Nang dahil sa’yo nakalikha ako ng kanta
Kahit sintunado nadarama kong mahal na mahal kita
Nang dahil sa’yo nag iba ang tema ng aking tula
Nabigyang buhay ito sa pagmamahal mong ipinadaramaNang dahil sa’yo napunan ng ngiti ang malungkot kong mundo
Napalitan ng ngiti ang bawat patak ng luha ko
Nang dahil sa’yo natuto akong maniwala sa sarili ko
Sapagkat alam kong ikaw ay nariyan upang damayan akoNang dahil sa’yo alam ko kaya ko ang bawat pagsubok
Magkalayo man naniniwala ako na ika’y naghihintay na makasama ako
Nang dahil sa’yo natutunan kong magpahalaga sa bawat minuto
Sapagkat sa bawat oras na ika’y nais makapiling
Hindi ko magawa dahil sa magkalayo nating mundoNang dahil sa’yo natutunan kong magtiwala
Sapagkat bawat oras ipinadama mo sa akin na ako’y mahalaga
Nang dahil sa’yo napunan ako ng walang humpay na pagmamahal
Sapagkat ikaw ay isa sa mga biyaya sa aking buhay ng ating Maykapal.