Chapter 1

7.7K 254 30
                                    

Corine's  PoV

"Sigurado ka na ba diyan?" Ilang beses ko na iyang narinig mula sa bibig ng aking pamilya.

"Huwag kayong mag-alala, tatapusin ko lang ang pag-aaral ko doon at babalik rin ako" sabi ko kay mama ng may ngiti sa aking labi

Nang makalabas na ako ng bahay bitbit ang aking gamit, naghanap agad ako ng masasakyan papuntang airport.

Pupunta ako sa isang bansang hindi ko mabigkas nang tama ang pangalan. Nabalitaan ko kasing nabigyan ako ng scholarship sa sikat na paaralan doon na maaaring maging oportunidad ko para makahanap ng magandang trabaho pagtapos kong mag-aral.
Maghintay lang kayo ma, pa, ate, at bunso. Isang taon lang naman ang kailangan niyong hintayin. Makakaahon rin tayo.

Natulog muna ako ng ilang oras dahil apat na oras pa bago  maglanding ang eroplanong sinasakyan ko.

Kanina pa ako tumatakbo dahil hinahabol ako ng lalaking maputla. Para bang gusto niya akong kainin.

Nanuyo ang lalamunan ko nang wala nang ibang daan akong matatakbuhan.

Hindi pwede to...

Tumalikod ako para harapin ung lalaki...

"Huwag" sabi ko kahit walang boses ang lumabas sa bibig ko.

Palapit siya nang palapit.

Hanggang nasa harapan ko na siya at akmang kakagatin na niya ang leeg ko nang..

"Ma'am nananaginip po kayo."
sabi ng isang babeng mukhang nasa 30's na.

"Salamat." sabi ko na lang tsaka ngumiti na lang.

Inalis ko sa aking isipan ang aking napanaginipan kanina.

Pagbaba namin ng eroplano, sinalubong kami ng mga taong nakacostume ng nakakatakot.

Halloween na ba rito?

Sinuotan rin nila kami ng kwintas na nagmukhang mamahalin dahil sa may pulang pendant ito.

Para saan naman ito?

Hindi ko na lang ulit pinansin iyon. Masyado akong pagod para mag-isip ng kung anu-ano.

Pero ang tanong. Saan naman pala ako tutuloy ngayong wala pa naman akong kakilala dito.

"Miss kararating mo lang rin ba?" Tanong ng isang lalaki na kasama yata ang kaniyang mga kaibigan.

"Ah. Oo e. Wala nga akong kakilala rito." sagot ko kahit nag-aalinlangan.

"Kami rin! Sumama ka na lang sa amin para naman may matuluyan ka pansamantala. Ako nga pala si Jess" sabi ng babaeng nakasalamin na sa tingin ko'y mukhang nasasabik.

"Corine." Maikli kong sagot

"Mamaya na iyang pakilala scene. Pumunta na muna tayo sa bahay namin para makapagpahinga na tayong lahat at magagabi na rin." sabi nung lalaki kanina kaya naghiyawan ang pitong magkakaibigan.

Naagaw naman ang atensyon ng mga tao na nasa loob ng airport. Masasama at nakakapangilabot ang mga tingin nito?

Bakit parang wala man lang nakangiti sa mga tao rito? Parang balisa sila. May problema kaya?

Third Person's POV

Napangisi siya nang makita kung gaano karami ang dumating sa bansa ngayon.

"Marami na naman kayong makakasama mga alaga ko."
Aniya habang nakatingin sa sementeryong pag-aari niya.

ODEIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon