Halaga

2.8K 70 10
                                    

Oneshot.

"Oh, umiiyak ka na naman. Lalo ka lang pumapangit!" salubong ko nang makita kong umiiyak na naman si Tania, isa sa barkada ko. Inabutan ko siya ng panyo pero galit ang isinalubong niya sa akin. This ungrateful brat!

"Shut up! Mas pangit ka! Akin na nga 'yan!" sabay kuha ng panyo na inabot ko sa kanya tsaka suminga nang suminga. Ang balahura talaga ng babaeng 'to, eh.

"Sige lang Tanz, isinga mo lang lahat ng sama ng loob mo," tawa ko at sinamaan niya ako ng tingin.

"Kung bugbugin na lang kaya kita para mas effective ang paglabas ko ng sama ng loob?!"

"Walang ganyanan," iling ko. "Ba't ka ba kasi umiiyak? Para kang tanga. D'yan ka pa sa hagdan nag-da-drama. Dahil na naman ba ro'n sa mukhang tsonggo mong boyfriend?"

She sighed, "Correction, ex-boyfriend."

"Buti naman natauhan ka na. Anong nangyari? Sinong nag-untog sa'yo para magising sa bangungot?" muli kong tawa at humagulgol naman siya. Fuck! Ano bang problema ng babaeng 'to?

"Niloko niya ako... niloko niya ako, Tan. Nakita ko siya, may... may kasama siyang babae sa mall tapos... tapos..."

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil humagulgol na naman siya at hiyang-hiya ko naman siyang sinaway.

"Hoy, tumigil ka nga! Mukha kang tanga," saway ko sa kanya habang pinupunasan ko ang mukha niya ng t-shirt na suot ko. Kadiri talaga 'to. "Upakan ko na ba? Say yes and I'll break his face."

Pumayag lang talaga 'tong si Tania, makakatikim sa amin ng barkada ang ex niyang kamukha ni Gori sa Slamdunk. Sobrang kupal naman talaga nun, hindi na ako magtataka na nagawa niyang lokohin si Tania.

"'Wag na, Christian. Madadamay pa kayo ng barkada, eh. Hindi na kailangan. Naupakan ko na 'yon kanina. May black eye pa nga."

"Tumahan ka na," sabi ko sa kanya. "Marami naman d'yang iba, 'yong hindi ka lolokohin, 'yong iiwasan ang mga bagay na alam niyang makakasakit sayo hangga't sa kaya niya. Malay mo nand'yan lang siya sa tabi-tabi, 'di ba?"

She smiled, "Salamat, Tantan. Buti na lang nand'yan ka palagi para sa akin."

'Yon na nga. Ako 'yong nand'yan palagi pero hindi mo naman ako nakikita. Tsk!

* * *

"Baby, I love you."

"Baby, ikaw lang. Promise."

"Baby, mag-iingat ka. Hindi ko kayang mawala ka."

Paulit-ulit na nag-e-echo sa isipan ko ang mga kataga ng ex-boyfriend kong mukhang tsonggo (sabi ni Christian) na si Nikko. Hindi dapat ako naniwala. Masyadong matamis ang mga salita niya kaya 'yon, nilanggam at nawala.

"Tanz! Wait up. Let me explain, please."

Anong ginagawa ng tsonggong 'to rito sa may cafeteria?! Diyos ko naman, baka gusto na naman niyang makatikim ng suntok sa mukha niya!

Hinigit niya ako sa braso ko at iniharap niya ako kanya. Umirap ako at binawi ang kamay ko, "Nikko, bitiw na! Wala akong pakialam sa paliwanag mo. Para saan ba 'yan? Para lokohin mo na naman ulit ako?!"

"Tania..."

Gusto ko siyang sapakin ulit pero may hawak akong pagkain sa kamay ko. Sayang naman kung bibitiwan ko. If I know, nagda-drama lang naman 'to dahil sa ego niya. He cannot accept the fact he cheated but I was the one who broke up with him and not the other way around.

OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon