Chapter 4 :)

40 4 0
                                    

Janella POV

Monday..

'Sshhh~ plok! Sshhh~ plok'

"Huyy!!", sigaw ni Trish sa mismong mukha ko.

"H-hah?", tanong ko.

"Kanina mo pa pinaglalaruang 'yang soup mo. May iniisip ka ba?".

"Ako? Iniisip? W-wala naman.. basta wala", sagot ko pero mukhang hindi siya nakombinsi. "Ah-he.. trip ko lang talaga paglaruan 'to. Ano ka ba."

"Ayos yan.. paglaruan ang pagkain. Lakas ng trip. Kumain ka na nga. Umaandar na naman yang sayad mo e", patangu-tango niyang sabi.

"Grabe naman 'to", sabi ko saka pinagpatuloy ang pag kain.

"Sige girl. Una na'ko ha. May dress rehersal kami ngayon e. Hehe", paalam ni Trish.

"Sige", sagot ko.

Pumunta na ako sa room namin pagkatapos. Himala at hindi ako late. Kakalahati na ang estudyanteng nasa loob.

'Good job Janella, good job. Araw-arawin mo na'

E pano ba naman? Hindi masyado akong nakatulog kagabi sa kakamemorize ng mga nota sa pyesa ko para sa School's Foundation Day. May solo performance kasi ako.

'Hayst. Ang hirap maging magaling. Tsk. Tsk. In demand ang lola nyo'. Kung hindi nga lang talaga required.. tss. Naku-naku-naku Janellaaaa!!'

Maya-maya pa'y..

"Good Morning class", bati ni Miss Maitha.

Nagsitayuan lahat. "Good Morning Miss".

"Okay. You may sit down". Agad siyang nagcheck ng attendance. Medyo lumilipad parin ang utak ko kaya hindi ko napansing hindi pa pala dumadating si Cian.

"Miss Akio?", tawag sakin ni Miss.

"Yes mam?", nakangiting sagot ko.

"Good you're not late".

"Yes ma'am. Thank you. To God be the glory. Hehe"

"Yes, you should be glad..", sabi ni Miss. At unti-unting lumalaki yung mga mata niya. "Cause if you'll be late again. I'll let Ms. Montemayor to do disciplinary action about this behavior", sabi niya at sarkastikong ngumiti.

'Grr. Ansarap dukitin ng mata mo ma'am. Pramis.. Hehe!'

Miss Montemayor. School's Guidance Councilor. Mabait at matandang laon. Hahaha!

"Y-yes ma'am", sagot ko.

"Hm", tugon niya.

'Bahala ka sa buhay mo mem' basta wag mo lang ako isumbong sa kanya kasi it's a big NOOOOOOOO! Baka isumbong niya ako kay Chichi!' *cries*

"Okay Miss Akio. Do you know where Mr. Leviste is?"

Awtomatiko akong napalingon sa tabi ko. Wala nga siya.

'BLAAAAGG!'

"I'm sorry I'm late ma'am", biglang singit ni Cian. Kakarating niya lang. Andun siya sa may pintuan.

Huminga muna ng malalim si Miss Maitha. "Okay. You may go to your seat", sabi niya at dumiretso na si Cian sa desk niya.

'Tch. Yun lang? Di niya papagalitan? Unfair ka mem ha!'

Lecture.

Lecture.

Break.

Hindi pa ako tapos sa sinusulat ko nang napansin kong una nang lumabas ng room si Cian. So, sinara ko ang notes ko saka dali-daling humabol sa kanya sa labas ng room.

"Hoy Leviste! Iniiwan mo na ako ngayon ha!", sabi ko sa kanya nang makahabol ako.

Nagsmirk lang siya. "Kailan ba kita hinintay?"

'Kailan ba kita hinitay?'

'Kailan ba kita hinitay?'

'Kailan ba kita hinitay?'

'Sheks! Ansakit naman nun. *cries* Wala talaga siyang puso! Boset siya'

"A-ah eh.. Oo nga! Ang bobo ko talaga! Hahahaha!", tawa ko. "Bakit ka late Mr. Leviste? First time mo atang na-late?'

"Hmm.. sa bahay pa kasi ako galing e"

"Wow! Hindi ka pala bumalik sa dorm kagabi at gusto mo na ngayon sa bahay nyo?!", sabi ko.

Tumango naman siya. Wow. First time 'to te! He like to stay sa kanila. Anyare?

"Kompleto kami e", nakangising sagot niya.

"I see", patangu-tango lang ako. I can say he's happy. I mean, 'genuinely' happy. I can see it through his eyes.

'Bakit kaya?'

Nagsi- snacks na kami sa cafeteria but busy siya sa phone niya. I was intrigued pero hinayaan ko lang. Maya-maya pa'y ..

"Diyan ka lang ha. May pupuntahan lang ako saglit", paalam niya.

"Sige", sagot ko.

Natapos na ang break time at bumalik na ako sa room namin and shocking, nandun na siya sa desk niya.

'Tss.. Paasa. Abnormal talaga'

Lecture.

Lecture.

Lunch. *Hindi kami sabay kasi umuwi ako ng dorm para matulog*

Lecture.

Practice time..

Pumasok na ako sa Music Hall dala ang cello ko at nandun na si Cian. May kausap siya sa phone. Weird. Kumaway pa siya sakin so kumaway rin ako. Maya-maya pa'y pumasok na si Sir Wilgen, isang Musical Director from London. And proud to say, he's one of the School's faculty staff. Siya ang magiging conductor namin sa foundation day. Sobrang galing niya to the point na gusto ko na siyang kuning mentor ko sa pagtugtog ng cello. Halos makiusap nako non kay Chichi kaso ayaw pumayag.

Almost 3 hrs practice sa orchestra then 1 and half hour practice for solo performance. Natapos ang araw at sobrang lowbat na ang katawan ko. Umuwi na agad ako sa dorm.

His Sweet Revenge (MinTzu Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon