Chapter 6: Ang harana...

159 10 0
                                    

Sunday Morning

Pababa ako ng hagdan. 10:30 am, late akong nagising. Napagod ako sa detention kahapon. Bago pa nga kami naghiwalay ni kapre ay naumbag ko pa sya. Panu ba naman inakbayan na naman ako habang papalabas kami ng school. Feeling close ang panget. Hahai.. pero bat ganun dyahe mang isipin ngunit apektado ako pag nagkakalapit kami. Putik.. he stole my first kiss, dahil sa kanya nagkadetention ako, kelan ko lang sya nakilala at higit  sa lahat i dont even ask his real name. Bonita bat ka apektado sa kanya? Hellour! Wake up.

"Bonita.."

Napatingin ako sa nagsalita. Ang pogi kong kuya paakyat ng hagdan. Napailing sya. "Malala ka na."

"Huh? Wala naman akong sakit a."

"Sakit sa utak meron na. Anjan si Phil. Kanina ka pa hinihintay."

Napapitik ako. Cancel pala pag punta nya kahapon dito sa bahay. Napagod ako kaya tinxt ko sya gamit ang cp ni mama. "Bat di mo ko ginising kaagad?"

"Sisihin pa ako. Busy ka sa pagpapantasya mo kaya hindi na kita inistorbo. Anyway may pupuntahan ako." He kissed me on my forehead bago nya ako iniwan.

Agad kong tinungo ang kusina. Nakita kong nakaupo si Phil sa dining table habang kausap si nanay na nagluluto.

"Tita, sorry talaga ha." Phil.

"Anu ka ba wa----. Bonita andyan ka na pala."

Nilingon ako ni Phil. "Gandang morning sis." Bati nito.

Niyakap ko sya at hinalikan sa buhok. "Good morning, Kuya." Tsaka nilapitan si nanay na niyakap ko din. " good morning Nay." Sabay amoy ko sa kanya. "Hmm..amoy bawang.."

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni kuya Phil. Opoh, kuya ang tawag ko sa kanya pag kami lang. Kahit 2 months lang ang itinanda nya sakin, utos ni kuya Andrew eh.

"Naku Bonita akoy tigil tigilan mo at nagmamadali ako. Kailangan ko pang e deliver yong mga paninda ko. Asikasuhin mo muna tong si Phil."

Gumagawa si nanay ng tocino, longganisa etc. May kapartner sya si auntie Oling na kapitbahay lang din namin. May maliit silang pagawaan sa bakuran ng bahay namen. Sila na din ang nag dedeliver. Mga kompanya ang kliyente nila. Sa ganoong trabaho kami binubuhay ni nanay.

Naupo ako sa tabi ni kuya Phil. "Bat ka nagsosorry kay nanay?"

"AhH... kasi..." napakamot ito sa batok nito.

"Anu?"

"Dumaan papa mo dito pagkahatid kay Phil." Si mama.

"Anu? Ang kapal naman ng mukha nya"

"Nagpang abot sila ng kuya Andrew mo. Buti naawat kagad ni Phil."

Tinignan ko ng masama si kuya Phil.

Alangan itong tumingin sakin. " kaya nga nag sosorry ako eh. Nagpumilit na ihatid ako."

Inirapan ko sya. "Bat hindi nalang kasi manahimik yAng tatay mo. Ang kapal nya ta---"

"Magtigil ka Bonita. Tatay mo din yon. Wag mo ng awayin yang si Phil. Hala kumaen na kayo."

Inabot ni nanay ang apat na sunny side up sakin. At nagsimula na kaming kumaen.

Nagmovie marathon lang kami ni kuya Phil buong maghapon. Kulitan, tawanan at asaran. Ganon kami ka close. Wala naman akong masyadong assignment at project for next week kaya nagagawa kong magsayang ng oras. Pasado 6pm na ng dumating si kuya Andrew at nag nagpaalam na din si kuya Phil na umuwi. Hinatid ko sya sa sakayan ng tricycle sa labasan.

"Sis, thank you sa entertainment. Haha.."

" baliw. Anong entertainment? Gnawa mo pa akong GRO."

"Joke lang. Lika nga dito." He kissed my forehead. "Salamat sa araw na to. Pakisabi kay tita thanks sa tocino."

Binigyan ko sya ng mahinang suntok sa balikat. " see you at school." Kinawayan ko sya tsaka naglakad pabalik ng bahay.

Three blocks away from my house, napatalon ako ng may nagbusina sa likuran ko. Isang lalakeng nakamotor ang nakita ko. Nakahilmet sya kaya hindi kita ang mukha nya.

Tinapunan ko ito ng masamang tingin. Mag gagabi na, at sinong kumag nato anlaki ng kalsada bat sa nilalakaran ko pa talaga sya daraan.

Nagsimula na akong maglakad ng mapansin kong umandar din ang motor at sumabay sa paglalakad ko. Huminto ako sa paglalakad at pinaywangan kung sino man ang nakaasakay sa motor.

"Problema mo?" Mataray kong tanong.

I heard him chuckled. Opoh.. him kasi boses lalaki.

May kinuha ito sa bulsa ng pantalon kaya napaatraas ako. Malay ko ba baka kutsilyo yon at saksakin ako. Mali pala isang mini pad ang kinuha nya at may pinindot.. pumailanlang ang isang pamilyar na tugtug.

NP+WHEN IM WITH YOU BY  FABER DRIVE.

Walang vocals ang kanta. Nagulat ako nung magsimulang kumanta ang lalakeng nakahelmit. Kinabahan ako, butterfly on my stomach. Syempre kilalang kilala ko ang boses na yon.

"When im with you..
I'll make every second count coz i miss you.."

Taz unti unti nyang tinanggal ang helmit nya. My heart jump upon seeing his face. Nakatutuk sakin ang brown na brown nyang mga mata. Is this for real? Nanghaharana ba sya? O napag t-tripan nya na naman ako. Either way my heart skip a beat. He lean towards me. Yup, his still singing.. amazing di ba? At opoh... kitang kita ko ang kagwapohan nya. Confirm! Na gagwapohan nga ako sa kanya, tanggap ko na sa sarili ko. Haha..

"Nana.. nana.. nana..."

Napansin ko nalang hindi na gumagalaw mga labi nya. Ibig sabihin tapos na syan kumanta. I saw a silly smile forming on his lips.

"Kahit kelan talaga ang ewan mo." He murmured.

 Gumala ang mata ko between his eyes and his lips that is inches away from mine. "Bat ang lapit mo na naman?"

"I cant help it." And... opoh.. hinalikan nya ako. Gently and slowly.. his hands are still on his pocket ang kamay ko naman nakakapit sa gilid ng t-shirt nya nangangatug ang tuhod ko sa mix emotion na nararamdaman ko. Confirm! Attracted ako sa panget na kapre na to at naadik ako sa halik nya.. i heard hin mfoaned.. kaya naimulat ko ang mga mata ko.. and his eyes are shut.. i can see his enjoying the kiss.. he slowly open his eyes while his lips still exploring mines. And... he chuckled.. kaya naitulak ko sya.. muntik pa tuloy syang matumba sa motor nya.. para naman akong natauhan at napatingin sa paligid.. nakahinga ako ng maluwag ng makitang walang katao tao sa paligid. Tsaka kinapa ang basa pang mga labi. Tinignan ko ng masama si kapre.

"Bat ka ba nanghahalik?"

He laugh. " goodbye sweetie." A peck on my forehead and his gone.


Harry's POV

Pinaharurot ko ang motor ko pagkatapos ko syang halikan sa noo. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na to. I kissed her, she respond.. and.. i broke my heart.. bukas.. ibang harry na ang makikita at makakasalubong nya..
Kinausap ako ni Andrew kanina. Kalimutan ko na daw si Bonita.  Ayaw nyang may mawala sa aming dalawa ng kapatid nya so i should leave her alone. Hindi nya alam kung panu nya nalaman ang pagkakalapit ko sa kapatid nya. Dafuq lang hindi pa nga ako nanliligaw kay Bonita eh. Hindi sa takot ako kay Andrew malaki lang talaga ang respeto ko sa kanya. Im not giving up. But i'll be waiting for another chance. Bahala na kung magmukha man akong stalker which i am by the way since una ko syang nakita sa bahay nila yun na yun e. Kelan lang ako nagkalakas loob na lapitan sya pero ma uunsyami pa ata. Life suckz!

Once Upon a RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon