Chapter 3- Nightmare

3.6K 191 15
                                    

Sabay-sabay kaming nagising dahil sa narinig naming kalabog sa baba. Kaya naman nagmadali kaming tignan 'yon.

"Good morning!" masayang bati ni tita Pearl sa amin. Kilala ko na silang lahat dahil nagkwentuhan muna kami kagabi bago kami natulog.

Hindi ko nga alam kung bakit agad akong pinagkatiwalaan ng magkakaibigan. Isang araw pa lang kaming nagkakasama pero parang matagal na kaming magkakilala.

Napatingin ako sa suot ni Ash. Iyong binigay sa amin na kwintas nang makababa kami sa eroplano. Tinanggal naming lahat iyon kagabi sa sasakyan dahil ang creepy tignan.

Nahalata yata ni tita na hindi ako nakikinig sa sinabi niya kaya napatingin rin siya sa leeg ni Ash.

Nagtaka kami nang napatakip ng bibig si tita at walang pasabing hinila tsaka dinurog ang pendant.

"Bakit ka may ganyan?!" Galit na tanong niya. Lumayo rin siya sa bagay na iyon.

"Ba-" bago pa matapos ang sasabihin ni tita biglang nagsipatayan ang lahat ng ilaw.
Natatakpan ng kurtina ang mga bintana kaya naman wala ka talagang makikitang kahit ako.

Napakapit ako bigla kay Kibby  na kanina'y alam kong katabi ko.

Naramdaman kong lumalapit siya sa akin.

"U-lis-ka-di"

Hindi ako makakibo dahil hindi na si Kibby ang katabi ko ngayon kundi isang lalaki matandang lalaki na sa tingin ko'y isang multo.

"U-lis-ka-di" ulit niya

Imbes na mataranta at sumigaw nanatili akong nakaupo at nakinig sa kung ano ang sasabihin.

Ngunit wala na akong narinig na boses kaya dahan-dahan akong tumayo.

"Ahhh!" Sigaw ko nang hinila ang paa ko papunta sa ilalim ng upuan.

"Corine!" narinig ko pa ang pagsigaw ni Jess.

Pinilit kong makawala at nagtagumpay naman ako kaya mabilis akong tumayo ngunit sa pagliwanag ng paligid, nasa ibang lugar na ako.

Nasa sementeryo.

Maya-maya nagsilabasan na ang mga multo. Nakatingin lahat sa akin.

"Tita Pearl?" tanong ko nang mapansin ang isang pamilyar na mukha.

Nilapitan ko ito para makumpirma. Pero palayo naman ito nang palayo sa akin. Tumakbo na ako para maabutan siya. Hanggang sa may humila sa akin. Payat, walang mga mata at putol ang isang kamay. Agad ko itong itinulak na dahilan para mabali ang mga buto sa katawan niya. Nakakadiri.

Ibinaling ko ulit ang atensyon ko sa pakay ko ngunit hindi ko na ito makita. Wala na rin akong makitang mga patay sa paligid ko.

Ako na lang mag-isa... Nang may lumabas na kamay mula sa lupa.

"Ahhhhh!"

Nagising ako mula sa masamang panaginip.

"Oh thank goodness! You're already awake."  Inilibot ko ang paningin ko at nalaman kong nasa ospital ako. Nandito rin silang lahat sa kwarto ko.

"What happened?"

"You collapsed when all the lights turned off. Mabuti at nandoon si Kibby para saluhin ka kundi nabagok ang ulo. You were very pale so we decided to bring you here to make sure that you're alright. And we found out that you have nyctophobia"
Paliwanag sa'kin ni tita.

Nyctophobia? Ang pagkakaalam ko takot sa dilim iyon. Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit ngayon lang ito nangyari. Hindi naman ako takot sa dilim dati.

Napatingin ako sa pintuang bahagyang nakabukas at naaninag ko ang isang anino ng lalaking tila nagmamasid sa'min. Nagpaalam ako saglit para lumabas.

Nakita ko ang lalaking nakasumbrero ng itim at nakaputing damit na naglakad palayo. Hinabol ko ito.

"Kuya!" sabi ko sabay tapik.

Paglingon niya nanlaki bigla ang mga mata ko. Siya ang lalaking nasa aking panaginip. 'Yong walang mga mata at putol ang kamay. Tandang-tanda ko pa ung balat nita sa kanyang isang kamay.

Konektado ba ang mga panaginip ko sa nangyayari ngayon?

At anong kinalaman niya sa buhay ko?

Pearl's POV

I found myself smiling while looking at the seven teenagers. They've finally arrived. I snickered cruelly. The girl in my dreams and her friends and, coincidentally, my son is one of them.

***

A/N: Hi. Sorry for a slow update. Estudyante rin ako katulad niyo kaya palaging busy. I'll try to make it up to you. I'll update every weekends but don't expect much. I'll also even try to update in weekdays kung hindi naman ako masyadong busy. Hope you like my boring update. Hello sa idol kong author, KnightInBlack.
PS: Minor spelling, punctuation, and grammar updates.

ODEIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon