Chapter 14: The Pub

80 7 0
                                    

Sa Bar

Kasalukuyan kaming nasa Cookie Pub. As expected pagdating namin puno na iyon ng party goers. Kaliwat kanan ang nagsasayaw.. may lalampungan at puno ng usok ang lugar. First time kong makapasok sa ganitong lugar. Bar lang talaga ang napupuntahan ko.

Akay akay ako ni Rio habang umaakyat kami sa hagdan papunta sa "Lions Den" na tinatawag nila. Bar lang talaga dapat ang pupuntahan namin pero nag aya si kuya Phil dito sa Pub. Para maiba naman daw..

Kung sa groundfloor halos lahat nagsasayaw. Dito sa second floor halata mung grupo ang umuukopa ng halos lahat na table.

"Yon ang 'Den'' bulong sakin ni Rio. Isang glass room ang nakita ko may kalakihahan iyon.. may isang mini bar sa loob. May mga tao na sa loob non. Malapit na kami ng may mahagip ako sa may sulok.

Dalawang taong nakaupo sa sofa sa sulok ng bar. Obviously they were making out. Nasa lap ni boy si girl. What make me stop ay nung mapagsino ko si boy. Isa lang ang kilala kong long hair na ganon magtali ng buhok. Si Harry yon. Na shock ako. At dagling bumangon ang sakit sa dibdib ko.

"Bonita, okay ka lang? "Napatingin din si Rio sa tinitignan ko. "Siya ang dahilan kaya ka naospital diba?"

"Ah.. hayaan mo na yon."pag babaliwala ko. "Lika na sa kanila." Ako na mismo ang humatak sa kanya.

Hindo pa kami nakakapasok sa glass door ng Den sinalubong kaagad kami ng nakakunot noong si kuya Andrew. Dapat ba akong kabahan? Hai.. ewan. Magsusungit na naman to panigurado?

"Bat kayo magka holding hands?"

Agad kong binitawan ang kamay ni Rio. "Hindi holding hands yon, ang tawag dun hatak kuya."

"Bat kayo magkasama?"

"Kuya naman e, daig mo pa ang imbestigador kung magtanong. Sa magkasama kami masama ba yon?"

"Hoi babae wag mo kung pinipilosopo tinatanong kita na maayos."

Inirapan ko sya. Ngayon pa talaga nya piniling sermonan ako. "Maayos na----"

"Sorry Master hindi ko poh sya napagpaalam sayo." Anang si Rio na nakayoko.

"My God! Rio stop that, anu sya amo mo? His just my brother. Kuya kasama ko sila Phil. Hanggang dito ba naman paiiralin mo pa din yang pagiging tatay mo sakin? Just for once why dont you be a brother to me. Nasasakal na 'ko sa inyo." Lintanya ko bago q sila iniwan. Hindi pa ako nakakalayo ng lingonin ko sila. "Wag nyo akong pasundan. Hindi ako lalabas ng pub na to. I just need some air to breathe."

I storm out the room. Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag. Tinungo ko ang mini bar sa labas non at umorder ng ladies drink.

Andrew's pov

Natahimik ako sa tinuran ng kapatid ko, ngayon ko lang sya narinig na magreklamo sa pagigng istrikto ko sakanya. Am I crossing the line? Gusto ko lang namang protektahan sya. Masyadong malupit ang mundo ayokong maranasan nya yon. Alam ko rin ang pakiramdam ng mabigo sa pag ibig hindi nya dapat maranasan yon, she's too young for that. Baka hindi nya kayanin o baka ako lang nag iisip non.

Minsan na akong kinausap ni Phil tungkol kay Bonita, hindi ko makakalimutan yong huling linya na binitawan nya. "Let her grow,. Pain is part of life. Hindi sya magiging matatag kung hindi nya mararanasan yon. Mahal natin sya. Pero hindi sa lahat ng oras nasa tabi nya tayo. Minsan kailangan nya ding mag isa at ipagtanggol ang sarili nya. Wag na nating antayin na dumating ang araw nakakamuhian nya tayo."

Napabuga ako ng hangin I feel like im losing her. Ayokong matulad sya kay nanay niloko at ginago ng tatay namin. 

Bumalik ako ng mini bar at umorder ng isang matapang na inumin. Ilang weeks ko ding hinanap si Jane pero hindi ko sya nakita. Nagamit ko na din lahat ng koneksyon ko. But theirs no sign of her. Pero hindi ako nawawalan ng pag asa. Tatlong babae lang ang pinakaiingatan ko sa buong buhay ko. Si nanay, Si Bonita at Si Jane. Nasaktan na si nanay, nawala na si Jane.. Ayokong matulad sa kanila ang kapatid ko.

"pero ano ba dapat Andrew?darating ang araw magmamahal at magmamahal ang kapatid mo. hanggang kelan mo sya matatago aa mundo?" damn! i think im losing my mind talking to myself again.

"Bro!"

"Phil!? San ka galing? Sino ang kasama ni Bonita?"

Tumungga muna ito ng tequilla bago nagsalita. "Relax ka lang kuya nasa paligid lang sya. Give her space. Walang gagalaw sa kanya dito, takot lang nilang hindi makalabas ng buhay."

I sighed. " Alam kung first time nya dito, hindi pa sanay yon."

"I know kuya, kaya nga dinala ko sya dito para maranasan nya din. wAg kang mag alala. Trust her."

Napangiti ako. " Buti ka pa kuyang kuya ang dating sa kanya. I do trust her, yong mga tao lang sa paligid nya yung hindi ko pinagkakatiwalaan."

"ah.. kuya, yung kay Rio pala. Nagpaalam sya sakin. at---"

"Pumayag ka?"

Nakita ko ang pag ngiwi nya. Kinwento nya ang tungkol kay Harry A.K.A Speed at kay Bonita. Bumangon ang galit sa dibdib ko kasabay non ang kaba mula sa nakaraan.

"Ito na ata yung kinakatakotan ko" halos bulong na saad ko.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Phil. Siguro ito na ang panahon para may mapagsabihan naman ako ng mga dinadala ko. Ikinwento ko sa kanya yung tungkol sa pagkakaibigan namin ni Phil nung High School kami at ang lihim nitong pagkakagusto kay Bonita. Medyo nagulat din ito nung sinabi kong kinausap ko si Harry na layuan nya si Bonita pati na rin ang pagbabanta ko rito na naging dahilan para umalis sya sa DANDELION.

"Kontrabida na kung kontrabida pero ginawa ko lang ang sa tingin ko ay tama" dagdag ko pa.

Inabutan nya ko ng isang Tequilla. "Sa tingin mo ba bro, naiwas mo si Bonita na hindi masaktan sa pamamagitan ng paglayo ni Harry?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Three years bro, sinubukang kalimutan ni Bonita si Harry. Araw araw syang umiiyak, umaasa na magkikita pa ulit sila. Three years ago in short period of time minahal ng kapatid natin si Speed. Wala syang pinagsabihan non. Ako lang."

"Putah!" hindi ko maiwasang mapamura. "Akala ko galit sya kay Harry. She despise him. Pinaghiwalay ko sila para hindi na mahulog ang loob ni Bonita sa Harry na yon. I even sacrifice our friendship. Taz wala din palang kwenta, nasaktan ko pa din pala sya. Putragiz walang kwenta!"

Naramdaman ko ang mahinang pagtapik nya sa balikat. "You've done enough. Let fate take its course. Harry is back, wag nya lang magawang maghiganti through Bonita dahil hindi ko sya sasantohin. It's a tough fight for them. With all this conflict between our Gangs. Sana in the end everything will be fine." at iniwan na nya ako. Siguro tama sya. It's time to let go.

Once Upon a RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon