Part 17 :)

34 2 0
                                    

Cielo POV

Bandang hapon na ng matapos ang picnic namin. Nagligpit at bumalik din kami sa resthouse nila Dom. Mukhang pagod ang lahat kaya yung iba ay natulog muna para makapag pahinga galing sa mahabang byahe at mahaba-habang kulitan. Siyempre magkaiba ang kwarto ng babae sa lalake. Samantalang ako naman ay nakaidlip lang sa sofa.

Nang maalimpungatan ako ay nagplano akong lumabas para magpahangin. 'Hay salamat naman at kahit papaano, di ko masyado naiisip yung mga problema ko.'  Naisip ko.

Janella POV

'Beep'. Nag vibrate yung phone at tinignan ko agad kung sino ang nag message.

From: Mr. Tanaka

Miss Ella, maari po ba kayong lumabas saglit?

To: Mr. Tanaka

Ay sige po. Saglit lang.. lalabas na ako

Sent!

Tulog pa sila kaya kinuha ko ang aking hoodie at palihim na lumabas. Mabilis akong tumakbo papunta sa gate. Nag aantay ang kotse nila Mr. Tanaka sa bandang unahan.

"Miss Ella, magpapaalam na po kami. Mukhang maayos naman ho ang lagay niyo diyan. Ang sabi po ni Sir ay okay na raw na umalis kami"

"Hay salamat! Hehe! Naunawaan rin! Sige po Mr. Tanaka, ingat po kayo!"

"Kayo rin po Miss Ella! Sige, enjoy !"

"Oh sige na. Baka hanapin na nila ako don" , huling paalam ko.

Umalis na sila Mr. Tanaka at dali-dali naman akong pumasok sa gate. "Hayyy! Sa wakas! I'm freeeee!!" Usal ko.

"Ehem!"

O_o
'Cielo?'

Nabigla ako nang may sumabay sakin sa paglalakad. Ang buong akala ko kasi ay natutulog ang lahat. 'Hala? san kaya siya galing?'

"O-oh? Ikaw pala yan! San ka galing?" Tanong ko.

"Hmm.. diyan lang sa tabi-tabi, nagpahangin" sagot niya. Ikaw ba?"

"H-ha?" Utal kong sagot. Tumango lang siya. "Hmm.. sa labas"

O.o
'Patay! Anong klaseng sagot yan Ella!?'

"Anong ginawa mo sa labas?"

"Basta."

"Hmmm... okay."

'Salamat! Safe!'

"Papasok kana ba agad sa loob?" Ulit niyang tanong.

"Siguro? Bakit?"

"Wala lang, teka kaano-ano mo ba yung naka-kotse?", dagdag niya.

O_o
wat-da-effff...

"Hoy? Nakita mo?!", napabulyaw ako sa gulat. Dali-dali ko siyang hinigit papunta sa may garden. "Mag-usap muna tayo. Saglit lang.. "

Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin. "Okay, relax", sagot niya.

May table at upuan sa gilid ng garden at doon kami naupo. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Okay, anong nakita mo?", ulit kong tanong sa kanya.

"Ikaw na may kausap na lalaking naka suit and tie"

"Tapos?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Sweet Revenge (MinTzu Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon