Chapter 5: Part II- Watch Out

3K 160 28
                                    

Itinulak ko siya at lumayo sa kanya nang kaunti. Nagsimulang manginig ang aking kamay.

"S-sino ka?" Tanong ko habang inaatraas ang aking sarili. Alam kong hindi siya si Kibby.

Tinignan ko siya at halos masuka ako nang makita ang pag-iibang anyo ng halimaw na nasa harap ko. Nagbabalat ang halimaw na parang ahas, ngunit ang kaniya ay makikita mo talaga ang berdeng malapot na lumalabas mula sa mga napupunit na balat.

May nakita akong flower vase na nakapatong sa maliit na mesa. Dali-dali akong tumayo at hinablot iyon. Hinarap ko ang halimaw na ngayo'y kamukhang-kamukha ko na.

Ibinato ko agad ang hawak ko dahilan para mawakasak ang kanyang mukha ngunit bumalik ulit niya ito sa dati. Umiilaw ang kaniyang mga mata.

"You're weak, worthless and stupid. I could easily kill you right now and bring you to my master. But you're lucky, 'cause he wants all of you alive." Masakit makarinig ng ganoong salita ngunit hindi ko muna inintindi iyon.

Nakakapagsalita siya nang normal at gayang-gaya pa niya ang boses ko.
Corine! Okay ka lang ba-" napaatras si Kathryn nang makita pa ang isang Corine.

"Kath tulungan mo ako, " pagmamakaawa ng halimaw.

"Kath lumayo ka!" sigaw ko nang mabilis na nilapitan siya.

Bago pa man niya nahawakan si Kath, nakarinig kami ng malakas na putok na gaming sa baba.

Si tita Pearl.

Tinignan ko ang nakahandusay na katawan ng halimaw na ngayon ay natutunaw na.

"Shapeshifter. Tsk. Buti at hindi ka niya nalinlang."

"Shapeshifter?"

"Mga nilalang na nakakapagbago ng kanilang anyo. Kayang gayahin kung sino man ang gusto nila, " paliwanag ni Tita.

" At ano naman ang kailangan nila sa atin? Pansin kong halos araw-araw na nila tayong ginagambala... Ano ba talaga ang gusto nila? " tanong ni Kibby

"Iyon ang hindi ko pa masasagot. Pero ang sigurado ako ay may kinalaman ito sa nangyari dati."

Umakyat na si tita Pearl at iniwan kaming nakatulala...

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa'min.

"Malapit na magpasukan. Limang araw na lang. Anong balak niyo? " basag ni Jess.

Hmm. Ano nga bang balak ko? Dapat ay nasa luneta kami palagi nila mama ngayon. Nagpapakasya at walang problemang iniisip. Pero ngayon... Ngayon na ganito ang sitwasyon. Ipaglaliban muna namin ang mga 'yon.

"Nakabili na ba kayo ng mga gamit? " tanong ko na ikanailing naman nila.

"Then let's go shopping for tomorrow! " sigaw ni Jess na mukhang nasasabik. Naghiyawan naman sila ngunit natigilan nang makarinig ng halinghing mula sa isang bata.

"Alam na guys." Sabay kaming tumakbo papunta sa malaking kwartong tinutulugan naming lahat.

Sana. Sana maging maayos na ang lahat. Sana buhay pa si Sam.

~~~~~~~~~~~~

A/N: lol

ODEIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon