Hindi alam ni Abie kung bakit umaagos ang luha sa kanyang mga mata. Wala naman siyang nararamdamang sakit sa dibdib niya, hindi din siya nagsisisi nang sandaling iyon. Pero lumuluha siya. Ito na siguro ang sinasabi nilang tears of joy. Napangiti siya. Kitang-kita niya ang pag-aalala sa mata ng binata na nakatitig sa kanya. Nasa ibabaw niya ito, nakabaon parin sa kanya ang pagkalalaki nito. Nakakunot ang noo nito nakatitig sa kanya ngunit ang gwapo-gwapo parin nito sa paningin niya.
Tumawa siya at pinahid ang magkabilang pisngi.
"Ano ka ba? Matutunaw na ako dahil sa titig mo ha" natatawang sabi niya habang pinapahid ang mga luha."You're crying? B-Bakit ka umiiyak? Na-nagsisisi ka ba sa n-nangyari sa atin?" May kaba sa boses na tanong nito. Hinahaplos ang basang pisngi niya at hinahawi nito ang iilang hibla ng buhok na naroon.
Umiling siya.
"No Franko, actually hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Tears of joy? Hehehe basta, masaya ako Franko. Masaya ako kasi akala ko hindi ko na mararanasan ito. Ngayon naramdaman kong babae talaga ako. Iba sa naramdaman ko noong 17 ako at napanaginipan ko yung Engkanto." Sabi niya dito na nakangiti. Hinaplos niya ang pisngi ng binata.Napangiti ito, "Sa tingin ko hindi ka nakuha ng Engkantong iyon, kasi alam ko na ako yung nauna.". Sabi nito saka muli siyang hinalikan, then she kissed him back at muli nilang inangkin ang isa't isa. They made love countless times that night.
Kinabukasan, linggo ng umaga kaya walang trabaho si Abie. Tuwing linggo ay maaga siyang gumigising dahil magba-byahe siya pauwi sa bahay ng Mama niya. Tuwing linggo siyang umuuwi para makita ang Ina at mga kapatid niya. Ngunit iba ang umagang iyon sa nakasanayan niya. Alas otso na ng umaga ngunit mahimbing parin ang tulog niya. Tumagilid siya upang yakapin ang malambot niyang unan pero matigas at mainit na bulto ang nayakap niya. Wala sa isip na nagmulat siya ng mga mata. Halus lumuwa ang mga mata niya ng makita ang matipunong dibdib ng lalaki. Bumangon siya.
Then realization hits.Oo nga pala, isinurender ko na pala ang bandila kagabi. Sa isip niya at hinilot ang noo.
Bahagya namang gumalaw ang binata at umungol pa.
Ang hot talagang umungol ng lalaking to! Nanggigigil na sabi ng utak niya.
Tinitigan niya ang mukha nito, tinatatak sa isipan ang hugis ng mukha nito, ang kurti ng kilay, ang nakapikit na mga mata, ang matangos nitong ilong, ang malambot at mamula-mula nitong labi, ang Adams apple, ang matipuno nitong dibdib, ang light brown nitong nipples, ang namumutok na braso nito, ang nakakaakit na six pack abs nito hanggang sa bumaba na ang tingin niya sa namumukol na bagay na iyon sa ilalim ng kumot. Napakagat labi siya. Ang harot na yata ng iniisip niya.
Kinikilig na napangiti siya.
Bumalik siya sa pagkakahiga at ginawang unan ang dibdib ng binata.NAPAUNGOL si Franko at dahan-dahang nagmulat ng mga mata ng maramdaman ang paghiga ng dalaga sa tabi niya. Naamoy niya ang mabangong buhok ng dalaga na nakaunan sa dibdib niya.
"Good morning baby😊" mahinang sabi niya.
Bahagya naman itong tumingala at ngumiti sa kanya.
"Kanina ka pa ba gising?" Tanong ni Franko sa dalaga."Medyo, hindi muna ako bumangon, gusto ko pa mahiga" sagot nito.
Niyakap niya ang dalaga. Iba ang ligaya na nadarama ni Franko sa piling nito. Iba sa mga babaeng nakasama niya noon, dati kasi ay pagkatapus niyang maangkin ang babae ay iiwan niya ito at uuwi sa bahay niya. Nakuha na niya ang gusto niya at wala ng dahilan para magtagal pa siya sa piling ng babae. Pero ngayon, sa piling ni Abie, iba ang nadarama niya. Parang ayaw niyang matapus ang sandaling iyon, ayaw niyang malayo sa dalaga. Tinamaan na yata siya.
Napangiti siya."Anong gusto mong gawin ngayon baby?" Tanong niya habang sinusuklay ng mga daliri niya ang mahabang buhok ng dalaga.
"Ewan ko" sagot nito, nakasiksik ang mukha sa dibdib niya. Bigla itong tumingala at kunot-noong tumingin sa mukha niya.
"Teka, linggo ba ngayon?" tanong nito.
BINABASA MO ANG
My Second Romance
General FictionTotoo ba na may Engkanto? Ito ang tanong sa isip ni Abie ng mawala ang virginity niya sa edad na 17, oo nga at parang nakakatawa pero hindi niya lubos maisip kung anong mukha pa ang ihaharap niya kung darating na ang taong pagbibigyan niya ng kanyan...