Chapter 10 :)

28 3 0
                                    

Cielo POV

Nagsimula na ang program at Arts department ang unang nagperform simula sa Doxology. I was wondering if san banda sila Mom at Dad. Tinext ko sila, tinanong kung pwede ba akong lumipat ng seat malapit sa kanila at nagreply naman sila. Nasa right wing pala sila. Malapit rin sa stage.

Kinalabit ko si Dom. "Dom, mauna ako ha. Hinahanap kasi ako nila Dad. Kita nalang tayo mamaya", paalam ko sa kanya.

"Ah, ganun ba. Sige. Kita-kits nalang", sagot niya. Sumenyas nalang ako sa mga kasama niya at tumango sila bilang tugon.

Akmang tatayo na sana ako kaso biglang nagsalita ang speaker at nag-umpisa nang tumugtog ang orchestra. Nandun si Cian sa may gitna, tumutugtog ng piano. Nakakorteng arko ang kabuoan ng porma nila. Concentrate ang lahat ng audience ganun na rin sila Cian. Medyo matagal ang performance nila kaya pinili ko nalang mag-stay sa kinauupuan ko at manuod.

'Ang galing-galing'

Medyo madami nga pala sila. Violins, viola, cello, at madami pa basta yun lang ang kilala kung instruments dun sa mga humahawak ng strings. Nag-iisa lang na nagpi-piano si Cian kaya bukod tangi siya.

'Cian. Cian. Cian. Ang laki-laki na ng pinagbago mo, sobrang galing mo na'

Nang matapos ang tugtog nila ay nagdesisyon akong pumunta na kina Mommy. Binilisan ko ang lakad ko para maabutan ko pa ang next performance nila. At nakaabot nga ako. Pinaupo ako ni Daddy sa tabi niyang seat.

'Ayos! Mas malapit at mas klaro pala rito'

May mga exhibition silang ginawa. Bawat grupo ng klase ng instrument ay may solo performance, kapag violins, violins lang. Medyo na bored ako pero not until nagperform ang mga nagce-cello. Gustong-gusto ko kasi ang cello simula pagkabata kaya na-fascinate ako. Nakaisang minuto na silang tumutugtog nang bigla kong nakita si bespren! Ay este yung bestfriend pala ni Cian. Nawala bigla yung boredom ko. Nasa pinaunahan siya.

'Ms. Simple spotted. Good thing, no more band aid'

Nakasuot siya ng simple black dress at may pearl na neckclace. Nakalugay lang pero naka-slight curl ang buhok niya. Maganda tignan. Perfect sa maamo niyang mukha. Pinagmasdan ko siyang maigi hanggang matapos.

Pagkatapos ng performance ng iba ay muling tumugtog si Cian, si Cian lang, solo performance. Pinakita ni Cian sa paraan ng pagtugtog niya kung bakit siya hinirang na pinakamagaling sa piano ng RASMA. Marami ang bumilib. Kinalaunan ay sumabay narin si Janella. Naging duo ang performance na 'yun. Piano at Cello. Sobrang galing rin ni Janella lalo na nung huminto na si Cian at siya nalang ang tumutugtog. Hindi basta-basta ang mga adlibs niya. Kaya't marami rin ang nalaglagan ng panga. At kasali na ako dun.

'Grabe! Nakakaamaze sila!'

Janella POV

"Ang galing-galing ng routine mo kanina Ella!!!!", puri sakin ng mga kakaklase ko nang magkita kami sa labas ng Diamond theater.

"Salamat. Hehe", sagot ko. Panay ang yuko ko dahil nahihiya ako.

Agad akong umalis sa kumpol ng estudyante sa labas. Balak kong magpalit ng damit dun sa dorm kaya nagmadali akong maglakad papunta 'ron. Nakita ko sa may bench malapit sa building ng dorm namin si Mr. Tanaka. Tumayo agad siya ng makita ako.

'Ano na namang pakay mo Tanaka?'

"Ms. Janella", bati niya.

"Oh? Ba't nandito ka?", tanong ko.

"Pinapatawag po kayo ni Ma'am Elena", paunang sabi niya. "Wag na raw po kayong magpapalit ng damit."

"Doshite?", tanong ko. Nagtataka lang ako ba't biglaan ang pagpapatawag sakin ni Mama. (doshite: Japanese for Why?)

"May malaking meeting po si Chairman  at malaki po ang gagampanan nyong papel sa meeting na iyon...", sagot ni Tanaka. "... bilang nag-iisang anak niya", dugtong niya.

"Ganon ba? Kasama ba si Mama?", tanong ko.

Tumango siya. "Naghihintay sila sa taas, sa opisina niya", sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Uy, wag mo naman akong ibulgar dito. Aishh! Walang nakakaalam Mr. Tanaka' at ayokong may makaalam", sabi ko sa kanya. "Dahan-dahan ka sa sinasabi mo, baka may makarinig", dagdag ko.

"Opo Ms. Janella pero darating din naman ang panahon na malalaman ng lahat".

"Oo nga pero wag naman sana ngayon", sagot ko sa kanya.

"Sige po. Halina po kayo Ms. Janella", alok niya.

"Sige, mauna ka na. Susunod lang ako. May kukunin lang ako sa taas", utos ko sa kanya.

"Pero sabi po ni Ms. Elena ay hintayin kayo".

"Hintayin nyo ako dun. Sige na. Akong bahala kay mama. Sayounara!", sabi ko sa kanya sabay takbo papunta sa building. Wala akong kakeme-keme kahit nakadress ako.

Pagkadating ko sa room namin agad kong sinilip sa bintana si Tanaka kung umalis na ba o hindi. At umalis na nga!

'Hay! Salamat!!!'

Huminga ako ng malalim. Parang kinakabahan ako. Ramdam kong may mangyayaring hindi maganda o hindi ko inaasahan ngayon. Pero dahil utos ni Chichi 'yon ay wala akong magagawa kundi sumunod.

Kinuha ko ang purse ko at umalis na. Pagkababa ko sa building namin ay dumiretso na ako sa building kung saan ang opisina ni Chichi. Pero di paman ako nakakarating ay may nakabangga ako.

"Aishhh.. that hurts!", reklamo niya. Hawak-hawak niya ang isang paa niya.

Iritable akong tiningnan siya pero nakayuko siya. "Hurts? E ikaw lang ba? Ang sakit kaya ng 'babalu' mo. Pwede nang ipambutas ng donut sa tulis!", reklamo ko pero nakayuko rin ako dahil hinihimas ko yung ulo kung nabangga sa baba niya. Nakita kong lumapit siya, pero paa niya lang ang nakikita ko.

"Anong matulis?", tanong niya. Pamilyar na boses ang narinig ko. Kaya unti-unti akong tumingala.

"Cia--", biglang naputol yung sasabihin ko nang sumingit siya.

Nagkibit-balikat siya bago nagsalita, "Cielo. I'm Cielo. Cian's twin brother".

His Sweet Revenge (MinTzu Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon