"Salamat ha?" Sabi ni Abie sa binata at hinawakan ang kamay ng lalaki. Nagbabyahe na sila pauwi sa Maynila, alas sais na sila nakaalis dahil nagpumilit pa ang Ina ng dalaga na doon na sila maghapunan, nagluto kasi ito ng bulalo. Naging masaya ang araw na iyon para kay Franko. Pakiramdam niya ay mag-asawa na sila ni Abie.
Ngumiti siya at lumingon sa dalaga.
"Ako nga ang dapat magpasalamat sayo." Sabi niya at ibinalik na sa daan ang atensyon."Bakit?"
"Kasi tinanggap mo ako at ipinakilala sa pamilya mo. I know, I'm still a total stranger to you but you chose to trust me."
"Pinagkatiwalaan kita dahil nararamdaman kong mapagkakatiwalaan ka, at masaya ako kasi gusto mo din silang makilala." Sabi nito na may ngiti sa mga labi.
Bigla namang inihinto ni Franko ang sasakyan sa tabi.
Nagtaka naman ang dalaga.
"Bakit tayo tumigil?" Kunot-noong tanong nito.
Humarap siya sa dalaga at hinawakan ang pisngi nito.
"May gusto lang akong ibigay sayo baby." Mahinang saad niya, nakatitig sa mga labi ng dalaga. Fvck, he wanted to kiss her at kanina pa siya nagpipigil, hindi niya magawang halikan ang dalaga dahil nasa harap niya ang pamilya nito. Baka magulat ang mga ito dahil ang akala ay nanliligaw palang siya.Napalunok si Abie ng maramdaman ang mainit at mabangong hininga nito na humahalik sa mukha niya.
"A-ano?" muntikan pang tumunog ungol ang tanong niya. Geez, baka ba ganito ang epekto ng lalaki sa kanya. Hininga palang nito nakakabuntis na. Parang ang sarap mag ahh ahh.
Sige! Landian mo pa Abie! Gatong ng maharot niyang isip.Dahan-dahang lumapit ang mukha ni Franko sa mukha ng dalaga at naglapat ang kanilang mga labi. Ipinikit ni Abie ang mga mata at dinama ang halik na iyon. Kay sarap at kay tamis ng halik na iyon. Hindi si Franko ang first kiss niya dahil noong 3rd year high school siya ay ninakawan siya ng halik ng kaklase niyang si Albert. Biglang bumalik sa alaala niya ang mismong eksenang nangyari nong panahong yun.
*Flashback*
Kasalukuyan nilang sinasagotan ang Activity booklet ng lumapit si Albert sa kanya at may itinanong. Nag-angat siya ng mukha para sagotin ang kaklase pero na bigla siya ng halikan siya nito. Smack lang iyon pero pakiramdam ni Abie ay narating niya ang outer space. Ilang sigundo syang natigilan at nakatitig sa kawalan, nang marinig niya ang mahinang tawanan at chismisan ng nagkokopyahan niyang mga ka klase mula sa likod ay bigla syang napakurap at bumalik sa realidad. Saka siya napasinghap at mapa hawak sa kanyang labi.
How could he kiss me without permission? How dare that bastard?Bigla siyang tumayo at hinanap ng mga mata si Albert. Nakita niya itong nakatayo sa bandang likod ng silid aralan nila, malapit sa CR at na kaharap sa salamin habang sinusuklay ng mga daliri nito ang buhok.
Ang presko talaga ng Gago!Galit na naglakad siya pa lapit dito.
Sa sobrang galit niya ay sinuntok niya ang likud nito.
Paagik ito at halatang nasaktan, baghagya itong napaliyad habang pilit na inaabot ng kamay ang bandang likod na tinamaan ng kamao niya. Gulat itong humarap sa kanya, sinalubong ng palad niya ang pisngi ng binata. Sa sobrang lakas ng sampal niya, gumawa iyon ng ingay dahilan para mapalingun ang mga kaklase nila at ang Prof nila sa kinatatayuan nila."What's going on Ms. Villafuente?" Tanong ng matandang lalaki na guro nila. Napasinghap siya sa pagragasa ng kaba sa dibdib niya ng marinig ang bruskong boses ng kanyang guro.
Nanginginig sa kaba ang buong katawan niya, maging ang kanyang dila. Paano niya sa sabihin ang ginawa ng lalaki sa kanya? Napalunok siya bago ibinuka ang bibig.
"Si-si A-albert po Sir-- hi-hinalikan nya po ako 😣😢" mangiyak-ngiyak na sumbong niya. Napapikit siya at Yumuko dahil sa sobrang pagkapahiya.
BINABASA MO ANG
My Second Romance
Fiction généraleTotoo ba na may Engkanto? Ito ang tanong sa isip ni Abie ng mawala ang virginity niya sa edad na 17, oo nga at parang nakakatawa pero hindi niya lubos maisip kung anong mukha pa ang ihaharap niya kung darating na ang taong pagbibigyan niya ng kanyan...