Ilang na ilang na si Abie, hindi na niya matoon ang atensyon sa kinu-kwento ni Angeline, paanong hindi, eh kitang-kita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang nakatitig parin na lalaki. Naiinis na talaga sya at parang gusto na niyang lapitan ang lalaki at tanungin kung ano ang problema nito. But unfortunately, hindi niya iyon magawa. Magmumukha siyang shunga at assuming kung gagawin niya iyon.
Napabuntong-hininga siya.Okay relax Abie, relax. Why your so affected. Titig lang yan, hindi ka ninanakawan. Sabi niya sa sarili at pilit na kumalma.
1. 2. 3. Kalma!!
Humugot ulit siya ng buntong-hininga at pilit na ngumiti. Saka sya humarap kay Angeline."Hi"
"Huh?!" Biglang napalingun si Abie sa taong nakatayo sa harapan nilang magkakaibigan.
Dahil mataas ang lalaki ay bahagya silang napatingala.
Napanganga siya ng makilala ang lalaking bumati sa kanila, ito yung nakatitig sa kanya kanina."Hala lumapit na si Mamang pogi". Parang kinikilig na bulong sa kanya ni Princess.
Siniko niya ng mahina ang kaibigan."Pwede ko bang malaman ang mga pangalan ng mga dyosa sa harapan ko". Wika nito sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.
"Ay si kuya oh, bolero. Hihi" Nagbu-blush na wika ni Angeline.
"Ahm, besh mauna na ako ha, kasi manonood pa ako ng Pasion de Amor". Wika ni Abie sabay tayo. Hindi talaga sya komportable sa presensya ng estranghero na nakikipagkilala sa kanila.
"Aalis ka na agad? Hindi pa nga tayo nagkakakilala". Sabi ng lalaki na may halong pagdaramdam pa ang tono ng boses nito.
"Oo nga naman Abie, minsan lang nga tayo nagbobonding iiwan mo na agad kame, tsaka may Iwant TV ka naman dyan sa cellphone mo eh, dyan ka nalang manood." Sabi ni Princess.
Hinila pa siya nito balik paupo.Wala ng nagawa si Abie kundi pagbigyan ang kaibigan.
"Isa pa, sayang din yang Mamang pogi oh, tingin ko type ka niya."
Pabulong na pahabol ni Princess sabay tawa na parang kinikilig."What??" Pasigaw na wika niya at pinadilatan ang kaibigan.
Napalingun sa gawi nila sina Krystel, Angeline at ang Estranghero, may pagtataka ang ekspresyon ng mga mukha nito.
Nginitian nalang ni Princess ang mga ito. At sya naman.
Pahamak!! Sa isip niya sabay pilit na ngumiti din.Tumikhim ang Estranghero saka naglahad ng palad sa harap niya.
"I'm Franko Martin Cross". Pagpapakilala nito. Hindi niya alam kung bakit sa kanya lang nakatitig at bakit sa kanya lang nakalahad ang kamay ng Estrangherong ito.
Nagkatitigan sila, 10 seconds, 20 seconds, 30 seconds hanggang isang minuto.
Mahinang siniko siya ni Krystel dahil napansin nito ang pagkatulala niya.
Napakurap siya at tumingin sa nakalahad na kamay ng binata.
Napalunok siya, natameme na yata siya. Nate-tense siya. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya, nakikipagkilala lang naman sa kanya ang lalaki, walang dapat ika-pressure pero bakit iba, bakit ang lakas ng kabog ng dibdib niya, iba ang dating sa kanya ng binata.Hey Abie, what's wrong with you? Sigaw ng isip niya.
She release a long deep sigh.
Saka niya tinanggap ang kamay ng binata.Ohh!! Napapikit siya sa init na dala ng palad nito, parang hinahawaan ng init niyon ang palad niya paakyat sa kanyang dibdib hanggang kumalat sa buong katawan niya.
"I-I'm Aa-Abigail V-Villafuente, n-nice to me-meet you". Utal-utal na wika niya at nanginginig ang mga kamay. Totoo ba ito, nag-s-stammer siya? Kahit kelan hindi siya nag-s-stammer kapag nagpapakilala sa ibang tao. Pero bakit ngayon parang nagkabuhol-buhol ang dila niya.
Buo naman ang self confidence niya kapag haharap siya sa ibang tao, kahit pa sa mga business tycoon ay hindi sya nahihiyang humarap. Pero sa lalaking ito, parang iniwan sya ng lahat ng confidence niya.
You're being paranoid Abie, sigaw ng utak niya.
Binawi niya ang kamay at pilit na ngumiti.
Tumikhim si Princess.
BINABASA MO ANG
My Second Romance
General FictionTotoo ba na may Engkanto? Ito ang tanong sa isip ni Abie ng mawala ang virginity niya sa edad na 17, oo nga at parang nakakatawa pero hindi niya lubos maisip kung anong mukha pa ang ihaharap niya kung darating na ang taong pagbibigyan niya ng kanyan...