Chapter 13:OMY

89 8 0
                                    

Corrines pov

Nakalabas din agad ako ng hospital may naipit lang daw na ugat sa may bewang ko kaya sumasakit ang parte na yon. Niresetahan lang ako ng doctor. At dahil kumikirot pa din ang likod ko minabuti ng doctor na bigyan ako ng medical certificate para makapag pahinga ako ng 1 week. Galit si kuya Phil sa nangyari, at galit na galit sya kay Harry. Lalo tuloy akong nalungkot. Hindi manlang nya ako binisita sa hospital, what an ass. Hindi man lang nag alala.

Isang katok sa pinto ang naulingan ko.

"Pasok!" Ako.

Agad bumukas ang pinto at iniluwa non si Rio. May dala itong bulaklak. Simula nung umaga na nag umpisa itong manligaw ay araw araw na itong pumupunta sa bahay. Hindi ko naman maitaboy, nagpaalam na daw kasi sya kay kuya Phil at kay mama.

"Hi" nakangiti nyang bungad sabay abot ng tangang bulaklak. "How are you?"

Nagkibit balikat lang ako. "I'll be fine. Thanks sa flowers"

"So, 1 week kang wala sa school.. hmm.. can i visit you more often?"

"Bakit?"

"Para may gwapo kang makita araw araw."

Napangiti ako. I remember that line from three years ago.

"Ngumiti kA.. sa wakas napangiti din kita"anang si Rio na parang nanalo sa lotto.

"Para kang baliw. Ngiti lang eh. Bat ba ang aga aga mung dumalaw? Para kang tsikwa"

"Namiss kita agad eh.."

"Asus nambola." Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang cute din naman kasi nitong si Rio para syang japanese.

"Seriously, okay ka na ba?"

Tumango ako. "Hindi na masyadong masakit ang likod ko. May pain killers naman e."

Lumapit sya sakin. He held my hands. " ayokong nasasaktan ka. The first time i saw you i know youll be special."

Tinampal ko sya. "Ang corny mo.may ganyan ka ng nalalaman ha. Siguro kasabwat ka nila kuya. Hoy Al Rio kung tinakot ka lang nila kuya para ligawan ako tumigil kana. Hindi nakakatuwa."

I saw him pout. Hala ang cute ng mama. "Totoo mga sinabi ko. At hindi ako inutusan. Nagkusa ako kase gusto kita."

Pew! Is this for real. Rio is a hunk, a hearthrob.. magkakagusto ba talaga sya sakin. His very popular kahit sa dati pa nyang school. Hindi ko tuloy alam kung anu ang magiging reaction. But surely im overwhelm.

2 weeks later

"Kuya?!" 

"Ako nga baby sis."

Natuwa ako kaya hindi ko napigilang sugurin ng yakap si kuya Andrew. Antagal nya ding nawala a. Kasalukuyan akong nakaupo sa sala, mag isa lang ako ngayon. Maaga pang umalis si nanay. And since weekend naman tatambay daw sila kuya Andrew dito mamya.

"Kuya! Namiss kita. Anong nangyari sayo? Bat ang tagal mong nawala" kumalas ako ng yakap sa kanya at sinipat sya.

"Ano ka ba okay lang ako. May importante lang akong inasikaso. Pasensya kana hindi ako nakapagpaalam."

"Sa frat na naman ba yan? Buwagin mo na nga yan kuya, gulo lang ang dala nyan e."

Tumawa lang si kuya. Tsaka hinila ako paupo sa sofa. Tama naman ako diba? Mga lalaki talaga o.

"Baby sis, wala namang mangyayaring masama samin. Tsaka etong frat more of brother hood lang. Matagal ko nang naitayo to, so far we're doing good."

Once Upon a RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon