Naniniwala si Abigail na nakuha na ng engkanto ang virginity niya, pano ba naman nanaginip sya nahinahalay sya ng isang lalaking puro itim at hindi sya makagalaw at makasigaw. Yung tipong nanaginip sya at ng magising sya ay nasaloob parin sya ng panaginip nya. Habang pinagsasamantalahan sya ng taong itim, sa isip ni Abigail eh hindi naman sya makagalaw kaya natulog nalang sya at hinayaan ang lalaking itim sa ginagawa nito. Nagising sya kinabukasan na may kaunting dugo ang kanyang underwear, hindi nalang sya nag-assume na totoo ang panaginip nya at inakala niyang baka may dalaw sya nung araw na yun..
Ngunit bigla ang pagsakit ng pagkababae niya at hindi sya makalakad ng maayos.
Dahil sa murang edad na 17 ipinagtapat niya sa kanyang mga magulang ang tungkol sa panaginip niya at tungkol sa dugo sa underwear niya."Ano? Ginapang ka kamo ng engkanto? Aba, hindi ka ba nagdadasal bago matulog na bata ka?"asik ng papa ni Abigail.
"Nagdadasal naman po ako Papa". Pero ang totoo ay nakakaligtaan na niya.
"Ano anak, maayos lang ba ang pakiramdam mo?" May pag-aalalang tanong ng Mama niya.
"Opo Ma, ayos lang naman po ako". Tugon niya para maibsan ang pag-aalala ng Mama niya, pero ang totoo masakit talaga ang pempem niya.
Ano ba naman kasing Engkanto yun at bakit ako pa ang napiling halayin, kabata-bata ko pa pinagnanasaan na ako . Napabuga nalang ng malalim na buntong hininga si Abie sa iniisip.Paano na ngayon kung totoong kinuha ng Engkanto ang virginity niya? Paano niya sasabihin iyon sa magiging future hubby niya.
Napaismid ang dalaga sa isiping wala man lang yung thrill na nababasa niya sa mga romance story ni Race Darwin na may kuryenting kikiliti sayo, masasaktan ka ngunit mapapalitan iyon ng kiliti sa kalaunan.Ano ba naman yang laman ng utak mo Abie?! Ipinilig nalang ng dalaga ang ulo sa dami ng iniisip niya.
What now Abie?? Tanong niya sa sarili habang nakatitig sa salamin.
Paglipas ng panahon hindi parin mawala sa isip ni Abie ang nangyari sa kanya noong 17years old siya. Dala ng takot na naranasan niya sa kamay ng itim na lalaki, kahit kelan ay hindi siya pumasok sa isang relasyon.
Oo hindi na sya nagkaroon ng boyfriend mula noong araw na iyon. May mga crush naman sya pero hangang doon nalang dahil naroon parin ang takot, takot na baka may mangyari sa kanya at maging resulta ng pagka trauma niya, ang dahilan, ang Engkanto.
Nawewerdohan man sya sa sarili niya, pero yan sya. Yan ang totoong si Abigail Villafuente.AFTER 7 YEARS
"Pare sino yan?" Tanong ni Franko sa kaibigang si Jason.
"Saan? Ah yan ba, si Abigail yan kaibigan ni Angeline. Bakit? Maganda ba?" May panunudyo ang ngiti na ipinukol nito sa kaibigan.
Matamis na ngumiti si Franko.
Abigail, such a beautiful name. Bagay na bagay sa napakagandang dalaga. Humahanga na tinatanaw niya ang dalaga sa di kalayoan na bench kung saan nakaupo sina Abigail, Angeline, Krystel at Princess."Wag mo ng balakin na ligawan yan pare, hindi nagpapaligaw yan". Si Jason.
"Bakit daw? May boyfriend na sya?" Tanong niya sa kaibigan.
"Wala naman yata pero ayaw daw sa lalaki eh, hindi ko alam kung bakit pero sabi nila may trauma daw."
"Trauma??"
Tango ang isinagot sa kanya ni Jason.May Trauma sya? Bakit?
Naging tanong sa isip ni Franko.Nagtatawanan silang magkaibigan sa park nung hapon na iyon, kakatapus lang ng trabaho nila at tuwing uwian ay tumatambay pa sila sa plaza na nasa harap lang ng pinagtatrababuan nilang magkaibigan. Halus magkakapatid na ang turingan nilang apat. Paano ba namang hindi eh simula first year college hangang sa ngayon ay magkasama parin sila, hinda na yata sila mahiwalay. Nasaksihan na nga nila ang kanya-kanyang ups and down, pati sa kasal ni Krystel ay kumpleto din silang dumalo. May seryosong nobyo na din si Princess, si Angeline naman ay papalit-palit na din ng nobyo dahil parati itong nahuhulog sa isang manlolokong lalaki. At si Abigail, ayun takot parin. Takot parin syang malaman kung virgin pa ba sya o hindi na. Naisip na nga niya na magpacheck up nalang sa isang OB-Gyne para malaman niya kung warak na ba ang goma o buo pa, pero natatakot din siya. Baka isipin ng OB-Gyne doctor na feeler syang virgin kung nagkataong hindi na. Ano ang sasabihin niya sa doctor, na nahalay sya ng Engkanto at yun ang First Romance niya.
Ipinilig nalang niya ang ulo sa kung ano-anong iniisip.
BINABASA MO ANG
My Second Romance
General FictionTotoo ba na may Engkanto? Ito ang tanong sa isip ni Abie ng mawala ang virginity niya sa edad na 17, oo nga at parang nakakatawa pero hindi niya lubos maisip kung anong mukha pa ang ihaharap niya kung darating na ang taong pagbibigyan niya ng kanyan...