Chapter 1: Panimula
Sa buong buhay ko, isa lang talaga ang bagay na di ko makakalimutan. Pero at the same time, ironic kasi parang di ko matandaan.
"Ew don't touch me, nerd!"
Ang taong nagsabi niyan.
"Bakit ba ang pangit mo? Layuan mo nga ako!"
Parang mga nakakasakit na mga salita lamang ang kayang lumabas sa bibig niya.
"Bestfriends na tayo? Weh? Sorry ka! Ayaw kong magkaroon ng pangit na kaibigan!"
Pero bakit kaya ganun? Bakit kaya hindi ko kayang magalit sa kanya?
"An! Ayokong umalis. Magkasama tayo diba? Sabi mo di tayo magkakahiwalay diba? 'Di ba? An!"
Sino siya? Aba, ewan.
"Promise me na magkikita pa tayo paglaki natin ah?"
Bata pa kasi kami noon at tila nakatago sa pinakasulok ng aking utak ang lahat ng memorya ko sa kanya.
"Tapos bestfriends parin tayo"
Bestfriend...
"... Danica Venice Lee."
... ko.
"Tandaan mo yan! Babalik ako! An!"
Kelan ka kaya babalik? Sabi mo babalikan mo ako?
"I promise..."
Nangako ka 'di ba?
"An! Tulala ka na naman? Tara kain tayo ng brownies oh?" napatingin naman ako kay Que. Nakangiti sya sa akin pero nakikita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya sa akin. She's Que Baby de Leon.
"Tama. Masarap pa naman 'to. Siyempre kasi luto ni Mom," pahabol pa ni Sha habang sinusubo ang brownies na nakatusok sa tinidor niya. That one's Sharlene Keith Royale.
"Pero kahit ganun, mas masarap pa rin ang luto ng Mommy ko" taas-noong wika naman ng babaeng nakaupo sa kama ko. Napatawa na lamang ako kay Aya a.k.a Gayle Dee Montreale.
Nagsukatan pa ng tingin sina Sha at Aya nang biglang natatawang itinuro ni Aya ang kanyang daliri kay Que, "And Que left the group!"
Tila natahimik si Que ng ilang segundo bago niya pinatunog ang kanyang mga kamay. Ayaw niya kasing pinag-uusapan ang tungkol sa ina niya.
"Aya!"
And here we go again.
They already did that staring contest again na tumatawa si Aya at napatiim-bagang si Que. Naghari ang katahimikan sa aming apat at nakatingin lang kaming dalawa ni Sha sa kanila habang palihim na inuubos ng brownies sa hugis parisukat na lunchbox na dala ni Sha kanina.
And as expected, they once again did the tickling session. Seryoso, matatawa ka nalang sa kanila. Di mo talaga aakalain na ang lalakas tumawa ng mga ito at may lakas loob pang tumawa sa pamamahay namin.
They were shouting and giggling their souls off kaya nakitawa nalang din kami.
"Mga baliw!" sigaw ko sa dalawa. Napatawa nalang ako sa kabaliwan nila. Pero parang wrong move yata na nagsalita pa ako. Dahan-dahan nila akong tinapunan ng nakakalokong ngiti na parang mga baliw na nakatakas sa mental hospital.
Agad naman akong tumayo nang hinabol ako ni Aya at natatawang tumatakbo papunta kay Sha. "Save me from this crazy brownies-eating monster!"
At ayun nagsitakbuhan na kami habang tumatawa at iniiwasan ang isa't-isa.
By the way, I know it's cliché for me to introduce myself but my name is Danica Venice Lee.
Ang babaeng umaasang babalik pa ang FIRST LOVE niya. I don't know if it's possible but I think I was really in love with him back then.
He is bestfriend back then at siya rin ang unang taong nakakapagpatibok ng puso ko. Unang taong nakakapagpangiti sa akin ng may pagmamahal. Kaso lang umalis sya at iniwan ako. We were kids back then kaya di ko matandaan. I had new friends a year after umalis ang first love slash bestfriend ko noon. At yun ay sina Que, Sha, at Aya. Yun na yata ang pinakamasakit na araw sa aking buhay. Ang makita s'yang umalis at malaman na wala kang magagawa para pigilan s'ya.
It had been years since I last saw him. I was just four years old noon at siya ay five. Now I'm already fifteen, assuming that he's already sixteen. Completers na kami sa Grade 10.
Bakit ba palagi ko na lang iniisip yung batang lalake na first love ko?
Haaay... Ang tanga ko naman.
Nakikilala pa kaya niya ako?
Naaalala pa kaya niya ako?
Kasi ako, hindi ko pa siya nakakalimutan.
"Hay naku talaga, An. Tulala ka na naman!" umiiling na sabi ni Aya. Napapikit na lamang ako nang marealize ko na nakatingin na naman ako sa kawalan.
"Still thinking of him?"
Yes... Sort of.
"Hay nako. Wag ka na ngang mag-alala! I'm pretty sure babalik at babalik din yun! Whoever he was."
Tama... Nangako siya eh.
"Wag mong paasahin Que! Baka nga nakalimutan na nung lalaki na yun eh!" Napasimangot naman ako sa sinabi ni Aya. Napaka nega eh. Umirap na lamang ako.
"Bakit ba ang sobrang bitter mo Aya? Tsk tsk," naiiling na tanong ni Que at umupo sa couch ng bedroom ko.
Umirap si Aya at napasimangot nalang nung makitang naubos na pala yung brownies sa lunchbox. Kinuha niya ang phone niya at mataray na nagsalita, "Kasi ganyan naman talaga ang mga lalaki! Pinapaasa ang mga babae."
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya,"Ha! Bakit? May experience ka na ba?"
Napaiwas agad ng tingin si Aya at mabilis na nagsalita, "D-di no!"
"Asus! Deny pa more! Palibhasa katext itong Drew na to eh!" masiglang sigaw ni Aya habang hawak ang cellphone na Ah. Teka. Sino ba tong Drew na to?"
Nanlaki ang mga mata niya at mabilis naman na inagaw ni Aya ang phone na hawak-hawak ni Sha. Kaya agad kaming napa "oh".
"Uy Aya sino 'yan?" taas-kilay kong tanong sa kanya na may halong malisya. Namula naman yung mukha n'ya which looks pretty adorable.
"A-Ano..." yumuko sya. Natahimik kaming lahat. Waiting for her answer.
"... Fiancé ko."
Parang may anghel na dumaan sa harap namin dahil walang nagsasalita na kahit isa. Tila ina-absorb pa ang impormasyong natanggap galing sa kanya.
"What? May fiancé ka na?Ang bata-bta mo pa para magkaasawa!" napasigaw na si Que dahil na rin siguro sa gulat.
Napanguso naman si Aya, "Ehhhh kasi si Dad eh! In-arrange yung marriage ko! " nagpapadyak sya sa floor na parang batang nagtatantrums.
"Kawawang bata," tinutukso ko siya kaya ayan tinitingnan na ako nang masama.
"Eh parang gusto mo naman siya eh," sabi ni Sha habang nakangiting nakatingin sa hawak-hawak na phone ni Aya.
"Waaaa! Sha! 'Di ba kinuha ko na 'yan galing sa'yo?!" natatarantang kinuha iyon ni Aya. At ayun. Nagkulitan na silang tatlo kaya napaisip ulit ako. Bumabalik na naman ako sa isang paksang matagal nang namamalagi sa puso ko.
Kailan ko kaya makikitang muli ang FIRST LOVE ko?
I sighed. MR. FIRST LOVE KO, kelan ka kaya babalik at tutuparin ang pangako mo?
____________________________________________________________________________
Edited: September 21, 2017, May 15, 2018, November 21, 2018, and May 3, 2019
BINABASA MO ANG
Meeting My First Love
Novela Juvenil"I'll wait for you no matter what. Kahit na by that time na babalik ka makalimutan mo ako, okay lang. Kahit na darating rin ang panahon na may mahal ka ng iba. Maghihintay ako. Kasi alam kong tutuparin mo ang pangako mo. " - Danica Venice Lee "Nagug...