HINDI malaman ni Abie ang isasagot sa kaharap. Nakanga-nga parin sya at hindi makapagsalita. Hindi naman kasi madali ang inaalok nito sa kanya. Gusto ng lalaki na may mangyari sa kanila. Gusto nitong malaman kung buo pa ba siya o warak na. Gusto din naman niyang malaman ang totoo, kung nakuha ba talaga siya ng Engkanto o hindi. Pero ang pumayag na may mangyari sa kanilang dalawa ni Franko? Hindi pa yata sya handa. Kaninang alas 5 ng hapon lang niya ito nakilala, may nalaman siya tungkol sa buhay nito at napalapit din ang loob niya dito pero hindi sapat iyon para pumayag siya sa alok nito. He is still a total stranger for her. Pero bakit may bahagi sa kanya na gustong sumang-ayon sa nais nito. May bahagi sa puso niya na nagsasabing subukan ang paanyaya ng binata. Para mawala na ang alinlangan niya, para mawala na ang pagkalito niya, para malaman ang totoo at maging tama lahat ng iniisip niya sa sarili. Hindi sya pwedeng habambuhay na maniwala sa hula-hula tungkol sa Engkanto. Narito ang lalaki para tulungan siyang malaman ang totoo tungkol sa sarili niya. Nakabuo siya ng pasya. Kailangan na niyang harapin ang katotohanan, kung ano man ang hahantungan ng desisyon niya, bahala na, at least maliwanagan siya. 2015 na ngayon at 24 na siya, pwede na siyang magpasya para sa sarili niya. Humugot siya ng buntong hininga saka nagsalita.
"Sige pumapayag ako, pero sa isang kondisyon" sabi niya.
"Anything you want baby" sagot ng binata, nakatitig sa kanya, nakaguhit ang pilyong ngiti sa labi nito.
"Give me your ID at kelangan hindi ka kriminal tsaka dapat wala ka pang asawa't anak. Kung kriminal ka o may asawa't anak, hindi ko ibabalik ang ID mo at bukas na bukas ay kakasuhan kita." Seryosong wika niya.
Natawa ang binata.
"What the-- hey, are you serious? Mukha ba akong kriminal? Tsaka wala pa akong asawa. Sa America marami akong flings pero hindi ako pumapalya baby. Trust me 😉". Sabi nito, nakangiti parin at kumindat pa. Pinaikotan niya ito ng mata. May pagkapresko din talaga ang mokong."Okay, okay. Basta, akin na muna yung ID mo. Mabuti ng sigurado no? Hmp!" Wika ng dalaga sabay irap dito.
Tatawa-tawang kinuha ni Franko ang Driver's License sa wallet at inabot kay Abie. Tinanggap naman iyon ng dalaga, binasa ang nakasulat doon saka itinago sa drawer nito. Ilang minuto pa ay nakasarado na ang main door ng unit ni Abie, patay na ang ilaw sa sala at kusina. Nakapatay na din ang ilaw sa kwarto, ang tangin ilaw na nagbibigay liwanag sa silid na iyon ay ang ilaw mula sa lamp shade na nasa side table ng kama ni Abie, naroon sila sa kwarto niya, magkatabing nakaupo sa gilid ng kama niya. Pariho nilang pinakikiramdaman ang isat-isa.
Hindi alam ni Abie kung ano ang dapat gawin, nahihiya naman syang magtake-advantage sa binata, at maunang chumakchak dito, baka isipin nitong wild siya. Naisip niya baka naiilang din ang lalaki gaya ng nararamdaman niya. Maya-maya ay tumayo siya.
"Sh-shower na m-muna ako" nauutal na sabi niya at hindi na naghintay ng sa got mula rito, deritsong pumasok sa loob ng banyo.
Kelangan nga siguro niyang magshower dahil parang nilalagnat siya sa sobrang init ng nadarama niya. Naka-on naman ang aircon ng kwarto niya pero pinagpapawisan siya noong sandaling iyon.Hai ano ba naman to, ganito ba talaga ang feeling kapag may papalapit na chukchukan. Sa isip niya.
Kailangan mong harapin yan, pumayag ka eh. Sagot naman ng matinong utak niya. Napahilamos siya ng mukha.
Naghubad na siya at nagshower, kinakalma niya ang sarili. Hindi dapat siya kabahan, dapat ay relax lang siya. Iisipin nalang niya na boyfriend niya ang binata. Na mahal na mahal niya ito at gusto niya itong makasama.
Hindi naman siguro masama ang mag assume pa minsan. Ngayon lang naman niya hinayaan ang sarili. She was giving herself a favor. Hindi na din siya lugi kay Franko.Omeged ang hot niya kashe! Malanding sigaw ng utak niya. Napangiti si Abie sa iniisip, napalitan ng excitement ang kaba sa dibdib niya. At ang imagination na boyfriend niya si Franko, ay parang gusto niyang maging totoo. Sino ba naman ang aayaw sa poging iyon noh? Juice colored! Choo-choosy pa ba sya eh minsan lang ito dumating sa buhay niya.
Nang masatisfy sa shower ay pinatuyo niya ang sarili gamit ang tuwalya, tapus nagsoot siya ng puting roba at hinawakan ang door knob ng pinto ng banyo niya. Bumuntong hininga siya.
This is it! Sabi niya sa sarili at binuksan ang pinto.
BINABASA MO ANG
My Second Romance
Ficción GeneralTotoo ba na may Engkanto? Ito ang tanong sa isip ni Abie ng mawala ang virginity niya sa edad na 17, oo nga at parang nakakatawa pero hindi niya lubos maisip kung anong mukha pa ang ihaharap niya kung darating na ang taong pagbibigyan niya ng kanyan...