Chapter 2- First Night

4.4K 262 54
                                    

Corine's PoV

Alas-sais na ng gabi nang makarating kami sa bahay ng lalaking Gab yata ang pangalan.

Ang ganda naman ng bahay nila. Mansyon kung tawagin sa amin ito. Siguro iyong parking lot lang nila ang bahay namin. Mayaman naman pala ang mga nakatira sa village na ito.

"Baby! What brings you here?" sinalubong kami ng magandang babae na nasa 30's pa yata.

"Mom, didn't I tell that I'm going to take a quick vacation ? It's been a long time since I last saw this place. So anything new?" Oh. Ingles ang lengwahe ng kaniyang ina. Hindi naman ako mahihirapan dahil pinag-aralan ko na rin naman iyon palagi kung sakali'y makapunta ako sa ibang bansa.

"Oh, and by the way, these are my friends. Ash, Kibby, Jess, Kathryn, Samantha, Aaron and the one the we've just met, Corine. I also brought them here so I won't get bored." Pagpapakilala niya sa amin. Nakipagbeso-beso sila sa mommy niya kaya kahit naiilang ay ginawa ko na rin.

" It's already 6:40. Get inside. We need to get ready."
Huh? Maghanda para saan?

"For what mom?" siguro nalilito rin ang kaniyang anak kung bakit kaya naitanong niya ito.

"For the "Dead's Hours", I'll explain to you the details inside. But we better get in first before they arrive." Huh? Napatingin ako sa mga kasama ko. Hindi man lang mababakas sa kanilang mukha ang pagkataranta.

Nagsipasukan na sila kaya pumasok na rin ako.

What the hell is happening?

"Guards secure all areas. Lock all the doors. Close all windows." Utos ng ina ni Gab.

"Gab, please guide them to the guest room. They need to take a rest first." Napangiti naman si Ash dahil mukhang kanina pa ito pagod.

"Aren't you going to tell us what's happening first?" 'Di na ako nakatiis at nagsalita rin ako. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyayari. Kung bakit kailangan namin ng matinding seguridad sa lugar.

"Not right now. You should take a rest first before I tell everything."

Pagtanggi niya. Wala na akong nagawa kaya umakyat na kami.

"7:59 na pala."

Papikit na sana ako nang may narinig akong kaluskos.

Nanggagaling ito sa ilalim ng kama ko. Maya-maya pa ay may babae akong narinig na humagikhik. Alam ko ang mga gantong pangyayari kaya napatayo ako sa kama ko.

Ayoko bumaba sa kama dahil baka mamaya may humawak bigla nito. Pinagpapawisan na ako at nanunuyo na lalamunan ko. Lumalakas rin ang ingay na nanggagaling rito.

Biglang tumigil. Ako naman ay tumalon at tumakbo papunta sa pinto. Ngunit sa kasamaang palad, nakasarado ito. Napaharap ako sa kama ko at halos maubos ang boses ko nang makita ang maputlang paa ng isang babae.

"Tulong! Tulong! Ahh! Buksan niyo ito! Pakiusap!"

Narinig ko ang boses ng mga lalaki. Pati na rin ang pag-iyak ni Jess.

"Lumayo ka muna sa pintuan Corine" sabi ni Gab kaya sinunod ko agad ito. Tumingin ako sa kama ko. Wala na siya. Pero pagharap ko bumungad sa akin ang mukha ng babaeng nakapatiwarik. Ngumisi pa ito.

Bago pa ako makasigaw napatumba na ng mga lalaki ang pintuan. Kaya nayakap ko ang isa sa kanila. Umiyak ako nang umiyak. Hindi ko akalaing makakakita ako ng ganoong bagay. Niyakap rin ako ng lalaking niyayakap ko kaya natauhan ako.Nahiya ako bigla. Hindi ko sinasadya.

"Sorry." Yumuko ako dahil ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Hindi ko matandaan kung ano ang pangalan nila.

"Okay lang" sabi niya

Binalewala ko ang nangyaring yakapan.

Bumaba kami lahat dahil pati rin ang mga kasama ko ay nakaranas rin ng kakila-kilabot na pangyayari.

"Hindi ko pala nasabi sa inyo na normal na ang gumagalang multo dito sa lugar namin." sabi ng mommy ni Gab. Nagulat ako dahil nakakapagsalita pala ito ng wika namin.

"Pero ito ang hindi mo masasabing normal"

Hinawi niya ng konti ang kurtina at ganoon na lang ang panginginig ko ng makita ang mga taong puro nakaputi na may dalang kutsilyo at kung anu-ano pa. 'Yong iba naman ay duguan ang bibig.

"A-ano ang mga 'yan? Tanong ng nanginginig na si Samantha.

"They are already dead. Minsan mapagpanggap. Tuwing alas-otso, nabubuhay sila na parang isang tao. Pumapasok sa mga bahay na pwede nilang kuhanan ng mga damit. Hihingi ng tulong sa mga taong hindi pa alam ang tungkol sa bansang ito. You shouldn't have come. This place is too dangerous for you." natulala ako sa sinabi niya. Paano na ang pag-aaral ko?

"But don't worry. They'll all be gone when the clock turns 12. May expiration time kumabaga."
Napatawa 'yong mommy ni Gab.
Anong nakakatawa? Pero nakahinga rin ako nang maluwag. Pwede pa rin pala akong mag-aral dito.

"Then we're all safe. As long as we don't get out when its already 8 pm." Sabi ni Kathryn.

"What about the ghost earlier?"
Tanong ng isang lalaking nayakap ko kanina.

"Ah. Hindi ko nga rin alam kung saan galing sila. Baka crinimate ang kanilang mga katawan kaya hindi na sila mabubuhay pang muli." sagot ng mommy niya.

"A-ayoko matulog mag-isa" sabi ko nang nakayuko.

"We can sleep together." Natuwa ako bigla sa narinig ko. Salamat kay Gab.

"Yown"

"Really?"

"Yes!"

"Gosh. Walang privacy."

"Okay lang sakin"

"Same"

Lahat nagreact pagkasabi niya roon pwera sa akin.

"Ayaw mo ba Corine?" Tanong ni Jess.

"Gusto." At binigyan ko sila ng pagkatamis-tamis na ngiti. Kahit na natatakot pa rin ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: Hi! This is my first story. Hope you like it. And for all haters, I don't give a sh*t. So yeah, vote and comment.

ODEIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon