Chapter 9: The Playlist

46 3 0
                                    

*insert (lels ahhaha) I dedicate this chapter to her, Hi beshy! ^_^ for somehow reminding me na mag-update na. _ _" Thanks for inspiring me! Mwah mwah! xD

________________________________________________________________________________

Chapter 9: The Playlist

And yep. Gio's right. Hindi na nga bumalik sina Drew at Aya. At ang mas malala, umalis sina Gio at Sha. Turns out may lakad si Gio kaya ayun, dinamay pati si Sha. Sina Lloyd at Que naman, naiwan sa restaurant. Gusto sanang sumama ni Que noong lumabas na kami kaso parang ayaw siyang paalisin ng walang hiyang si Lloyd. Gutom pa raw siya eh. Kaya ayun. Nagpaiwan yung dalawa sa loob.

Napaismid na lang ako sa iniisip ko. Shet lang. Sobra na akong naiilang...

"Saan mo nga gustong pumunta?" Agad naman akong napalingon kay sungit.

Napairap nalang ako. Ano ba! Nababaliw na ako sa'yo eh! Di mo ko pinapansin the last time around tapos ngayon parang kung sino na tayong close! Ano ba?!

"Wala ka bang planong sumagot? Kanina pa ako tanong ng tanong sa'yo tapos ayaw mo namang sumagot. Tsss It's like I was talking to nothing," inis nyang sabi sa akin kaya napapout nalang ako. Masungit nga di ba?

"Ah eh..." I scratched the back of my head at tsaka ngumiti awkwardly. "Gusto ko sanang manood ng movies... kung okay lang sa'yo." I smiled awkwardly at him.

This is so awkward! Yung tatlo sana yung kasama ko ngayon eh!

Tiningnan nya ako saglit at tsaka nagshrug. "Okay."

Agad nyang hinawakan ang braso ko at tsaka ako hinila. Napapout nalang ulit ako Sa braso talaga eh noh? Why not sa kamay... Ahh... Hehehe pagpasensyahan niyo na ako. Nabaliw lang saglit.

...

Wait...


Habang hawak hawak nya ang arm ko ay hinila ko yung shirt nya.

"Ahm... Isn't the movies that way?" turo ko sa opposite direction ng pupuntahan namin. Tiningnan nya ako with that bored look at his face at tsaka mabilis na nagsalita. "I know." Napanganga nalang ako nung nakita kong nakalabas na kami ng mall.

"T-teka! Sabi mo alam mo? S-saan mo ba ako dadalhin sungit ha?!" Hindi sya sumagot kaya nagpatuloy ako sa pagtanong.

"Sungit! Teka ano ba? Ang gulo mo naman?!" inis kong sabi sa kanya kaya napahinto sya sa paglalakad.

"What?! Kanina pa ako iritang-rita sa'yo. Ang daldal mo. Napakaingay!" And now he's facing me while crossing his arms.

Siya pa talaga ang may ganang mainis? Siya ang nag-invite sa akin na kumain eh! Tapos teka nga...Eh ako naman dapat ang mainis sa kanya ah?!

Napakunot na lang ang noo ko sa ekspresyon nya. I think it's time for me to fight na.

"Bakit ba ang sungit mo ha?!" I raised my eyebrow while crossing my arms. Nakakainis eh!

Umiwas sya ng tingin at tsaka hinawakan ulit ang braso ko. Pero naiinis na ako sa kanya kaya hinila ko pabalik ang braso ko at pinaharap siya sa akin.

"Ano ba! Diretsuhin mo na nga ako! Galit ka ba sa akin? Ano bang nagawa ko sa'yo ha? Wala naman diba?" Saglit nya akong tiningnan pero di sya sumagot. Okay! Kung ayaw nyang magsalita edi fine.

Tatalikod na sana ako pero hinawakan niya yung braso ko at hinarap ako sa kanya.

"Look. I'm just not in the mood... Sorry..." napatingin ako sa kanya pagkatapos nya yung sabihin. I was silent for a couple of seconds pero napabuntong-hininga nalang ako. I nodded and took a deep breath. Ngumiti ako sa kanya at masiglang nagtanong. No. Let me rephrase that. Ngumiti ako sa kanya ng PILIT at masiglang nagtanong.

Meeting My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon