CHAPTER 4 FIRST TIME I EVER SAW YOUR FACE

8.3K 83 5
                                    

Naglalakad-lakad si Franko sa park ng hapong iyon, kasama niya ang kaibigang si Jason na anak ng Business partner ng kanyang Ama. Matagal ng gusto ng Ama niya na pagtuunan niya ng pansin ang negosyo nito sa Pilipinas, ayaw lang niya dahil hindi niya maiwan-iwan ang buhay sa America. Ganoon din si Jason, ayaw nito ng stress at paper works pero dahil nakumbinse ito ng Papa nito dahil matanda na din ang Papa nito, kaya wala na itong nagawa kundi ang pagtuunan ang negosyo ng mga Ama nila.
Siya naman, ganoon din, maraming negosyo ang Ama niya sa bansa, at dahil siya ang panganay na anak na lalaki, natural na siya ang pamanahan nito. Malalim ang iniisip ni Franko, malayo kasi ang buhay na haharapin niya dito kesa sa buhay na nakasanayan niya sa America.
Franko released a deep sigh.

Well, i guess this will be your new life Franko. Sa isip niya.
Panahon na nga siguro na maging mature na sya sa buhay. Hindi na pwede na puro gimik nalang siya. He's already 26 years old at may mga responsibilidad na din syang kailangan harapin sa pamilya niya. Ayaw naman niya na pabayaan ang Ama niya. Yes he is a stubborn brat before pero nagbabago din naman ang tao, at yun ang gusto niyang mapatunayan sa Pamilya niya, lalong-lalo na sa kanyang Ina.

Natigil sa paglalakad si Franko ng masipa niya ang maliit na bato, napayuko siya at natanaw ang maliit na bato na gumulong-gulong papalayo. Bahagya siyang napangiti sa isiping para na yata siyang baliw. Nakapamulsa siya at nag-angat ng mukha, magpapatuloy na sya sa paglalakad. Pero bago pa sya makahakbang ay natitigan niya ang babaeng nasa harapan niya di kalayuan. Nakaupo ito sa isang bench at may kasamang tatlo pang babae. Nagtatawanan ang mga ito. Magaganda ang apat na babae pero iba ang dating sa kanya ng dalagang naka-white sleeveless and black skirt. Para itong dyosa na umaakit at nagsasabi sa mga mata niya na titigan ito. Hindi na naalis ni Franko ang mga mata sa dalaga.
Napansin naman ni Jason na natigilan sya sa paglalakad.

"Hoy pare, ano ng nangyari sayo? Natigilan ka na dyan?" Pukaw nito sa kanya.
Napakurap siya at nilingun ang kaibigang si Jason, nagtatakang tiningnan niya ito. Natatawang lumapit naman ito sa kanya at inakbayan sya.
"Ano bang iniisip mo pre?" Malawak ang ngisi sa mukhang tanong nito sa kanya.

"Ah wala pare may naalala lang ako". Sagot niya sabay ngiti sa kaibigan. Binalikan niya ng tingin ang babaeng tinititigan niya kanina, napakaganda talaga nito. Napangiti sya.
Napansin naman iyon ni Jason at bumaling ang tingin kung saan siya nakatitig. Napangiti din ito.

"Sila Angeline pala, kilala mo ba sila pare?" Tanong nito sa kanya.
Umiling lang siya. Kilala pala ng kaibigan ang mga dalaga.

"Pare sino yan?" Tanong ni Franko sa kaibigang si Jason.

"Saan?"

"Yang naka-white?"

"Ah yan ba, si Abigail yan kaibigan ni Angeline. Bakit? Maganda ba?" May panunudyo ang ngiti na ipinukol nito sa kaibigan.

Matamis na ngumiti si Franko.
Abigail, such a beautiful name. Bagay na bagay sa napakagandang dalaga. Humahanga na tinatanaw niya ang dalaga sa di kalayoan na bench kung saan nakaupo sina Abigail, Angeline, Krystel at Princess.

"Wag mo ng balakin na ligawan yan pare, hindi nagpapaligaw yan". Sabi ng kaibigan na mukhang nabasa ang nasa utak niya.

Napakunot-noo siya sa sinabi nito.
"Bakit daw? May boyfriend na sya?" Tanong niya sa kaibigan.

"Wala naman yata pero ayaw daw sa lalaki eh, hindi ko alam kung bakit pero sabi nila may trauma daw."

"Trauma??" Naguguluhang tanong niya sa kaibigan.
Tango ang isinagot sa kanya ni Jason.

May Trauma sya? Bakit?
Naging tanong sa isip ni Franko.

Nagtatawanan silang magkaibigan sa park nung hapon na iyon, panay ang kwento ni Angeline ng lovelife nito sa kanila. Kakatapus lang ng trabaho nila at tuwing uwian ay tumatambay pa sila sa plaza na nasa harap lang ng pinagtatrababuan nila, nagkakape sila habang nakaupo sa bench o kumakain ng chiraron o hindi kaya ay mani. Ganoon na sila dati pa kahit noong nasa koleheyo palang sila, halus magkakapatid na ang turingan nilang apat. Paano ba namang hindi, eh simula first year college hanggang sa ngayon ay magkasama parin sila, hindi na yata sila mapaghihiwalay. Nasaksihan na nga nila ang kanya-kanyang ups and downs, nakita na nila ang kanya-kanyang mukha na umiiyak at tumatawa, pati sa kasal ni Krystel noong nakaraang taon ay kumpleto din silang dumalo. May seryosong nobyo na din si Princess, si Angeline naman ay may bago ng nobyo, actually papalit-palit na nga ito ng nobyo dahil parati itong nahuhulog sa isang manlolokong lalaki. At si Abigail, ayun takot parin. Takot parin syang magpaligaw at pumasok sa relasyon dahil natatakot syang malaman kung virgin pa ba sya o hindi na. Sa panahon kasi ngayon ay hindi mo maisisiguro na hindi mo maibigay ang lahat ng nasa iyo sa taong karelasyon mo, at paano kung pumasok siya sa relasyon, ayaw naman niyang hindi maging seryoso kung magkaka boyfriend man siya, gusto niyang maging seryoso ang first relationship na papasukan niya, gusto niyang maging totoo ang nararamdaman niya para sa isang taong magmamahal sa kanya at mamahalin din siya. At kung nagkataon na iyon na ang mapapangasawa niya ay siguradong magkakaroon sila ng physical intimacy at yun ang lubos na ikinakatakot niya. Paano pag hindi na talaga siya berhin? Paano niya ipapaliwanag dito ang tungkol sa bangungot na pinagdaanan niya? Maniniwala kaya ito? She had a lot of hesitations. Naisip na nga niya na magpacheck up nalang sa isang OB-Gyne para malaman niya kung warak na ba ang goma o buo pa, pero natatakot din siya. Baka isipin ng OB-Gyne doctor na feeler syang virgin kung nagkataong hindi na. Ano ang sasabihin niya sa doctor? Na nahalay sya ng Engkantong rapist at yun ang First Romance niya.
Ipinilig nalang niya ang ulo sa kung ano-anong iniisip.
Itinuon niya ang presensya kay Angeline na nagkukwento parin, kitang-kita niya sa mukha ng kaibigan kung gaano ito kasaya sa bago nitong boyfriend. Napangiti sya, masaya din siya para sa kaibigan.
Maya-maya ay may ibinulong sa kanya si Princess kaya naagaw nito ang atensyon niya. Bumaling siya sa kaibigan at tumingin dito na may pagtatakang ekspresyon sa mukha.

"Ano yun besh?" Usisa niya sa kaibigan at bahagyang nakataas ang dalawang kilay.

"Hmm, besh sa tingin ko kanina pa nakatitig sayo yung pogi dun sa may fountain oh." Wika ni Princess sa kanya sabay nguso sa gawi ng fountain sa plaza kung saan sila nakatambay.

"Ha? Saan?" Tanong niya sabay hanap sa sinasabi ng kaibigan.
At nang mahanap niya ang sinasabi nitong "pogi", parang gusto niyang matunaw sa kinauupuan dahil sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya.

Parang lazer ang mga mata nito na siguro kung papatayin sya nito sa paraan ng pagtitig ay sapol na sapol talaga sya.
Nakamaroon polo shirt ito, nakajeans at naka dark brown leather shoes na bagay na bagay sa pangangatawan nito. Hindi maitatago ng mga damit nito ang matipuno nitong pangangatawan, matangkad din ang lalaki, nasa 5'9" ang height nito at pwedeng pwede itong maging modelo.
Oo pogi nga ang lalaki, hindi lang basta pogi, napakagwapo nito na para bang lahat ng kagwapohan ay sinolo na nito at hindi na namigay sa kapwa nito Adan.
He has a pair of dark brown eyes na parang inuutosan ang kahit na sinong babae na ibaba ang panty nila. Pointed nose na parang kahulugan iyon ng paggiging istrikto nito, and that sexy pinkish lips na parang nakakauhaw at kaysarap tikman.
Napalunok si Abigail sa pagde-describe sa lalaking nakatitig sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata, gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito dahilan para mailang siya. Binawi niya ang tingin at itinuon ang mga mata sa kanyang mga kaibigan pero sa gilid ng mga mata niya ay alam niya na nakatitig parin ang lalaki sa kanya.
Tuluyan na siyang nairita dahil sa kung sinong gwapo ang panay ang titig sa kanya.
Papatayin yata ako sa tingin ng Mamang pogi nato. Sa isip niya.

Nahuli ni Franko ang mga mata ng dalagang kanina pa niya tinititigan. Nakatayo siya sa gilid ng fountain ng naturang park na iyon. Napangiti siya sa paraan ng pagtitig ng dalaga sa kanya mula ulo hanggang paa. Nabasa niya ang paghanga sa mga mata nito. Humahanga din ang dalaga sa kanya, tiyak niya iyon dahil alam niya ang ganoong klasing kislap sa mga mata na nakita niya sa mga mata ng dalaga. Parati niyang nakikita ang ganoon kislap sa mga mata ng mga babaeng dumaan sa kanya noong nasa America pa siya.
He must make a move para makalapit siya sa dalaga, hindi niya hahayaang hindi man lang ito makilala.

You will live with regrets Franko, kung hindi mo man lang mahawakan ang mga kamay niya. Sabi niya sa sarili.
Nasanay kasi si Franko na ang babae mismo ang lumalapit sa kanya, nasanay siyang ganoon sa America. At alam niya na iba ang kultura dito sa Pilipinas. Kung kinakailangan niyang manligaw kahit na baduy para sa kanya ay gagawin niya, mapalapit lang sa dalaga.

 Kung kinakailangan niyang manligaw kahit na baduy para sa kanya ay gagawin niya, mapalapit lang sa dalaga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*Hi guys, meet Franko Martin Cross, ang first ever Hottie ko..
Si Jensen Ackles ang napili kong cast para sa role ni Franko.
Hope na maenjoy nyo ang story nila.. babotch.. 😙😙

My Second RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon