CHAPTER 2 ENGKANTO

10.6K 107 4
                                    

Kasalukuyang nag-aalmusal silang magpamilya sa kusina.
Nasa Grade 6 ang kapatid niyang si James, dose anyos ito, si Jhay naman ay limang taong gulang pa lamang, nasa Kinder 2 ito at ang kapatid niyang babae na si Altheah, ay 1 year old pa.

"Anong oras ba ang klase mo ngayon Abie?" Tanong ng Papa niya.
"8:30am pa ho Papa." Sagot niya.
At patuloy sila sa pag-aalmusal.
Humugot si Abie ng malalim na buntong hininga saka nagsalita.
Sasabihin na niya sa mga magulang ang nangyayari sa kanya.

"Ma, Pa, may sasabihin ho ako". May halong kaba sa dibdib na wika niya.
At sinabi niya sa mga magulang ang nangyari, lahat ng nangyari sa kanya mula kagabi hanggang sa magising siya.

"Ano kamo? Nahalay ka ng Engkanto?" Kunot-noong tanong ng Papa niya.

"Engkanto ho ba yun? Eh parang panaginip ko lang ho yun eh." Nagtatakang sabi niya sa Ama sabay kamot sa ulo.

"Anak, basi sa kwento mo, hindi malabong Engkanto nga yung nanghalay sayo. Isa pa, kung panaginip yun eh bakit hindi ka makalakad ng maayos, may dugo sa panty mo at mahapdi yang ano mo." Sabi ng Mama niya.
Biglang nakadama si Abie ng hiya, pero totoo naman ang sabi ng Mama niya.

"Teka Abie, hindi kaba nagdadasal bago matulog na bata ka?" Tanong ng Papa niya.

"Nagdadasal naman po ako Papa". Pero ang totoo ay nakakaligtaan na niya.

"Ano anak, maayos lang ba ang pakiramdam mo?" May pag-aalalang tanong ng Mama niya.

"Opo Ma, ayos lang naman po ako". Tugon niya para maibsan ang pag-aalala ng Mama niya, pero ang totoo masakit talaga ang pempem niya.
Ano ba naman kasing Engkanto yun at bakit ako pa ang napiling halayin, kabata-bata ko pa pinagnanasaan na ako. Sa dinami-dami ng babae dito, ako pa ang hinalay kay bata-bata ko pa. Napaismid siya sa inis dahil sa Engkantong manyak.
Napabuga nalang ng malalim na buntong hininga si Abie sa iniisip.

Paano na ngayon kung totoong kinuha ng Engkanto ang virginity niya? Paano niya sasabihin iyon sa magiging future hubby niya.
Napaismid ang dalaga sa isiping wala man lang yung thrill na nababasa niya sa mga romance story ni Andrea Almonte, Martha Cecilia at Kung sino-sino pang romance book writer na may kuryenting kikiliti sayo, masasaktan ka ngunit mapapalitan iyon ng kiliti sa kalaunan.

Ano ba naman yang laman ng utak mo Abie?! Ipinilig nalang ng dalaga ang ulo sa dami ng iniisip niya.
Pagkatapos nilang mag-almusal ay nagpasya si Abie na maligo nalang dahil may pasok pa sya, ang Papa naman niya ay umalis na dahil ihahatid pa nito ang kapatid niyang si James sa eskwela bago pumasok sa trabaho.
Nang nasa loob na sya ng banyo ay tinitigan ni Abie ang hubad na katawan niya sa harap ng salamin.

What now Abie?? Tanong niya sa sarili habang nakatitig sa salamin.
Ano na nga ba ang mangyayari sa kanya. Magpapagamot ba sya? Magpapatawas at kukunsulta sa isang albularyo. Hindi na niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya.
Oh Lord! ang bata-bata ko pa para mag-suffer sa ganitong problema. Napapikit siya ng mga mata at nakatingalang sinalubong ang tubig mula sa shower.

Itinuon nalang ni Abie ang sarili sa pag-aaral, bata pa naman sya at tuloy parin ang buhay. Kung ano man ang plano ng Diyos sa kanya, bahala na. Yun ang huling desisyon niya sa sarili. Marami naman siyang mga kaibigan at masaya ang pamilya niya kaya walang dahilan para mawalan siya ng pag-asa.

Paglipas ng panahon hindi parin mawala sa isip ni Abie ang nangyari sa kanya noong 17years old siya. Dala ng takot na naranasan niya sa kamay ng itim na lalaki, kahit kelan ay hindi siya pumasok sa isang relasyon.
Oo hindi na sya nagkaroon ng boyfriend mula noong araw na iyon. May mga crush naman sya pero hangang doon nalang dahil naroon parin ang takot, takot na baka may mangyari sa kanya at maging resulta ng pagka trauma niya, ang dahilan, ang Engkanto.
Nawewerdohan man sya sa sarili niya, pero yan sya. Yan ang totoong si Abigail Villafuente.

My Second RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon