CHAPTER 11 ANG LALAKI SA SHOWER

9.9K 131 20
                                    

*Ang lalaki sa shower.

Maagang nagising si Franko. Nakasanayan na niya ang gumusing ng alas kwatro e medya dahil nagjojoging siya sa umaga. Pero wala siya ngayon sa bahay niya kaya hindi siya magjojoging. Nilingon niya ang dalagang natutulog sa tabi niya. Mahimbing parin ang tulog nito. Hinaplos niya ang mamula-mulang pisngi ng dalaga at hinalikan iyon. Bumangon siya at bumaba sa kama. Nagtungo siya sa banyo para magshower. Gusto niya maging presko siya paggising ni Abie. Gusto din niyang ipaghanda ng almusal ang dalaga. Napangiti siya.

Matapus magshower ay nagtungo na siya sa kusina para magluto. Binuksan niya ang ref at naghanap ng lulutoin.

"Kunti nalang pala ang stock niya. Maggo-grocery nalang ako mamaya." Sabi niya ng makita ang laman ng ref ng dalaga.
Kumuha siya ng anim na pirasong itlog at hotdog at pinrito ang mga iyon, nagtoast siya ng tinapay at nagtimpla siya ng kape. Nang mahanda ang almusal ay pumasok ulit siya sa kwarto upang gisingin ang kanyang prinsesa. Pasipol-sipol si Franko na tinungo ang kwarto. Pagbukas niya sa pinto ay nakita niyang wala na ang dalaga sa kama, nakabukas naman ang shower sa banyo, gising na ang dalaga at kasalukuyang naliligo. Lumapit siya sa banyo at kumatok.

"Baby? Naliligo ka na?"

"Opo, saglit lang, malapit na akong matapus."

"Sige, pagkatapus mo dyan diretso ka na sa kusina, nakahanda na ang almusal."

"Okay, hintayin mo nalang ako doon."

"Okay baby." Sabi niya at bumalik na sa kusina. Nauna na siyang humigop ng kape. Hindi maalis-alis ang ngiti ni Franko.
Ganito pala ang pakiramdam na may asawa ka, na kasama mo ang mahal mo sa iisang bobong. Sabi niya sa isip habang humihigop ng kape. Sana naman ay hindi umabot ng isang taon bago nya ako sagotin. Kung nagkaganoon ay baka kidnappin ko sya at itatanan para wala na syang kawala. Dagdag pa niya.
Sumilay ang pilyong ngiti at ningning sa mga mata niya.
Ano kaya kung buntisin ko nalang sya, total nakailang punla na ako sa kaya, isagad ko nalang ng makabuo. Sabi ng pilyong isip niya at natatawa.
Lumapit naman si Abie sa kanya, nakasoot ito ng roba at may tuwalya ang buhok.

"Oh? Ang saya yata natin ngayon ah? Anong meron?" Nagtatakang tanong nito at umupo sa harap ng kinauupoan niya.
"Teka? May gayuma ba itong inihanda mo?" Sabi nito at halos lumuwa ang mga mata.

Halos maibuga niya ang iniinum na kape dahil sa sinabi ng dalaga. Natatawang tinignan niya ito.
"Grabe ka naman baby, ganyan na ba talaga ako kadesperado sa paningin mo?" Tanong niya na may pagdaramdam pa sa boses.

"Aba?! malay ko sayo." Sagot nito at umirap pa sa kanya.

Magkasabay silang nag-almusal. Ilang saglit pa ay pariho na silang nakabihis ng formal, gusto pa sana ni Franko na umiskor pero pinagalitan sya ng dalaga dahil baka malate ito. Hindi na din sya nagpumilit pa, baka hindi na sya nito pansinin kung ipipilit pa niya ang nais.

Bumabyahe na sila patungo sa pinagtatrabahuan nito. Ihahatid niya sa building ng Cross Computer Works, Inc. ang dalaga, malapit lang iyon sa inuuwian nitong condo. After 10 minutes na byahe ay nasa tapat na sila ng gusali. Bumaba sya upang pagbuksan ito ng pinto. Nang makababa ito ay hinapit pa niya ang baywang nito at hinalikan ito sa labi. Hindi naman matagal, mga 30 sec. lang💏. Nang matapus ang halik ay niyakap niya ito at inilapit ang bibig sa bandang tenga ng dalaga.
"Mamimiss kita baby, hindi tayo magkasama buong araw pero susundoin kita mamayang 5pm okay? Wala ka ng magagawa. Baka hindi kita masamahan mamayang lunch kasi may importante akong pupuntahan. Basta take care ka dito okay?" Sabi niya dito at inilayo ang katawan sa pagkakayakap sa dalaga at tinitigan ang mukha nito. "I love you" dadag niya sa masuyong boses at hinalikan ang noo nito. Tapus ay pumasok na sya sa loob ng kotse at pinasibad iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Second RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon