Alexa's POV
"A-ah..." Hindi ako maka-sagot eh. Nasa harapan na namin sila ngayon. Oo, sila. Si Annicka pati si Mawie. Omyghad.
"Ano 'to?!" Tanong ni Annicka habang naka-taas ang kilay. Kaya medyo natakot ako ng konti.
Tumingin naman ako kay Axel at tumingin din siya sakin. Kaya umiwas agad ako, nakakahiya! Nahuli kami ng pinsan niya. >,<
"Exclusively Dating na ba?!" Tanong niya ulit. Pero this time, parang kinikilig na siya! Omg.
"A-ah..." Jusq. Kanina pa ako hindi makapag-salita dito! Feeling ko anytime sisigaw ako habang kinikilig. >\\\< Namumula na naman ako. Gosh!
"And then you're blushing!" Sigaw ni Annicka at tinuro pa ako. Omyghaddddd!!!
"No! We're not dating!" Biglang sabi ni Axel kaya napa-tingin si Annicka sakanya. At binigyan ng hindi makapaniwalang tingin..
"Ay oo nga pala" Sabi ni Mawie. "May girlfriend ka na nga pala" Sabi pa niya. Kaya napatahimik ako.
Okay, I'm not jealous... Its just that— Ugh! Fine. Tsss. Umaasa kasi ako. Tsk, Assuming na naman ako. Wake up, Alex!
Inirapan lang siya ni Axel at saktong dumating yung order namin. Wow, di na sana siya dumating!
Kanina ko pa siya hinihintay, wala siya. Pero nung dumating siya, hindi ko na kailangan. Tsk, Okay lang sanay na 'kong pinaghihintay. Char! ^_^
"Woah, di kayo nagi-invite ha?" Sabi ni Annicka Sama ngumuso.
"Malay ko ba" Masungit na sabi ni Axel at umirap ulit tapos kumain na.
"Ang taray talaga neto! Parang may mens!" Singit ni Mawie kaya natawa ako. Napa-tingin naman siya sakin at ngumisi. "Oo ganyan yan, Alex!" Sabi niya at inirapan si Axel.
"Anong ganyan?" Sabi ko ng natatawa.
"Uy wait lang, mago-order muna ako. Madamot kasi yung Isa jan eh" Singit ni Annicka at umakting masusuntok si Axel bago umalis. Natawa na naman ako. Ang cute nila hahahaha.
"Buti naman naisipan niyang mag-order mag-isa niya" Sabi ni Axel at tumawa ng konti.
"Kita mo na, Alex? Ganyan yan!" Sabi niya sakin at inirapan si Axel. "Ang damot damot akala mo hindi niya kami pinsan"
"Ay ganon? Sorry hindi ko alam na mag-pinsan pala tayo, hindi ako na-inform eh" Sabi ni Axel kay Mawie. Tumungin naman ng masama si Mawie sakanya. Ako naman tuloy lang sa pag-kain, habang pinapanood sila.
YOU ARE READING
Stay
FanficTotoo nga yung sinasabi nila, Kung sino pa yung taong nakakapag-pasaya sayo ngayon, ay siya 'ring dahilan kung bakit ka masasaktan pagdating ng panahon. </3