Chapter 4- One is Missing

3.4K 173 36
                                    

Corine's PoV

Nanatili kami ng ilang oras para makapagpahinga muna ako. Hindi ko pa nasasabi sa kanila tungkol doon sa lalaki sa'king panaginip na siya ring kausap ko kanina. Mas mabuti na sigurong ako na lang muna ang nakakaalam hangga't hindi ko pa alam kung ano ang ibig sabihin ng mga 'yon.

"Corine" tawag sa'kin ni Aaron na may hawak na itim na bagay. Bola. Itim na bola na may nakaukit na 8.

"Ano iyan?"

"Bola malamang" napatawa naman si Gab kaya napairap ako.

"Alam ko, ngunit para saan iyang bolang hawak mo?"

"Hindi ko rin alam, dahil ibinigay lang sa'kin ito ng bata sa labas. Pinapabigay daw sa'yo."

Sino naman ang magbibigay ng ganoong bagay sa'kin e wala naman akong kakilala rito bukod sa mga bago kong kaibigan?

Kahit nag-aalangan ay tinanggap ko pa rin ang bola at inilagay sa bulsa ko.

"S-saan na pala si tita Pearl?"
Nabaling ang atensyon namin sa hindi mapakaling babae.

"Kalma lang Samantha. Baka naman may pinuntahan lang 'yon." pagpapakalma sa kanya ni Ash.

"Hindi naman iyon ang ikinababahala ko," pumikit siya saglit at huminga nang malalim bago nagpatuloy.

"May napanaginipan kasi akong hindi ko maipaliwanag. Parang may pinapahatid na mensahe. Isang anghel. Pero hindi ako sigurado kung isang anghel nga ba talaga iyon dahil wala naman itong pakpak. Nagpakilala lang siyang isang anghel kaya ko nasabing anghel siya. Pero hin-"

"Just go straight to the point," Putol ni Kathryn na mukhang nairita sa paikot-ikot na pagkwekwento ni Sam.

"Sabi niya...ah!" Hindi naituloy ni Sam ang sasabihin niya dahil may bigla yatang kumirot sa puso niya.

"Okay ka lang?" tanong ni Ash.

Sumagot si Sam kaso walang lumalabas sa bibig niya. Kaya nataranta kaming lahat. Halos iluwa na niya ang kanyang baga sa pagsigaw ngunit wala talagang lumalabas.

Nagulat na lang kami nang may sumirit na dugo sa kaniyang ilong. Tumakbo siya palabas ng kwarto kaya sinundan namin siya agad.

"Samantha!"

"Stop!"

"Ahhh!"

Nagsitilian ang lahat ng tao sa hallway nang makitang tumalon si Sam sa nakabukas na bintana.
Pati ako'y napasigaw din. Nasa 9th floor kami kaya imposibleng mabuhay pa siya.

Dumungaw kami sa bintana ngunit wala kaming nakitang bangkay sa baba.

Nasaan na si Sam?

"What's happening?" sabi ng isang doctor na mukhang kasing edad lang namin.

Pero mukhang hindi nila ito napansin.

Nawawala ang bangkay ni Sam. May kumukha sa bangkay niya o maaaring buhay pa siya.

"She's gone," sabi ni Kathryn sa pagitan ng kaniyang paghikbi.

"She's still alive."

Napatingin kaming lahat kay tita Pearl.

"What do you mean?" tanong ko

"It's either somebody took her corpse or someone saved her."

"How can somebody save a falling person." tanong ko.

"You don't know what every person here in Fearland is capable of. This country is different from yours. Everyone is different from you. And maybe the one who took her has to do something with the living dead every night."

Kakampi ba ito o kaaway? Kung may nagligtas man, maaaring kakampi namin 'to. Pero kung kinuha niya 'yong bangkay ni Sam, maaring kaaway nga at tulad ng mga nabubuhay na patay tuwing gabi.

"
"Let's just take a rest for now. Umuwi na muna tayo bago natin simulang hanapin si Sam." sabi ni tita.

"Ako na lang po ang magbabayad ng bill natin dito sa ospital tita," pagpriprisinta ni Aaron.

Inalalayan ni Ash si Kathryn pababa ng parking lot. Sinamahan din muna ako ni Kibby sa room 308 para kunin ang mga natira naming gamit.

"Wala ka bang napapansin?"
tanong ni Kibby nang nakapasok na kami sa loob.

"Wala naman. Bakit?" sagot ko at sinimulan nang kunin ang mga gamit ko at gamit nila tita.

"Si tita..." napatigil ako sa'king ginagawa. Maski ako rin ay may napapansin sa kinikilos Ni tita Pearl.

"Anong meron sa kaniya?" inosenteng tanong ko.

"Ah, wala lang. Sige, mauna ka na. Ako na ang bahala rito at baka mabinat ka pa."

Nginitian ko muna siya bago lumabas ng kwarto.

Paglabas ko, may nakita akong batang babae na papalapit sa'kin

"Ate, pinapabigay po niya," inabot niya sa'kin ang isang bolang itim ngunit nabitawan niya ito at gumulong kaya hinabol.

"Sinong niya?" tanong ko nang mahuli ko na ang bola ngunit wala na akong naabutang bata paglingon ko.

Tinignan ko agad ang bola at gaya ng dati, may nakaukit na namang numero rito pero nabawasan na ng isa. Mula 8, naging 7.

Ano na naman ba ito?

"Corine!" tawag sa'kin ni Kibby na hirap na hirap sa pagbubuhat ng mga gamit ng iba.

"Oh? Bakit nandidito ka pa?" tanong niya nung nakalapit na ako.

"Ah. Hinintay lang kita para sabay na tayo pababa," pagsisinungaling ko.

"Tara na?"

"Sige."

Tumingin muna ako saglit sa kinaroroonan ng bata kanina at nakita kong nandoon ulit siya.

Kung sino man ang nagbigay ng mga bola, kailangan ko siyang makita at makausap. Kailangan kong alamin kung ano man ang binabalak niya at kailangan niya.

***

A/N: Sana magustuhan niyo. Anyway, I need your help. Ano bang genre ang babagay dito? Mystery/Thriller o Horror?

ODEIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon