Chapter 6

2.9K 125 46
                                    

Corine's POV

Isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang magsimula ang pasukan at simula noong nawala ang katawan ni Samantha. Isa pa ring palaisipan kung paano naging posible iyon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi ganoon ang naging epekto ng pagkawala ng isa sa amin sa iba samantalang ako ay hindi pa rin lubos na malimutan ang mga nasaksaksihan  kagimbal-gimbal na nasaksihan sa ilang araw ko rito.

Ganoon pa rin ang kaganapan araw-araw. Hindi ko na lang ito minsan pinapansin. Hindi naman kakaiba ang ugali ng mga kaklase namin dahil gaya lang din sila ng mga ordinaryong tao pero hangga't maaari at umiiwas pa rin kami dahil gaya nga ng sinabi ni Tita, hindi pa namin lubos na alam ang mga tao rito,  kung ano ang kaya nilang gawin sa kapwa nila lalo na sa amin.

"Eeeeeeenggggg pheeeew.. "

"Brrrrrr tatatatatat"

"Boom"

"Ano Corine? Nandiyan na ba yung mga kaaway? "

Nangunot ang akin noo at ibinaling ang atensyon ko sa anim na mga baliw na nasa likod ko na parang naglalaro ng giyera-giyerahan.

"Ah...  Nandito na pala kayo"

"Hindi nga halata e. Kanina pa kasi lumilipad utak mo sa kung saan. " sabi ni Ash at nagtawanan naman sila.

"Ah. Okay. " Iyon lang ang naisagot ko dahil hindi ko talaga alam kung ano ang magiging reaksyon ko.  Tinatawag nga nila akong weirdo minsan dahil hindi tumutugma ang aking mga sagot sa kanilang mga katanungan.

"Corine, maaari ba kitang makausap mamayang lunch? "

Napatingin ako kay Kibby na abot tenga ang ngiti. Napatingin din ako sa lima na ganoon din.

Problema ng mga 'to?

"May baon kasi ako. "

Ha?  Ano ba 'tong pinagsasabi ko?

"Ah oo, sige okay lang"

Hindi ko alam ngunit kinakabahan talaga ako sa maaaring mangyari tuwing magkasama kami ni Kibby. Iyong ngiti at tingin niya kasi kakaiba.
Hindi. Ni minsan hindi ko naisip na magkagusto o magustuhan man lang siya dahil ipinangako ko sa aking mga magulang na hindi muna ako magnonobyo at uunahin ko muna ang aking pag-aaral.

"Yown"

"Ayiiee"

Lagot na.  Alam ko na ang ganito. Tama nga ang hinala ko.  Magtatapat siya ng kaniyang damdamin. Ngunit hindi maaari. Kailangan kong makahanap ng palusot upang makatakas ako sa mangyayaring eksena mamaya. Kailangan kong mag-isip ng paraan.

"Sige. Mauuna na ako at baka malate pa ako sa next subject." pagpapaalam ko at dali-daling tumakbo.  Narinig ko pa ang kanilang pagtutol dahil alam nilang maaga pa.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Hindi ko na pala namamalayan kanina na nakarating na ako rito sa isang maalikabok na parte ng unibersidad. May naamoy din akong kakaiba ngunit nawala rin iyon kalaunan.

"Hello?  May tao po ba rito? Mygass siyempre wala Corine. May nakikita ka bang ibang tao rito?"

Natawa na lang ako sa kabaliwan ko at sunod-sunod na umulit ang malademonyong tawa ko Echo kumbaga. Natawa ulit ako dahil sa tawa ko. Hindi ko alam.  Hindi ko na mapigilan sarili ko sa kakatawa.

Sunod-sunod ang narinig kong tawa na alam kong galing sa akin hanggang sa may ibang tawa pa akong narinig na nagpatigil sa akin.

Tumigil na ako ngunit hindi pa rin tumitigil ung tawa ng babae at may dumagdag at dumagdag pang iba. At ayun na nga. Inaasahan ko na na ang kasunod na mangyayari. Maraming kaluluwa na lumitaw dahilan upang manayo ang aking mga balahibo sa katawan. Mag-isa lang ako rito na lalong nakapagdagdag sa kabang nararamdaman ko.

Sanay na ako sa ganitong eksena ngunit hindi ko pa rin kaya kung ako lang mag-isa.  Masyadong kakaiba lang sa pakiramdam na makakita ng kaluluwa ng mga taong dating katulad ko. 

"Mamamatay rin kayo lahat!  Hahahahahah"

"Magiging katulad din kayo sa amin"
sabi pa nung isa sabay hila sa buhok ko. Napaaray ako kasabay ng pagdating ng isang 'di pamilyar na babae.  Binuksan niya lahat ng ilaw na nakapaligid sa lugar na naging dahilan upang umalis at masunog silang lahat.

Tinulungan ako nung babae upang makatayo mula sa pagkakabagsak ko kanina. 

"Maraming salamat " naiiyak na aniya ko habang nakayuko. Bigla na lang niya akong niyakap.

"Sa susunod huwag ka nang pumarito sa bahaging 'to. Kung hindi ko pa nilagyan ng CCTV ang bawat sulok ay siguradong bangkay ka na lang bukas"

Kahit papaano at gumaan ung kabang naramdaman ko kanina.

"Nickelyn nga pala ang pangalan ko.  " pagpapakilala niya sa kaniyang sarili habang pinapakita ang mga ngipin na kakulay ng mga ulap.  Kung lalaki lang ako ngayon ay siguradong nahulog na ako sa kagandahan nito.

"Co-"

"Corine. Yes. I already know your name. Lahat ng mga bagong estudyante inaalam ko pangalan." sabay ngiti.  Shit. Crush ko na siya.

"Baby ko! Sabi na't nandito ka lang. " sabi ng lalaking biglang pumulupot sa braso ni Nickelyn.

Aray. Boyfriend yata. 'Di ko pa nga naaamin ang aking nararamdaman ay basted na agad.

Natawa na lang ako dahil alam ko namang kabaliwan lang lahat iyon. Pero mas lalong natawa ako nung nagtampo yung lalaki na parang batang 'di binigyan ng lollipop.

"Boyfriend ko nga pala,  si John Nickholas"

Laking gulat ko na lang nang humarap yung lalaki. Siya yung lalaking nandoon sa ospital. Yung lalaking nasa panaginip ko.
Ngumiti lang siya na parang wala sa akin.

=================



ODEIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon