Chapter 5: Part I- Watch Out

2.7K 159 22
                                    

"Ano nga ba 'yon?" Iritadong ginulo ko ang aking buhok bago humiga sa kama. Tinignan ko ulit 'yong oras. Malapit na death's hours kaya kinakabahan na ako.
Muli kong inalala ang sinabi ng matandang lalaki bago ako nawalan ng malay.

Ulismadi?

"U-lis-ka-di" biglang may babaeng nagsalita kaya tinignan ko ang paligid.

Tinignan ko ang orasan at nakita kong alas-otso na. Tumayo ako at naglakad patalikod patungo sa pinto. Nang nasa likod ko na ang pinto ay kinapa ko ang doorknob ngunit buhok ng isang babae ang nahawakan ko.

Kahit natatakot man, mabilis ako lumingon at hinarap ang nagmumultong babae ngunit wala akong nakita. Mabilis na binuksan ko ang pinto at lumabas.

"Gab!" Sigaw ko kasama ang malakas na katok "Gab buksan mo ito!" Shit! Walang nagbubukas!

Nakailang katok na ako pero parang wala man lang nakarinig nito. Dali-dali akong pumunta sa kabilang kwarto at kinatok naman ang kwarto ni Kathryn.

"Ahh! Please! Buksan mo 'to Kath!" Tumulo na ang mga luha ko dahil sa takot pero mas lalo akong natakot nang bumukas ang kwartp ko at lumabas ang isang babaeng may mahabang buhok, maputla at duguan ang mukha.

"U-umalis ka! P-pakiusap. 'Wag kang lumapit s-sakin," sabi ko habang dahan-dahang humakbang patalikod.

"Ma-na-yo-to"

Lumulutang lang siya at hindi ko makita ang paa niya dahil mahaba ang kaniyang suot na damit.

Malapit na ako sa hagdan kaya baka itulak niya ako rito.

"Ma-na-yo-to"

"Ahhhh-"

Akala ko katapusan ko na. Niyakap ko agad 'yong sumalo sa'kin mula sa pagkakahulog nang makita ko kung sino siya. Si Kibby. Pangalawang beses na niya akong iniligtas. Ibinuhos ko lahat ng takot ko kanina sa balikat niya.

"A-asan sila?" Nanginginig pa rin kahit nandiyan na siya.

"Tayo lang ang tao rito," nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang kanyang mahina ngunit malademonyong tawa.

Hindi.

***
A/N: Lol. Bukas na Part II.

ODEIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon