Chapter 15 :)

34 3 0
                                    

Cian POV

"Ba't dun sumabay si Janella sa kotse nina Trish at Dom? Akala ko ba kayo'ng magbespren?", tanong ni Cielo sakin. Ako'ng nagmamaneho ngayon.

"Hayaan mo na. Never ko rin 'yang nakasabay sa kotse", sagot ko. Nasa daan parin ang tingin.

"May ganun? Bespren daw? Tapos parang andaming di alam sa isa't-isa", may halong tukso ang tono niya.

"Hm. Sabihin nalang nating may mga bagay na hindi namin gustong itanong"

"Gaya ng ano?". Mukha siyang nagkaroon ng interes sa sinabi ko.

"Kahit ano. Pwedeng tungkol sa pamilya", sagot ko. Mukhang nadismaya naman siya. "Ganito, kagaya ngayon. Ngayon lang nila nalaman na may kakambal ako. Hindi niya naitanong sakin noon kung may kapatid ba ako o wala o kung ilan ba'ng kapatid meron ako. Hindi niya rin tinatanong kung anong trabaho nila Mom and Dad. Hindi ko rin naisipang itanong ang mga 'yun sa kanya. Mga ganun", paliwanag ko sa kanya.

"Ba't ganon?", takang tanong niya.

"Hmm?", tugon ko. "Baka ayaw niya rin na tanungin siya kaya hindi siya nagtatanong ng ganoon".

"Aisssshh! Ba't ba ganun siya?!", reklamo niya.

"Whatever Cielo. Ikaw nalang kaya ang magtanong sa kanya. Total mukhang interesado ka naman sa kanya e"

"Uy uy uy! Anong interesado? Bawal na bang magtaka ngayon? Isa pa, sobrang protective mo sa kanya ha. Teka, may lihim na pagtingin ka sa kanya no?"

"Aisshhhh! Bakit mo naman naisip 'yan?!", tanong ko sa kanya.

"Normal lang. Maganda siya at... talented. Super. Hindi ka ba naa-attract dun?"

"Andiyan na naman tayo sa 'maganda' na 'yan. Hindi siya maganda para sakin"

"Weh? Sigurado ka?"

"Hm", sagot ko sabay tango.

"Suuss! Denial ka lang e!", sigaw niya.

"Di nga", sagot ko.

"Denial. Denial. Denial", paulit-ulit niyang sabi dito sa loob ng kotse.

"Ang kulit mo. Pareha lang kayo ni Mommy. Pinapasabong ako kay Ella"

"Hahahahaha!", tawa niya. "Pero seryosong usapan clone, hindi mo siya type?"

"Hindi. May ibang type ako"

"Wow. That's new. Sino?"

Nag-smirk ako bago magsalita ulit. "Si Marie"

Kitang-kita kong nagulat si Cielo sa sagot ko. Hindi siya nakasagot kaagad.

"O-oh. I see", sabi niya saka tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Simula nun tahimik na ang byahe namin hanggang sa makarating sa rest house nila Dom. Hindi ko alam anong nangyari sa kanya basta bigla nalang siyang naging cold.

Cielo POV

Kanina pa akong nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. Pasulyap-sulyap rin ako sa side mirror ng kotse dahil tinitignan ko ang itsura ko, siyempre. Haha. Pero may napapansin akong nakasunod na kotse saming likuran. Kanina pa 'yun nakabuntot samin even though may distansya ang kotseng 'yun sa kotse namin ni Cielo, nahahalata ko pa rin.

'Di kaya paparazzi?! Tsk tsk'

Napabuntong-hininga ako. Medyo nagulat pa ako nang biglang tumunog ang phone ni Cian.

"Oh hello?", bungad niya pagkasagot niya sa phone.

(...)

"Okay". Yun lang ang huling sagot niya sabay patay sa linya.

His Sweet Revenge (MinTzu Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon