Chapter 1 :)

133 4 0
                                    

Third Person POV

Nakaupo lang si Cielo habang pinapanuod ang balita tungkol sa kanya sa TV. Kalmado ngunit masasabi mong hindi niya nagugustuhan ang takbo ng career niya ngayon dahil sa issue na kinasangkutan niya nitong mga nagkaraang araw. Maya-maya pa'y pumasok na sa silid ang manager niya.

"Napanuod mo na pala ang interview niya. Pinagsabihan na kita dati, mahirap masangkot sa isang relasyon lalo na't nasa showbiz ka" sabi ng manager niya.

Hindi lumingon ngunit sumagot rin si Cielo. "Hindi lang naman ako ang nasa showbiz, pati siya".

Bumuntong hininga lang ang kanyang manager bago muling nagsalita, "Tama ka, nasa showbiz rin siya kung kaya ganon na lang pagpyestahan ang issue nyong dalawa. Mainit ang mga mata ng publiko ngayon sa inyo, sa'yo. Concern lang ako sa'yo at sa grupo".

"I understand. Salamat sa concern", sagot ni Cielo at bahagyang ngumiti.

"Pwede kang ma-kickout sa grupo dahil sa issue na 'yun. Mahirap 'to. 'Dating Issue' ang kinasangkutan mo. Alalahanin mo Cielo, isa kang idol sa boy group". Tumikhim muna siya, "Opinion ng mga fans ang kalaban mo dito".

"Yun na nga e", matipid na sagot niya.

"Anong plano mo ngayon?"

"Gusto ko munang lumayo. Papalamigin ko muna ang pangalan ko."

"Sige, ako muna ang bahala sa Talent Agency. Gagawan natin ng paraan ang pag-leave mo. Kami na rin ang bahala sa mga reporters. Isa pa, matatagalan pa ang next comeback ng grupo dahil kakarelease lang ng bago nyong album", diri-diretsong sabi ng manager.

"Okay. Tawagan nyo nalang ako if maayos na ang lahat para makaalis na ako", sagot ni Cielo bago tuluyang tumayo.

"Pa-assist na kita sa mga bodyguards natin. Madaming reporters ang nag-aabang sa labas ng building. Mag-iingat ka", payo ng manager nya.

"Thanks", sagot niya saka lumabas ng silid kasabay ang apat na bodyguards.

Cielo POV

Nagmamaneho ako ngayon pauwi sa condo unit ko. Wala na akong ibang maisip gawin kundi ang magmukmok sa kwarto. Gulong-gulo and isip ko pero kahit papaano, nakakapag-isip pa naman ng maayos.

Pagkarating ko sa unit ko ay agad akong nahiga sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame ng ilang minuto.

'Ang sakit-sakit talaga. Ganon pala ang pakiramdam'

Kinapa ko ang cellphone ko mula sa bulsa at napatitig sa screen nito. Hindi ko pa pala napapalitan ang wallpaper ko. Oo, masakit makita ang mukha ng taong nakasakit sa'yo lalo na't mahal mo pa rin siya. Hindi ko lang lubos maisip na sa dinami-dami ng tao sa mundo, kung sino pa yung seryoso, siya pa yung naloloko. At isa na'ko don.

'Hayyyy.. Ang gulo na.'

Ang hirap maging celebrity pero mahal ko talaga ang musika kaya ako narito. Nagsimula akong maging isang trainew sa isang talent agency simula nung 10 years old pa lamang ako at simula nun, minsan nalang ako umuwi sa'min at minsan ko nalang rin nakakasama ang family ko. May business kami dito kaya okay lang sa parents ko na maiwan ako sa lugar na 'to dahil monitored naman ako ng mga tauhan nila at may malalayong relatives rin naman kami. Sila ang nagsilbing mata ng parents ko dito. Marami namang means of communication pero dahil sa sobrang hectic ng sched ko at sched nila mom at dad, halos di na kami nakakapag-usap. I was wondering if they're aware of what happened to me.

Nasa kalagitnaan ako ng aking pagmumuni-muni nang mapatawag si Manager Kwon.

"Yoboseyo?" bati ko.

"O Cielo, nagawan na namin ng paraan ang leave mo. Magpapalabas kami ng presscon next week. Pwede ka nang magbakasyon. Kami nalang muna ang bahala rito. San mo gustong pumunta? Sa Jeju? Marerelax ang isip mo 'dun", sabi ni Manager Kwon.

"Thanks for the suggestion Manager Kwon but I decided to go home", sagot ko. Narinig kong napalunok siya sa sinabi ko.

"Parang ang layo naman 'nun? Out of the country 'yun Cielo".

"Na miss ko lang po ang family ko", sagot ko.

"Sige, ibo-book kita ng ticket. Sabihin mo lang kung kailan mo gusto".

"Ako nalang po. Kaya ko na".

"Hindi pwede Cielo, Kami na ang bahala. Pinangangalagaan lang talaga namin ang image mo. Mahirap na kung pati ang plano mong pag-uwi ay malalaman ng nga fans mo. Take note, ibang bansa 'yun, masasaktan sila. Iisipin nilang baka hindi ka na bumalik", bakas sa tono niya ang pag-aalala.

"Sige po, kayong bahala. Baka next two days, may aayusin pa po kasi ako saka para na rin makapagbonding kami ng grupo ko".

"Okay sige. San ka ba ngayon?".

"Nasa Condo ko".

"Bakit? Ayaw mo bang umuwi sa dorm nyo? Okay sige, sige. Magpahinga ka na", sabi ni Manager Kwon bago pinutol ang linya.

KINABUKASAN...

Nagising ako dahil sa tunog ng doorbell. Hindi ko na tinignan sa monitor kung sino man ang nasa labas basta binuksan ko lang ang pinto dahil antok na antok ako.

"DAD?!", gulat na tanong ko.

"You look surprised. Well, you don't have to be Cielo". Nakangiti si Dad sakin at hinawakan nya ako sa magkabilang balikat saka nagsalita.

"I saw the news. I don't know the whole story but I don't believe it."

"Thanks dad".

'Salamat! Akala ko sesermonan na ako'

Dumiretso siya sa loob ng condo unit ko pero naiwan sa labas ang kanyang mga bodyguards. Naupo kami sa sofa at napag-usapan namin ng tungkol sa nangyari at ang plano kung pag-uwi sa bansa namin.

Maya-maya pa'y dumating si Mr. Sanchez. Katiwala ni dad sa business namin dito tsaka taga monitor rin sakin.

"Sir, nakahanda na po ang tickets para sa flight nyo bukas", sabi niya kay Dad.

"Mabuti naman. San na ba yung mga pipirmahan ko?", tanong sa kanya ni Dad.

"Eto, dala ko po. Tsaka Sir, yung appointment nyo po this day kay Mr. Jong Suk, after 30 min na po yun", paalala ni Mr. Sanchez.

"Alright! Pakisingit nalang din sa sched ko for this day ang appointment ko with his manager", sabi ni Dad sabay turo sakin.

"What?! Bakit naman dad? No need na po 'yun", maktol ko.

"I am your father Cielo. It's normal. Kukumustahin ko lang siya, ang lagay ng career mo at ang grupo nyo", nakangiti siyang tumingin sakin. Nakahinga naman ako ng maluwag pagakasabi niya 'non. "So see you later son, I'll just call you. I have to go now", paalam in dad. Bahagya niya pang tinapik ang balikat ko bago tumayo at naglakad papunta sa pintuan.

I shook my head. Uuwi na ako agad ako bukas. Ang bilis.

'Now I need to get ready'

His Sweet Revenge (MinTzu Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon