Naaalala mo pa ba?

455 3 0
                                    

Naaalala mo pa ba nang minsan tayo'y nagkita?
Nagkadikit ang ating mga kamay, nagkatinginan ang ating mga mata,
Hanggang mahulog ako sayo nang hindi ko alam kung paano,
Minsan ko lang maramdaman ang bagay na ito,
Ang mabigyan kulay ang buhay na ito,
Ngunit hindi ka nagging matatag,
Sa hamon ng buhay, ika'y hindi pumalag.
Habang ang puso ko'y laging nababagabag,
Sa tuwing iniisip na sa utos ko'y ika'y lumabag.
Sa tuwing iniisip ay lumuluha ang mata,
Iniisip na mahal pa rin kita, "Hindi kita iiwan aking sinta".
Ngunit bakit nagtapos ito sa mapait na alaala.

Mahal, naalala mo pa ba nung tayo pa?
Yung pagmamahalan nating sobrang saya,
Na bawat araw ay mas lalo mo itong pinadadama,
Pero ngayon anong nangyari sa ating dalawa?
Ang dating tayo ay isa na lang alaala,
Alaala noong tayo ay masaya pa,
Pagmamahalan na winalang bahala mo na,
Masakit man ngunit kailangan tanggapin na wala na talaga.
Hindi ko gustong ika'y mawala, ngunit ngayon ay nawala kang parang bula,
Pangako mo'y mananatili ka, at dahil doon maghihintay ako sayo at aasa.
Masakit man isipin, ngunit kailangan tanggapin,
Pagmamahal mo ngayon ay parang butuin, na kay hirap nang abutin.

Random WorksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon