Gusto kong sumulat ng tula para sayo,
Tungkol sa lahat ng magagandang alaala na idinulot mo,
Pero naisip ko...
Mahal kita pero pagod na ako.
Mahal kita pero masakit na, lagi na lang ganto.
Walang hinto ang pag dududa at pananakit mo,
Pananakit gamit ang talas ng iyong mga salita,
Na para bang lahat ng lumalabas dyan ay puro hinala.
Iba pala ang ibig sabihin ng pagmamahal mo.
Pahiram lang pala sakin lahat ng alaala mo.
Mahal mo ako dahil ayaw mo nang maiwan,
Mahal mo ako sa kadahilang alam mong hindi kita sasaktan,
Mahal mo ako dahil alam mong ibibigay ko ang lahat sa iyo,
Na susungkitin ko ang mga tala sa kalangitan para magdulot ng ngiti sa labi mo,
Na isusulat kita ng tula kung saan ikaw ay isang perpektong nilalang.
At ako naman itong martir na sige ayos lang kahit saktan mo ako.
Ako naman itong si tanga na kahit nahihirapan na pinapag-patuloy parin ang buhay sayo.
Oo ganyan kita kamahal,
Ganyan kita pinahalagahan,
Ganyan kita inunawa,
Ganyan kita pinagbigyan
At ganito kita palalayain,
Papalayain na kita sa mga kamay ko na ako na lamang ang kumakapit,
Papalayain na kita sa pagmamahal kong ako na lang ang nag-pipilit.
At papalayain na kita tulad ng iyong gustong makamit.
Ito na ang huling beses na mag aaksaya ako ng papel at tinta
Ito na ang huling beses na magiging parte ka ng aking mundo ko at ng aking mga tula.
Kaya paalam na sa iyo, aking mahal.
Dahil aaliwin ko muna ang makatang nasa loob ko na pinatay mo.