Chapter 5: Torn
Xian Jay Marquez.
The only guy who made me feel the same feelings I felt with my first love. Since Junior up to Senior High ay wala pang nakakapagpatibok sa puso ko ng ganun kabilis.
"We're here."
Pinakawalan niya ang kamay ko pero hindi ko na alintana yun dahil nakatitig lamang ako sa maliit na bahay na nasa harap ko. No. Hindi lang siya simpleng maliit.
Concrete ito at may glass windows. May maliit na balcony. Sa tapat nun ay may puno. Naglakad kami papunta doon. He opened the door at pinauna ako ng pasok. I don't know why I'm even trusting him.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay namangha ako sa aking nakita. There were expensive paintings on the wall. Alam ko kasi nakita ko na ang signature ni Ld (the painter's screen name) sa mga paintings na nasa kwarto ni Que. She is a big fan of the artist.
"CJ, ang pagkain kanina pa naghi-" tila tinakasan ako ng aking dugo nang makita kong naglalakad si Jerk papunta sa amin. He also froze at the sight of me. Matatakot sana ako kasi nasa teritoryo nila ako pero nang maalala ko ang ginawa niya kanina kay Miss Roxy ay inis ko siyang pinagsabihan.
"Crazy jerk. Bakit mo 'yon ginawa ha? You should respect the instructors. Hindi mo alam kung gaano kasama ang ginawa mo kanina. You should've not done that. Ang sama mo."
I glared at him pero ang loko-loko tinawanan lang ako.
"You don't know me bitchy nerd."
Naglakad siya papalapit sa akin pero hindi ako umatras. I hate this jerk."Ako lang naman si Gio Drixen Elfaro. The great son of Persephone Alonzo-Elfaro. So I rule here bitch."
Nagtitimpi lang ako sa word na ginagamit niya pero gusto ko nang sumabog. I badly wanted to punch him in the face.
"So? Wala akong pakialam. You're still a jerk. A useless, rude, je-" pero bago pa ako nakatapos sa pagsasalita ay mahigpit na hinawakan ni Gio ang mukha ko. Masakit iyon dahil napakahigpit nito. Medyo galit na rin siya pero di ako nagpatinag.
"Ang lakas ng loob mong pumasok sa eskwelahang ito nang hindi mo man lang kilala si Persephone? Persephone is the owner and the founder of the school. This means I also am the owner of the school. At pwede kitang i-kick out," may pagbabanta niyang sabi sa akin. Pero laking gulat ko nang may humila sa akin.
"Hurt her or you'll regret ever living."
Nanlaki ang mga mata ko nang mahigpit na hinawakan ni Xian ang kamay ko. And what's more surprising ay umatras si Jerk. Napatawa pa siya."Tsk. You should be thankful kasi andyan si CJ. Hindi kita masasaktan," he just gave me a glare at naglakad na papalayo. Pero di pa pala siya tapos, "Why did you even brought the bitch, CJ?"
Hindi pa rin inaalis ni Xian ang kamay niya sa kamay ko, "It's none of your business, Gio."
Napatawa naman si Jerk at naglakad na papaalis. Bago pa ako makakilos upang habulin at tadyakan yung pesteng Jerk na 'yun ay ihinarap ako ni Xian sa kanya. He cupped my face at alala akong tinanong, "Are you ok?"
Shet. Xiaaaan! Umalis ka sa harap ko ngayon din!
Hindi na ako nakasagot lalo na noong humingi siya ng tawad. Yes, he said he's sorry. Eh? Hindi naman niya kasalanan na mainis ako sa Jerk na yun eh. Aangal na sana ako pero hinila na naman niya ako papunta sa dining room. Oo, dining room.
May malaking mesa at may mga pagkain na nakahain sa ibabaw nito.
"Dig in, cherie."A guy who looks familiar was wearing an apron at inilahad sa akin ang mga pagkain sa mesa. I was still figuring out the name of the guy nang kumindat ito sa akin. I just gave him a disgusting look. What a flirt.
BINABASA MO ANG
Meeting My First Love
Ficção Adolescente"I'll wait for you no matter what. Kahit na by that time na babalik ka makalimutan mo ako, okay lang. Kahit na darating rin ang panahon na may mahal ka ng iba. Maghihintay ako. Kasi alam kong tutuparin mo ang pangako mo. " - Danica Venice Lee "Nagug...