Chapter 16 :)

38 2 0
                                    

Janella POV

"Oh? Anong nagyari sa inyo? Hahaha", tanong ni Trish samin ni Cielo.

Nagkatinginan muna kami ni Cielo at sabay na napa-smirk. "Hehe. Naglalaro lang kami. Si Cielo kasi e", sagot ko sabay turo kay Cielo.

"Ohhh anong ako?! E ikaw kaya ang nanguna", depensa ni Cielo. Agad naman akong natahimik.

"Hahaha! Ang cute niyo", sabi ni Trish. "Ehem", pahabol niya sabay sulyap sakin.

'nanunukso ang tingin ng babaita'

Napatingin si Cian sakin nang nakangiti sabay talikod samin. Wala man lang imik at sobrang nanibago ako.

"Tayo na diyan". Biglang naputol ang iniisip ko ng ialok ni Cielo ang kamay niya para tulungan akong tumayo. Nakangiti siya. Medyo nalungkot naman ako dahil sa inasta ni Cian. Dumiretso siya sa tent at nag-ayos rin ng mga dala nila. Naglakad naman kami palapit sa lake ni Cielo para maghugas.

"Bigla ka atang natahimik?", tanong ni Cielo habang naghihilamos.

Ngumiti lang ako. Ayokong sabihin sa kanya na nalulungkot ako dahil mukhang masaya si Cian na magkalapit kami ni Cielo. Iniisip ko kasi na malulungkot siya kapag may ka-close akong iba. Pero hindi e.

"Ang ganda dito no?", tanong ulit ni Cielo.

"A-ah, oo. Sobra", tugon ko.

"Kasing ganda mo", dugtong niya. Agad naman akong napatingin sa kanya. Ang lawak ng ngiti niya pero iniwas niya naman din agad 'yon.

"Tss", usal ko. Ang gwapo niya ulet dahil natanggal na yung mga dumi sa mukha niya. Magkamukha talaga sila ni Cian sobra. Nagkaiba lang sa style ng buhok at personality.

Naka-sideview siya ngayon, abala pa rin sa paghihilamos. Aaminin ko, ang sarap sa tenga ng mga sinabi niya.

"Hmm. May natira pang dumi sa pisngi mo", sabi ko sa kanya.

"A-ah. Hahahaha! Ganon ba? San ba? Dito? Dito?", tanong niya sakin habang hinihilod ang pisngi niya.

Tumango lang ako. At nagpatuloy sa paghilamos ng mukha ko. Maya-maya'y umalis na siya at bumalik sa tent.

'tss. Di man lang nagpaalam'

Pagkatapos kung maghilamos ay agad rin akong bumalik sa tent namin.

Cian POV

Napakamot ako sa ulo nang mabasa ang text message ni Mommy. Isinilid ko agad ang phone ko sa bulsa at binalewala kung ano man yung nabasa ko.

Andito nga pala kami ngayon sa gilid ng lake. Maganda ang klima ngayon. Masasabi mong magtatanghali na pero hindi mainit. Abala kami nina Dom at Ella sa pag-iihaw ng barbeque. Habang si Trish naman ay inaayos ang mga hapag kainan. Si Cielo naman, ayun... ala master's chef sa paghahanda ng salad niya. Simula pagkabata hilig niya nang magluto kaya hindi na ako magtataka.

*chump-chump*

"Voila!!"

Bigla kaming napalingon sa kanya.

"W-what?", inosenteng tanong niya with matching wide smile.

Napa-smirk lang ako. Habang ang iba ay in shock pa. Hindi kasi nila alam na may ihihahanda si Cielo. Agad lumapit si Trish sa kanya.

"Uy! Ano 'yan? Mukha masarap ah!", sabi ni Trish.

"Patingin nga!", agad sumunod si Ella. "Whoah!", she exclaimed in excitement. "Oh, yan ba yun.. yung.. ", pilit niyang inaalala yung pangalan ng inihanda ni Cielo. "Aish! Basta gumagawa din ng ganyan si Mama noon", masayang dugtong niya.

"Really?", tanong ni Cielo sa kanya.

Tumango lang si Ella. "Na miss ko yan. Buti naisipan mong gumawa niyan."

"So dapat mo pala akong pasalamatan ngayon", nakangiting sagot ni Cielo.

Biglang kumunot ang noo ni Ella, "Hmm. Siguro?"

"Sige. Gagawan kita nito lagi", sagot ni Cielo na ikinagulat ko.

'Huh? Gagawan? Nasa katinuan kaya 'tong kakambal ko?'

Sa pagkakakilala ko kasi kay Cielo, siya yung habulin ng girls kahit nung mga bata pa kami pero di nagpapakita ng interes yan kahit crush niya pa. Kaya medyo nagulat ako.

"Ehem!", singit ni Trish. "Hindi salads ang paborito niyan Cielo".

"E, ano?", mabilis na tanong ni Cielo.

"Uyyyyyyy... interesadong malaman. Hahahahahahahah!!", tukso ni Trish.

"H-Huh? Malamasang magtanong?", depensa ni Cielo.

"Wala akong sinabe. Pero, uyyyy.. curious... HAHAHA!", sagot ni Trish.

"Tumahimik ka nga Trish! Ikaw talaga", saway sa kanya ni Ella. "Dom oh! 'tong girlfriend mo!", sumbong niya kay Dom.

"Halika nga rito baby!", tawag ni Dom kay Trish. "Nakakagulo ka lang diyan e! Hahaha!"

Mukhang pinagsakluban ng langit ang mukha ni Ella. "Humanda kayong dalawa sakin mamaya!" , banta niya sa love birds nang makalapit siya dito samin.

"Tsus! Pero kinilig ka naman!", sabi ni Trish.

"Nooooooo", tanggi ni Ella. "Malabo"

"Kunyari pa".

"Ang kulit mo Trish".

"Ehehehehehe!", mapanuksong tawa ni Trish.

'Ang ingay nila'

"Enough. Come on let's eat", sabi ko at sumunod naman sila.

His Sweet Revenge (MinTzu Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon