Chapter 5: Inlababo na si kapatid?

159 11 0
                                    

Andrew'S pov

Kumakaen ako ng breakfast ng mapansin ko si Bonita na matamlay na umupo sa harapan ko.

" may sakit ka ba?" Ako.

"Wala." Kumuha sya ng pandesal at sinawsaw sa kape.

"In love ka ba?"

Napatuwid ito ng upo. " hindi a." Defensive na sagot nito.

Hala guilty si little sis. Kanino naman kaya?! Kailangan ko na ata syang gwardyahan.

"Nga pala nag txt si phil, pupunt daw sya mamya dito."

Tumango lang ito. Nakatulala na naman sya. Namputcha itong ito ang symptoms ng inlove eh. Sino kaya ang malas na lalake. Pumitik ako sa harapan nya.

"Ay kapre!" Gulat nitong turan. "Kuya naman eh. Problema mo?"

"Bat kasama mo si "Harry kahapon?"

Kumunot ang nuo nya, parang napaisip. "Sino yon?"

 ,

"Yong kapre mo" narinig kong tinawag nyang kapre si Harry nong lunes. Syempre late din ako nun e.

Nanlaki ang mata nya. "Anong kapre ko. Kuya talaga o. Hindi ko kilala yon."

Hindi nga pero naiinlove kana. Siraulong Harry yon. Kaya pala tanung ng tanong tungkol kay Bonita may balak palang pa inlabin tong sungit kong kapatid. Harry is one of my best friends. Kabanda, ka tropa, ka bro sa frat. Ive known him since 1st year highscool. Nagkakilala kami sa hazing. To cut the story short labas masok na din sya dito sa bahay. Kilala na sya ni nanay, si Bonita lang hindi dahil nga loner at snob tong kapatid ko. Tama nga ang sapantaha ko interesado si Harry rito. When he saw Bonita 2nd year high kami non, nakatambay kami sa sala ng dumating si bonita. Badtrip ata kasi nagdadabog ito papasok. Hindi nya manlang kami tianapunan ng tingin at dumiretso sa kwarto nyA. But i saw Harry following her every move. Simula non panay na ang pasimpleng tanong nya about sa kapatid ko.

Anak mayaman si Harry, habulin ng babae, happy go lucky at higit sa lahat iniiyakan ng babae. Hai,,, sana wag mapasama kapatid ko.

"May date ka ba?" Pukaw ko sa inlababo kong kapatid.

"Wala kuyA. Detention."

"Kasama mo si kapre?"

Walanjo namula sya na parang kamatis.

"Nevermind." Tumayo ako. "Little sis. Wag todo bigay ha. Magtira ka naman." I kissed her forehead.

Corrines POV

Nasa school na ako. Kasalukuyang nagbibigay ng instruction si tanda sa amin. It turned ou na sya pala ang head ng discipline.

"Para sa may detention dahil nahuli na nasa corrido during class hour you'll be assigned to wash the laundry. Beddings, curtains etc." Anito sabay tingin sa listahang tangan nito. "Were is Dela Rosa and Tiu?"

Napatingin ako sa paligid wala pa din apsi kapre kaya nagtaas ako ng kamay.

" wher is---"

"Here"

Napatingin ako kay kapre. Haggard ata sya. Tumabi sya sakin. Nagbigay ng instruction si tanda.

"You two proceed to the laundry area."

Tumango lang kami at nagsimulang naglakad palabas.

Nasa hallway na kami ng bigla nya akong akbayan. Tinulak ko siya at sinipa.

" bat ang brutal mo?"

"Eh bat ang manyak mo? Amoi alak ka. Ambaho mo" totoo naman yon.

"Kasalanan mo to eh.."pakli nito.

"Bat ako?"

Tumawa ito. "Wala. Bonita, ang bantot."

"Harry. Ang fake." Bawi ko.

Inakbayan na naman nya ako. Kaya tinulak ko na naman sya at sinikmuraan sya. Pero napamura ako nung sumakit lang ang kamao ko, anu yon may bato ang sikmura nya.

Narinig ko ang pagtawa nya, kaya inirapan ko sya.

"Akin na nga" inabot nya ang kamaong halata ang pamumula.

"Bakit ba?"

At kinagulat ko ang ginawa nya. Hinalikan nya ang kamay ko. Para akong kinuryente kaya agad kong binawi yon.

Sinapak ko sya bago nagpati una sa paglalakad. Weird.

Anong nangyari sa detention? Ayon ako ang naglaba lahat. Si kapre? Nasa bench. Humihilik. Galing daw syang bar at dumeretso lang ng school para sa detention. Syempre may kapalit ang hindi nya pagtulong. 1 month na libre ng lunch. Hehe.. san ka pa. Makakatipid na ako non. Nag iipon pa naman ako para makabili ng cellphone.

Once Upon a RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon