Chapter 2: Mga panira..

184 12 0
                                    

Naimbyerna ako sa dalawang fans ni kuya.

" Isusumbong ko kayo" bulong ko.

Naglalakad ako papuntang classroom ng biglang may umakbay sakin.

"Hi baby sis" si Phil lang pala.

Inirapan ko sya.

"Hala, galit. sorry na. hindi ko sinasadya."

"wag mo nang uulitin, nakakasira ng araw."

"opoh.. sabay tayong maglunch mamya ha"

"libre mo?"

"hindi.. libre mo"

"nu ka... ikaw nag aya e"

Tumawa sya.. Napatulala tuloy ako. Ampogi talaga nitong kumag nato. Kung titignang mabuti magkamukha sila ni kuya, pero ako lang ata nakakapansin non. But one thing for sure parehas silang habulin ng babae.

"Hi Phil" salubong ng isang grupo ng mga kababaihan samen. Nakaakbay pa din si Phil sakin, kaya ako na mismo ang nagtanggal ng balikat nya. Nakita kong nakataas naman lahat ng kilay ng babaeng kaharap namen sa ginawa ko.

"May kailangan kayo"

"Pwedi ka ba naming imbitahang sumabay maglunch samen mamaya?" anang pinaka leader. kung hindi ako nagkamali may sorority tong mga kaharap ko.

"Unfortunately, I cant." tumingin sakin si Phil " I have a date"

"Sino naman?"

Inakbayan naman ako ni Phil. "Sya"

Tinignan ako ng masama ng leader nila.

"kaibigan mo?"

Ngumiti ng nakakaloka si Phil. "Morethan that"

Hinila nya ko papuntang classroom..

Nung papasok na kami hinigit nya ako tsaka bumulong.

"Baby sis, ang ganda mo tlaga kahit halatang walang suklay" *wink*

Kasumpasumpa!

Fast forward tayo... pagkatapos ng nakakahiyang umaga na yon hindi ko sinipot si Phil,. hehe...

Once Upon a RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon