Salamat sa lahat

543 3 0
                                    

Mahal, kamusta ka na?
Sana nasa masaya ka ngayon.
Alam mo, miss na kita pero alam kong nakalimutan mo na ako.
Pero sana hindi mo malimutan yung mga araw na naging masaya ka sa piling ko.

Sana hindi ka na lang bumitaw para hanggang ngayon hindi ako nag hihirap ng ganto.
Pero nag sawa ka na eh, pasensya sa lahat ng pagkukulang at pagkakamali ko.

Wag kang mag-alala. Hindi na kita gagambalain pa. Pasensya na sa abala. Simula ngayon, sasanayin ko ng wala ka. Dahil kung kaya mo, kakayanin ko. Mag-iingat ka palagi at tandaan mo na hindi nagbago ang tingin ko sayo dahil minahal kita ng buo. Maraming salamat sa lahat ng mga masasayang alaalang dinulot mo.

Random WorksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon