Chapter 7

2.5K 97 42
                                    

Nagising nang may kumalabog. Shit. Nakatulog pala ako. Bakit hindi man lang gumising sa'kin? Hindi man lang kaya nagalit si Ms. Remedios sakin?

Napatayo ako bigla sa aking kinauupuan kung saan ako dating nakayuko habang tumutulo ang likido galing sa aking bibig ilang segundo lang ang nakalilipas.

"Anong oras na ba?"

Tumingin ako sa malaking orasan na nakasabit sa gilid ng pinto. 6:00 PM na. Wala na rin akong kasama sa silid na 'to.
Bullshit Corine.

"Sumunod ka sa'kin."

Napatingin ako sa professor kong si Ms. Remedios na nakasilip sa durungawan ng silid kung saan ako nakatulog. Napalundag pa nang kaunti ang aking puso sa kadahilanang nagulat ako sa presensyang kinatatakutan ko unang araw pa lang ng klase. Dali-dali kong kinuha ang bag ko at cellphone na sa ilalim ng desk. Nakatanggap pala ako ng text mula kay Kib. Hinihintay pa rin pala nila ako sa labas ng gate. Sinimulan ko nang pumindot at sinend sa kanila ang reply ko ngunit wala na nga pala akong load kaya nagbukas na lang ako ng Facebook.

"Are you listening?!", sigaw ni Ms. Remedios na siyang dahilan para maitapon ko ang cellphone sa kung saan.

Nanginginig akong tumingin sa paligid at binalingan ng tingin ang babaeng nasa harap ko.

"P-pasensya po"

Nanginginig na yung tuhod ko at parang babagsak na ako sa sahig. Natatakot ako. Hindi ako sanay na mapagalitan ng aking propesor.

Lumapit siya sa'kin at biglang hinawakan ang dalawang balikat ko.

"Tumingin ka sa mga mata ko. Hindi dapat yumuyuko sa kahit kanino ang mga babaeng katulad mo."

Napatingala ako at gumuhit naman sa kaniyang labi ang matamis na ngiti. Umalis siya sa harap ko at tinungo ang mga nagkukumpulang halaman. May kinuha siya roon at bumalik sa tabi ko.

"Paumanhin at ako yata ang dahilan ng pagkabasag nito"

Nakatingin lang ako sa cellphone ko na basag na ang screen.

"Okay lang po. Ako naman po ang nakahagis nito kaya wala po kayong kasalanan."

Kahit nalulungkot ako, pinilit ko pa ring ngumiti. Bigay kasi ni mama itong cellphone ko na alam kong galing sa paglalabada niya ang pinambili niya rito.

"Hays. 'Wag kang mag-alala.
Bibilhan na lang kita ng bago at parang napaka-importante sa'yo ang bagay na 'yan"

Tama siya. Napaka-importante nga nito dahil ito lamang ang paraan para magkausap kami ng aking pamilya at kaibigan lalo na't mapanganib dito. Ngumiti ako ng mapait at nagsalita muli.

"Pasensiya nga po pala kung nakatulog ako sa klase. Kung paparusahan niyo po ako ay tatanggapin ko. "

Nagulat ako dahil napatawa na lang siya bigla.

"Naku hija. Nagkakamali ka. Haha. Isasama lang kita sa club namin dahil kailangan pa namin ng isang miyembro na magaling pagdating sa Ingles. You can understand me, can't you? "

"Yes. Of course Ms. Remedios.", wika ko na nilagyan ko pa ng kaunting accent. Hindi naman ako pinanganak na ingles ang gamit kong wika. Natutunan ko lang ito sa mga napapanood kong mga pambatang palabas dati. Kagaya ng powerpuff girls at spongebob. At lalong nahasa ito nang tumungtong ako ng hayskul.

"Great. So are you in?"

"Ye-"

"No."

Napatingin ako sa babaeng biglang nagsalita. Tita Pearl? At ano naman ang ginagawa niya rito?

"I'm her guardian at ayaw ko munang isali ang alaga ko sa mga clubs dahil gusto ko munang mag-focus siya sa pag-aaral niya."

Tinignan ko ang dalawa at parang nag-aaway ang mga mata nila base sa ekspresyon ng mukha nila. Teka, magkakilala ba sila?

"Don't interfere with other's life, Jane or you'll end up burning in hell."

Huh? E wala namang ginawa o sinabi man lang sa'kin si Ms. Remedios.

"Let's go Corine. Kanina ka pa nila hinihintay. Buti na lang talaga tinawagan ako ni Ash kundi baka may ano pang gawin sa'yo ang isang 'to.", sabi niya sabay hila sa'kin paalis. Napalingon ako kay Ms. Remedios na may lungkot at pagkabahala ang mababakas sa mukha.

Pagkadating namin sa gate ay sinalubong ako ng sunod-sunod na katanungan ng lima. Ngunit ang isinukli ko lang sa kanila ay tingin sabay ng aking pagyuko dahil sa aking pagkahiya.
I want to tell them that I'm sorry for making them wait for hours but I couldn't even open my mouth.

"Let's go home before the night comes. "

-------------------------------------------------------------------

Hindi ko talaga malaman kung bakit nangyayari itong kababalaghan sa lugar na ito. Dati ay hindi talaga ako naniniwala sa mga multo na iyan dahil nga may mga eksplanasyon naman ang mga eksperto tungkol doon noong nasa Pilipinas pa ako.

Hampas ng mga unan ang maririnig mo sa kwarto namin. Naglalaro ng "pillow fight" sila Ash, Jessica, Aaron at Kathryn habang kinakalikot naman ni Kibby ang kaniyang cellphone. Naalala ko na naman tuloy yung basag kong cellphone. Nakakalungkot lang isipin na hindi ko pa matatawagan ang aking pamilya. Nakakahiya naman kung manghihiram pa ako.

Tinignan ko ulit si Kibby nang may naalala ako.

"Kib, ano nga pala iyong sasabihin mo sa'kin? Sorry pala kung hindi ako nakasabay kanina sa lunch may ginawa pa kasi ako.", pagpapalusot ko.

Tumingin muna siya sa paligid at binalik ang tingin sa akin.

"Bukas na lang", aniya.

Sa nakita ko ay parang ayaw niyang may makarinig sa sasabihin niya sa akin. Sabi na e, magtatapat talaga siya sa nararamdaman niya sa'kin. Hindi ko kaya. Kung totoo maiyon unang beses 'yon na may magtatapat sa akin at nakakatakot iyon. Oh tukso, layuan mo ako.

Natawa na lamang ako sa naisip ko.

"7:58 na."

Agad naman silang nagsipuntahan sa malaki naming kama na pinasadya talaga para magkasya kaming pito. Maluwag-luwag na kaunti ang espasyo dahil nawalan kami ng isang kasama. Sa bawat dulo ng kamang ito ay naroon ang dalawa naming lalaki dahil sila naman itong matatapang nasa gitna naman kaming tatlo ni Aaron at ni Kathryn.

Maya-maya pa ay ipinikit na namin ang aming mga mata. Hindi na pinansin ang mga ingay ng kung sino mang multo. Lagi namang ganito. Kahit na medyo sanay na kami ay hindi pa rin matanggal ang panginginig sa aming katawan lalo na ako.

Biglang nay humawak sa aking kamay. Hindi ito malamig kaya alam kong hindi ito bangkay. Napakainit noon at napakasarap na pakiramdam na nagpainit ng mukha ko. Alam kong si Kib iyon dahil siya lang naman ang nasa kanan ko.

"Huwag kang matakot. Nandito naman ako. Babantayan kita hanggang sa pagtulog mo."

Napangiti na lamang ako habang nakapikit at hanggang sa ako'y makatulog.

<=========================>

Thank you for still reading my story.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ODEIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon