Chapter 6 :)

34 3 3
                                    

Elena POV

"Where is she now?", tanong ko sa driver ko.

"Kakahatid lang po namin sa dorm nila ma'am", sagot niya.

"May iba pa ba siyang pinuntahan?".

"Yes ma'am. Dumaan po kami sa Lily's Coffee and Sweets", sagot ng driver ko. "Nagpabili po siya ng cake".

"Ah, okay. Hindi pa rin siya nagbabago, mahilig pa rin siya sa sweets".

"Opo ma'am. Paborito ho talaga ni ma'am Janella ang cakes sa Liliy's".

Napangiti ako bigla. "Nagmana ho talaga sakin manong no?".

"Ay opo ma'am. Haha! At mabait rin pong bata ang anak nyo".

"Hayy.. Napakaswerte ko sa anak kong 'yun kahit di ko masyado natutukan ang paglaki niya".

"Okay lang po yan ma'am. Bawiin nyo nalang po ngayong nandito na po kayo ulit", sabi niya.

"Oo nga manong", sagot ko.

Medyo matagal rin akong nawala dito. Ilang taon akong nag-asikaso ng negosyo namin sa Japan. Madalang ako'ng umuwi dito sa Pilipinas. Simula nung sampung taon pa lamang ang aking unica hija ay dun na ako namalagi kung kaya't ang daddy niya ang kasama niya simula nang magdalaga siya.

Pagkadating ko sa masyon ay naabutan ko ang asawa ko sa sala.

"Hi hon! Konbanwa, kanina ka pa?", tanong ko.

"Kakarating ko lang hon. San ka galing?", tanong niya.

"Pumunta ako ng shipyard. Chineck ko kung nadiskarga na 'yung pinaship nating products galing Japan".

"Ah, mabuti hon. Kamusta naman? Sabi ni Nana Nita, galing daw rito si Janella".

"Ah, yes hon. Pinapunta ko siya. I missed her so much", sabi ko. "Dalaga na ang baby natin".

"It's ok hon. Mas magkakaroon ka na ng time ngayon sa kanya", sabi ng asawa ko. Ipinatong niya ang ulo ko sa balikat niya.

Nanatili kami sa ganung posisyon ng ilang segundo. Maya-maya ...

"Ma'am, Sir. May bisita po kayo", sabi ni Nana Nita.

"Sino raw? Anong sadya?", tanong ng asawa ko. "Are you expecting somebody?", bungad niya sakin.

"No", sagot ko.

"Matalik na kaibigan nyo raw siya ma'am", sabi ni Nana Nita. "Marissa Robina daw po'ng pangalan niya".

Bigla akong umalis sa pagkakasandal sa asawa ko. "Oh my gosh! Si Marissa?", sigaw ko sa tuwa.

Agad akong nagtatakbo palabas ng bahay para salubungin siya.

'Magkikita na rin tayo sa wakas Marissa'

Janella POV

"Hmn! Oishii!", bulong ko sa sarili ko habang tinitikman yung strawberry frosting ng cake.

'Eto talagang kailangan ko e.. Nakakawala ng pagod. Ang saraaaaap!'

Humiwa ako ng dalawang slice ng cake saka kinain 'yon. Wala ngayon sa kwarto namin si Trish. Hindi ko alam kung san pumunta. Pagkatapos kasi ng practice ko ay pinasundo agad ako ni Mama sa school. Ang nakakainis dun ay sinundo talaga ako ni Mr. Tanaka sa labas ng dorm.

'Aish.. Alam niya naman na hindi ako nagpapasundo sa dorm e. Dapat hinintay nalang nila ako ni Manong sa parking. Baka may makakita pa sa'min. Patay ako'

His Sweet Revenge (MinTzu Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon