya naman!" nataranta kong sabi.
Ganito kasi, may kapitbahay kaming gwapo. Noong una, curious lang naman ako sa kanya dahil para bang napaka misteryoso niyang tao. Once in a blue moon ko nga lang siya makita dahil hindi naman yata siya mahilig lumabas sa bahay nila.
Mas lalo ko siyang napagtuunan nang pansin mula noong naghiwalay kami ng peste kong ex-boyfriend. Nitong mga nakaraang araw nga na tinitignan ko siya, napansin ko na ang puti niya pala. Mestizo! Naka-braces pa siya at ang cute-cute niya talaga.
Nanatili pa ako ng kaunti sa terrace namin para maghintay. Hindi naman ako na-disappoint dahil nakita ko siya nang bumaba siya sa tricycle na sinakyan niya. Kulang na nga lang, mag-slow motion ang lahat ng nasa palagid. 'Yung tipong siya na lang ang nakikita kong gumagalaw.
Ang gwapo niya sa suot niyang white shirt at cap. Nag-iwas agad ako ng tingin dahil hindi ko siya kayang tignan ng matagal sa mukha. Kung tutuusin, dapat nga sulitin ko na ang pagkakataon dahil minsan ko lang naman siya makita. Ang kaso, nahihiya ako.
Pero mabait yata sa akin ang tadhana ngayon dahil sa pangalawang pagkakataon, nakita ko na naman siya. Nakaka-miss pala talagang magkaro'n ng crush at kiligin. Wala kasing kwenta ang ex-boyfriend ko. Seloso pero manloloko naman.
"Ate, si LA oh! Nakadangkal shorts," turo sa akin ng kapatid ko pero aware naman ako na nand'yan nga siya.
Tumingin ako sa direksyon niya at kulang na lang ay matawa ako dahil sa ikli ng shorts niya. Daig pa ako nito sa ikli ng boxers na suot niya. Pero syempre, gwapo pa rin siya kahit na mas makinis pa yata siya sa akin.
Nakita kong nilalaro niya ang aso nila. Mukha ngang napatagal yata ang panunuod ko sa kanya kaya napatingin siya sa direksyon kung nasaan ako. Pero ayoko namang mag-assume, baka mayro'n lang talaga siyang hinahanap kaya napatingin siya sa direksyon ko.
"Arf arf!"
Agad akong nataranta nang makita kong tumatakbo papalapit sa akin ang aso nina LA. It's a Pomeranian and I know it because I like dogs. Shit shit shit! Pati si LA ay tumakbo rin palapit sa akin dahil hinahabol niya ang aso nila.
At kapag sine-swerte, este minamalas ka nga naman, sa tapat ko pa talaga huminto ang aso nila. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na wala pang gate ang terrace namin o ikainis dahil hindi ako prepared sa ganitong close encounter kay LA.
"Sorry ha? Natutuwa lang siguro sa'yo ang aso namin, mukhang gusto ka niya," nakangiti niyang sabi nang buhatin niya ang aso nila.
Oh my good Lord! Kitang-kita ko ang braces niya nang ngumiti siya sa akin. Pisngi, makisama ka. 'Wag kang mag-blush, please!
"Ahm—ano, wala 'yon. Ayos lang sa akin. Ang cute naman ng aso niyo, eh," nakangiting sabi ko.
"Eh 'yung may hawak ba, cute rin?" nakatawang tanong niya. "Biro lang," duktong niya.
"Isasagot ko pa naman sana na pwede na," pakikisakay ko sa biro niya at tumawa kaming dalawa. Pagkatapos, inilahad niya ang kamay niya sa harap ko.
"LA nga pala."
Gusto ko sanang sabihin sa kanya na kilala ko na siya kaya lang ayokong sirain ang moment naming dalawa. Isa pa, opportunity rin 'to para mahawakan ko ang kamay niya.
"Denisse," pakilala ko naman at tumingin ako sa mga kamay naming magkahawak dahil ayaw niya 'yong bitiwan.
"Oops, sorry," napakamot siya sa batok niya na para bang nahihiya at napakagat pa siya sa labi niya. "Actually, kilala kita. Matagal na akong intereasado sa'yo, mula pa noong una kitang nakita noong ginagawa pa lang 'tong bahay niyo. Nahihiya lang kasi talaga akong lumapit."
"I guess it's not yet too late for us to get to know each other, then?"
"I am looking forward to know more about you, Denisse."
"I am, too, LA," sagot ko at nginitian namin ang isa't isa. It's a start. Of friendship and something more... maybe. I hope.